-59-

224 8 0
                                    


"Ate, nakita nyo po yung kaibigan kong lalaki dito kanina?" ang tanong ni Iska sa serbidorang nagpa-anot ng cellphone sa kanya dati

"Sino don? Yung nakaiwan ng cellphone o yung isang kasama mo palagi?" usiasa nito

"Yung kasama ko po palagi. Yung medyo matangkad ng konti, maputi at may dimples" pagdi-describe niya kay James

"Ah yun ba? Parang nakita ko nga yon kanina dito pero saglit lang tapos lumabas na ulit"

"Salamat po!" aniya at tuloy-tuloy ng lumabas ng cafeteria "Saan kaya nagsuot yon? Ay teka, ma-i-text nga"

To : James

Nasaan ka po? Dito ako now sa cafeteria outside the school. Antayin kita dito?

After a minute, naka-received si Iska nang reply mula dito.

From : James

Pwede kayang ako na lang puntahan mo dito sa quadrangle? Flora is also here. Antayin ka namin?

Napabuga na muna nang hangin si Iska bago nag-tipa nang message pang-reply.

To : James

Ok. Wait nyo na lang ako diyan ha! I'm on my way na pabalik.

***

Nagtataka si Iska kung bakit nakaipon sa gilid ng quadrangle ang mga estudyante at may upuang monoblock sa gitna nito.

"Iska! Halika sumunod ka sa akin" ani Flora nang mamataan siya

"S-Saan tayo pupunta?"

"Basta sumunod ka na lang" at kumindat pa ito sa kanya

Pagdating nila sa center ng quadrangle ay pinaupo siya nito doon.

Maya-maya ay lumabas mula sa kumpulan ng mga estudyante si James. Sa bandang unahan ito lumabas kaya natanaw niya kaagad. May dala-dala itong bouquet of red roses.

"Francisca Gutierrez" anito nang makalapit na at i-abot ang bouquet sa kanya "Will you allow me to court you?" pagkuwa'y tanong nito

Kilig na kilig naman si Flora na nasa kumpulan din ng mga tao. Natupad na yata ang gusto niyang mangyari noon pa.

"James, nakakahiya itong ginawa mo! Pwede mo naman itanong yan pero huwag naman dito - ang daming nakakakita!" ani Iska sa pabulong na tono

"I want everyone to know na ikaw lang Iska ang gusto ko. Kaya naman ginather ko silang lahat para alam nila na liligawan na kita officially. Wala nang pasa-pasaring tototohanan ko na 'to!" ani James na lumuhod pa sa harap niya kaya mas lalong namula sa hiya si Iska

"Sino ba kasi nagsabing magpasaring ka lang palagi?" ang tanong niya dito habang ginigiya si James patayo "Now, can we talk privately?" aniya pagkatapos

"S-Sure! Tara sa cafeteria" pagkatapos ay hinila na nito si Iska papunta sa cafeteria

***

"Ano ba nakati-katihan mo at naisipan mong gawin yon?" usisa na niya dito pagkaupong-pagkaupo nila sa loob ng cafeteria "Gaya nang sabi ko pwede mo naman akong ligawan ng hindi mo ginagawa yon - nakakahiya kasi sa lahat"

"Idea ni Flora yan. Matapos kasi naming malaman from Chelsea na kinausap mo siya ay naisipan na ni Flora na to make it official eh ganung set-up ang gawin namin. It did not work kasi nga nahihiya ka but I'm sure it was successful dahil mismong sayo na nanggaling na okay lang na ligawan kita without doing those things in public" ang tuloy-tuloy at tuwang-tuwang sabi pa ni James sa kanya

"What? Kinausap kayo ni Chelsea? So alam nyo na pala ang buong istorya?" aniya dito

Tumango ito nang nakangiti sa kanya "At alam ko din na nagkausap na kayo ni Jaime."

"P-Pati yon alam mo na din? Iba ka talaga Colonel James Trinidad" ang natatawang sabi pa ni Iska

"Ako pa? hahaha... Actually, may nakakita lang sa inyo ni Jaime kaninang nag-uusap and for sure alam ko na ano topic nyo kanina kahit hindi mo sabihin sa akin"

Ngumiti muna si Iska bago nagsalita ulit "Oo, kinausap ko na siya para linawin ung issue at sabihin sa kanyang ipaalam sa family niya lung ano talaga siya para maging panatag na din siya at hindi nagpapanggap lang diba?" nakangiting tumango si James sa kanya "Masaya na ako na masaya si Jaime at least we still end up - hindi man as lovers - but friends, okay na yon for me. Saka nandiyan naman ang lucky charm ko maghahanap pa ba akong iba?" kumindat pa si Iska sa kausap na si James

Lumapad ang ngiti nito "Payakap nga!" sabi nito na iniumang pa ang dalawang braso.

Natatawang lumapit siya dito "Ikaw talaga!" sabay yakap sa binata

"Ahem... At last, natupad ang ating mga pangarap para sa kanilang dalawa babe!" ani Flora sa kausap sa cellphone na si Badong

Napatingin sina Iska at James sa kaibigang hindi nila namalayang nakalapit na pala sa kanila.

Tatawa-tawang hinila nito "Luka-luka ka talaga Florabel!" si Iska

"Bakit? Sa masaya kami nang babe ko para sa inyo eh!" ang tatawa-tawa din namang sabi nito "Ano double date na tayo niyan sa probinsya ha?"

"Hep hep hep Florabel... Pinayagan ko palang si James manligaw... H-Hindi pa talaga kami" ani Iska

"Sus, 'di paganun-ganun pa kayo eh doon din naman ang tuloy non!" hirit pa nito.

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon