-43-

206 8 0
                                    


Kinabukasan...

Kahit busy sa kwentuhan nila ay hindi pa din nakakalimutan ni Iska ang ritwal ng gayuma.

Kaya naman ng mapansin niyang papasok na ng classroom si Jaime ay kaagad siyang uminom sa baong tumbler at dali-daling lumapit sa paupo palang noon na si Jaime.

"Tignan mo 'tong gagang 'to wala man lang pasintabi oh!" reklamo ni Flora sa kasamang si James nang bigla na lang umalis sa kumpulan nila si Iska

Nakasimangot namang sinundan ito nang tingin ni James "Para kang fan na 'pag nakita ang idolo niya eh halos madapa-dapa sa paglapit!" wala sa sariling sabi ni James

"Makapagpa-picture at autograph lang ano?" segunda naman ni Flora sa sinabi ni James "Alam mo James tama ka eh! Isang baliw na fan na nga tingin ko diyan kay Iska eh" sabay baling nito kay James

"Ewan ko ba diyan sa kaibigan mo Flora ba't ganyan yan kahumaling sa Jaime na yan!" pagkuwa'y sabi pa ni James na kay Iska nakatingin habang kausap nito at nakahawak pa ang kamay sa leeg ni Jaime

"To tell you honestly, wala din akong idea eh. Ever since kasi na maging kaibigan niya yan eh unti-unti na siyang tinubuan ng malisya sa katawan until one day sabi nalang niya sa akin mahal na daw niya" iiling-iling pa si Flora habang kay Iska din nakatingin

Maya-maya ay makikita na si Iska na pabalik na sa pwesto nito - malapit kina Flora at James.

"Ano successful ba ang day two nang ritwal?" usisa ni Flora na medyo pabulong

"Oo naman!" ani Iska na mukhang kilig na kilig pa

"Mukha nga! Halos para ka nang linta makadikit kay Jaime kanina eh. Buti hindi nailang sayo at tinulak ka?" pang-aasar pa ni Flora

Nakikinig lang si James.

"Grabe naman! Gentleman naman yung tao!" ang tila napapahiya pang sabi ni Iska

"Sus, tignan lang natin 'pag nakahalata yan sa pinaggagagawa mo ha! Tandaan mo may 8 days ka pang nalalabi"

"Hindi niya mahahalata huwag lang maging matabil yang dila mo!" sabi ni Iska sabay pinanlakihan ng mata ang kaibigan

"Sa tingin mo mate-threaten ako sa mga paganyan-ganyan mo ha Iska? Gusto mo bang hanggang day two nalang yang ritwal mo?" balik pananakot ni Flora

"Okay fine." anito na may pagsuko "Ikaw naman kasi Flora huwag ka naman masyadong hard sa soon-to-be BF ko!"

"Ano daw James? Soon-to-be BF?" ani Flora sa nananahimik na si James "In your dreams siguro Iska" sabay baling ulit nito kay Iska

"Wala ka ba talagang tiwala sa gayuma ni Impong Sela, Flora?"

"Meron naman pero pagdating sayo, nawawala tiwala ko sa gayuma niya"

Nakalabing nanahimik na lang si Iska sa naging takbo nang usapan nila nang kaibigan. "Flora kahit anong sabihin mo kay Jaime pa din ang puso ko at gagawin ko ang lahat mapasaakin lang siya" sa loob-loob pa niya

***

"Uy James nagtext na ba ulit si Jenny mo?" pagkuwa'y usisa ni Iska nung hapon na naglalakad na sila pauwi ni James papuntang sakayan ng jeep. Wala na noon si Flora kaya hindi sila nakasabay sa kotse nito dahil magkikita 'di umano ito at ang nobyo.

"Hindi pa nga eh" sagot naman nito

"Bakit hindi mo kaya itext, kumustahin mo"

"Oo nga ano? Sige saglit lang" anito sabay labas ng cellphone niya galing sa bulsa

To : Jenny

Hi Kumusta ka na? Nandito na nga pala ako sa Manila. I forgot to tell you lang. :)

"Ayan okay na, na-text ko na. Wait nalang tayo nang reply niya" pagkuwa'y sabi pa nito

Maya-maya lang ay tumunog na ang cellphone ni James. "Ayan nag-reply na"

"Pabasa ako!" ani Iska na isiniksik pa ang ulo sa ulo ni James para sabay nilang mabasa ang nilalaman ng text message.

Medyo kinilig sa James sa eksenang yon hindi lang niya pinahala kay Iska at baka mailang na naman ito.

From : Jenny

Ito okay naman. Glad to know na nandito ka na sa Manila. Where are you now, school? Ingat pag-uwi. :)

"Wow, ang sweet naman!" ani Iska "Buti hindi ka nagkakagusto sa kanya ano?" ang wala sa sariling nasabi ni Iska "Teka, nagkita na ba kayo niyan personally?" patuloy ni Iska para mawala ang tensyon sa pagitan nila matapos na tanungin niya ito regarding sa nararamdaman nito sa textmate

"Hindi pa" ang maikling sagot ni James na inignora na ang nauna pang tanong ni Iska

"Try mo kaya makipag-meet sa kanya para may idea ka na sa itsura nang katext mo but before that, ask her muna if kilala niya si Jaime para alam mo yon marami kang maitanong sa kanya especially now na alam natin na magkakilala sila"

"Sige textback ako" ani James

To : Jenny

Yup, school pa nga ako pero pauwi na din. Ikaw saan ka ngayon? Nga pala, may kilala ka bang Jaime Santillan? Same school kami at classmate ko siya sa first subject.

Pagka-send ni James sa text message ay naupo muna sila ni Iska sa upuang nasa waiting shed.

Ilang minuto na ang nakakalipas ay wala pa ding reply mula dito.

"Ang tagal naman mag-reply niyan mukhang nag-iisip pa nang isasagot" ani Iska na nainip na

"Ayaw pabuko eh kaya ganyan" sabi naman ni James "Tara na nga, sakay na tayo nang jeep. Text na lang din kita kapag nag-reply na siya" patuloy nito habang tumatayo na mula sa pagkakaupo kasunod naman nito si Iska na tumayo na din.

"Mabuti pa nga!" sang-ayon naman ni Iska.

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon