DELETED SCENE (Supposed to be Chapter 56)

175 7 0
                                    

DELETED SCENE (Supposed to be Chapter 56)  

"Yaman din lang na tapos na tayo sa pakay natin eh baka pwedeng lumarga na tayo pauwi, Florabel" ani Iska sa kaibigang nakaupo pa rin sa sofa katabi ang nobyo nito.

Umalis na kasi saglit noon si Impong Sela at nagtungo sa kusina, ipaghahain daw sila nito nang makakakain. Kasama nito sa kusina ang apong si James.

"Stay na muna tayo dito Iska, gabi na kaya at ayoko din namang mag-drive na kakaba-kaba ako. Mas okay na yung bukas na tayo nang umaga lumarga" ani Flora "Saturday palang naman bukas diba?"

"Naku naman! Alam ko naman ba't ayaw mo agad umalis kahit kaya mo naman mag-drive eh!" ang nagmamaktol na sabi pa ni Iska. Alam kasi niyang si Badong na naman ang dahilan bakit kailangan nilang paumaga na.

"Alam mo naman pala eh. Enjoy your stay nalang." si Flora habang nakikipagharutan sa katabing nobyo "And besides, James is here. Pasama ka kahit saan mo gusto or bahala na kayo." patuloy pa nito

"Hmp! Ako na lang maggagala kesa pasama pa ako!" ani Iska

"Ay may something na ba at ayaw mong kasama si 'insan?" usisa naman ni Badong

"Takot lang yan na madikit sa pinsan mo babe at baka biglang may mag-spark hahaha" ani Flora na nang-aasar pa

"Tse! Ewan ko sa inyo! Makalayas na nga!" anang naiiritang si Iska

***

"A penny for your thoughts?" ani James ng lapitan siya nito matapos na matulungan nito ang lola niya sa paghahanda nang makakain. Si Iska naman ay tahimik lang na nakatanaw sa mga bituin sa langit

"I-Ikaw pala James" aniya dito nang makalapit na sa kanya

"Paupo ha!" paalam nito bago naupo sa tabi niya

Ngumiti naman siya dito bago tumango at ibinalik na ang atensyon sa naggagandahang mga bituin sa langit.

"Bakit nag-iisa ka dito?" anito pagkaupo

"Nagpapahangin lang ako" pagsisinungaling niya dito habang nakatingala pa din

"Iska!" ang tawag ni James sa kanya

Ibinaba ni Iska ang ulo sabay tingin sa katabing binata "Bakit James?"

"Nakakatuwang tignan yung mga bituin ano?" na sa langit na ngayon nakatingin

"Oo nga eh!" sang-ayon naman niya sabay tingala ulit kaya pareho na sila ni James na nakatingala sa langit.

"Parang ikaw lang yang mga bituin na yan Iska" pagkuwa'y sabi nito na ikinalingon ng ulo ni Iska sa katabi na para bang naghihintay ng iba pang sasabihin ng binata "Abot tanaw lang pero malayo pa din naman" patuloy nito sabay buntong-hininga

Natameme bigla si Iska. 'Eto na naman si James nagpapasaring' sa loob-loob niya

"Nakakatawa 'no? Gusto kita pero may gusto kang iba at mukhang yung gusto mo ay ako naman ang gusto. Parang nakakaloko lang" ang mapait na sabi pa ni James

Hindi umimik si Iska. Nanatili lang itong nakatingala sa mga bituin sa langit.

"Oh akala ko ba maggagala ka na lang mag-isa?" untag ni Flora kay Iska nang makita itong nakatingala katabi si James "Eh kaya naman pala hindi na naggala kasi may kasama nang mag-stargazing" patuloy pa nito

Lumingon ang dalawa sa nagsalitang si Flora.

"Tayo na sa loob nang makapaghapunan na tayo!" sabi nito nang tignan nilang dalawa na parang nagtatanong kung bakit

Tumango ang mga ito at sabay na silang pumasok sa loob.

***

"Bukas na kayo nang umaga umuwi ha. Gabi na din naman kaya dumito na muna kayo." ani Impong Sela nang nasa hapag-kainan na sila at kumakain ng hapunan

Tahimik na tumango lang si Iska sabay pakita nang tipid na ngiti.

"Oh ayan Iska, si Impong Sela na ang nakiusap na dito na muna tayo ngayong gabi, huwag mong sabihing tatanggi ka pa ha" ani Flora dito

Hindi na umimik pa si Iska bagkus ay ngumiti lang ulit ito.

"Aba napipi kana friendship ha!" ang kumento ni Flora

Tinignan lang siya nang tahimik na ngayon na si Iska at sumubo na ulit ng pagkain.

Tumatakbo kasi sa isip nito ngayon ang sinabi ni James. "Mukha nga yatang hindi ko kailanman makukuha ang pag-ibig ni Jaime o si Jaime ba talaga ang gusto ko - gaya nang sabi ni James?" sa loob-loob ni Iska

"Ayoko nang isipin!" ang napalakas na sabi ni Iska

Napatingin sa kanya ang mga kasama sa hapag-kainan.

"Ayos ka lang ba Iska?" usisa ni Impong Sela

"N-Naku... Pasensya na po. M-May naalala lang po kasi ako" ani Iska sa matanda matapos na matauhan

"Sigurado ka ha?" ulit nito "Nakakagulat kasi na bigla ka na lang nagsasalita nang walang kausap"

"O-Opo! Pasensya na po ulit" ani Iska na nahiya na sa nagawa

"Ito lang tatandaan mo Iska ha, nandito kami - ako at ang mag kaibigan mo - para makinig kung anuman yang problema mo" si Impong Sela ulit "Handa ka naming pakinggan at payuhan para lang sa ikatatahimik ng kalooban mo" patuloy nito

Nakamata lang sa kanila ni Impong Sela ang mga kasama nila sa hapag-kainan. Mataman lang silang nakikinig sa itinatakbo nang usapan.

"O-Opo. T-Tatandaan ko po yan. S-Salamat po" anang nahihiyang si Iska.

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon