-8-

504 16 1
                                    


"Tignan mo ang babaeng ito, tinatanggi pa kanina na may bago siyang kaibigan" wala sa loob na sabi pa ni Jaime pagkaraang makita sina Iska at James na papunta sa sakayan ng jeep "Eh hayun at close na close sila nung James ba yun".

Sinundan naman ni Chelsea ng tingin ang tinitignan ni Jaime.

"Bakit inggit ka?" ang natatawang sabi naman nito kay Jaime "Pabayaan mo na iyang si Iska. Diba nga't nilayuan mo na siya? Tapos ngayon may bago lang siyang kaibigan eh didikit-dikit ka naman sa kanya!" anito.

Tinignan muna ng masama ni Jaime si Chelsea bago ito nagsalita ulit

"Wala naman sigurong masama kung lalapitan ko ulit siya." anito "And besides naging friends naman na kami before diba? I'm sure she misses my company" patuloy nito.

"Oh tapos? Nganga na ako on the side? Hoy Jaime, tandaan mo hawak ko ang sikreto mo" ang mapanghamong sabi pa nito sa kanya.

"Alam ko naman iyon Chelsea saka isa pa hindi naman komo makikipaglapit ako ulit kay Iska eh itchapwera ka na kaagad".

"Ok! Mabuti na iyong malinaw. Ramdam ko pa naman na deds pa din sayo ang babaeng iyon".

***

"Yup, kulit nga ng name nung bagong transferee" ani Iska sa kausap na si Flora sa telepono.

"Sa first subject mo lang siya kaklase friendship? Nice! Eh sa subject na iyon din tayo magkaklase diba?".

"Maka-nice naman! Ano type mo agad ano? Sumbong kita sa Badong mo eh" natatawa pang sabi ni Iska.

"Type agad? Grabe ha! Curious lang naman akong makita ano itsura nung tao".

"Eh malay ko ba! Alam mo naman markado ka na sa akin sa pagiging flirt!".

"Ah ganon? So itong Colonel James Trinindad na ito na ba ang papalit kay Jaime sa puso mo ha? Grabe makabakod eh! Hahaha" nang-aasar na sabi pa nito.

"Hindi ano! Si Jaime pa din ang mahal ko. Ine-entertain ko lang yung tao dahil bago nga saka friendly naman".

"Okay, sabi mo eh hahaha" pang-aasar pa din nito "Oh siya, got to go. Prepare pa ako ng gamit. See you tomorrow friendship"

"Okay. See you tomorrow! Goodnight!"

***

Nagulat pa si Iska ng sikuhin siya ng katabing si Flora. As usual, wala pa noon ang forever late nilang professor kaya lahat sila sa classroom ay nagkakanya-kanyang daldalan.

Kanina pa kasi nasa tapat nito ang bagong kaklaseng si James at kinakausap na pala siya nito.

Busy naman kasi siya kakatingin sa love birds na nakaupo sa unahan kaya hindi niya namalayan ang paglapit ni James sa kanya.

"Ha? A-Ano iyon Flora?" aniya pagkaraang mabalik ang huwisyo niya.

"May kumakausap sayo friendship. Hindi mo ba pansin?" anito sa kanya.

"S-Sino?" ang naguguluhang sabi niya sabay baling ng tingin sa paligid niya.

Nangunot ang noo niya ng mapagsino ang taong tinutukoy ng kaibigang si Flora.

Si James naman pala ang matiyagang nakatunghay sa kanya habang siya ay tulala naman sa eksena ng iba.

"H-Hi" aniya ng makabawi.

"Ang cute mo kapag ganyang balisa ka!" anito at tumawa pa.

"Inaasar mo ba ako?" nakasimangot na sabi niya pa dito "Kung mang-aasar ka lang din eh huwag mo na akong lapitan pa!" patuloy niya na halata mong may inis sa tono.

"Ito namang si friendship ang aga-aga saksakan ng sungit" ang natatawa pang sabi ni Flora "Naku. pasensya kana diyan..." ani Flora sa lalaking kaharap na sa tono ay inaalam ang pangalan nito.

"James. Colonel James Trinidad" baling naman nito kay Flora na may kasamang tipid na ngiti sabay lahad ng palad.

Inabot naman ni Flora ang kamay nito tanda ng pagtanggap sa pakikipagkilala nito "Ako naman si Florabel Santos. Just call me Flora nalang." anito sa lalaki bago binitawan ang kamay nito. "Teka, ikaw pala iyong kinukwento sa akin ni friendship kagabi. Absent kasi ako kahapon eh kaya alam mo na nakikichika muna ano bago sa school" patuloy pa nito.

Pinandilatan ng mata ni Iska ang madaldal na kaibigan tanda ba hindi niya nagustuhan ang pagbubunyag nito ng napag-usapan nila noong nakaraang gabi bago hinarap na muli si James "Oh ano ngang kailangan mo?" aniya sa matabang na tono.

"Kayo ha, pinag-uusapan nyo pala ako kapag kayo lang dalawa" ang nanunuksong sabi pa nito particular kay Iska.

"So? Ano namang masama don?" ani Iska na medyo namumula na ang pisngi sa pagkapahiya.

"Sinabi ko bang masama? Natutuwa nga ako at kahit paano tumatak ako sayo" ang sinserong sabi pa nito

"Hindi lang tumatak James, tagus-tagusan pa nga yata dito" sabat naman ni Flora na ang tinuturo ay ang bahagi ng puso niya.

Binalingan na naman ni Iska ang kaibigan sabay pandidilat dito at pagkatapos ay kay James naman siya bumaling.

Nahuli niya pang parang kinilig ito sa sinabi ni Flora.

"Hoy Colonel James Trinidad huwag lang assuming diyan" aniya pa dito "Dahil simula't sapul palang may nagmamay-ari na ng puso ko..." patuloy niya dito pagkatapos ay tinapunan ng tingin sina Jaime at Chelsea na nakaupo sa unahan.

Sinundan ni James ng tingin ang tinitignan ni Iska pagkatapos ay siya ba ang tumapos sa sasabihin pa sana ni Iska "...kaso may nagmamay-ari na rin ng puso niya!" aniya "Iyon ba ang gusto mong sabihin Iska?" patuloy nito.

"Aray ko! Sapul na sapul ah! Saksak puso tulo ang dugo!" ani Flora na umarte pang nasaktan talaga na hindi naman na napansin pa ni Iska.


Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon