-53-

212 8 0
                                    



"Flora, balik tayo kay Impong Sela" ani Iska kay Flora kinabukasan ng hapon habang inaantay nila si James sa shaded part ng campus

"Oh bakit, hihingi ka na naman ng gayuma kay Impong Sela? Wala ka bang sawa diyan Iska?" ani Flora na medyo nairita pa "Gayu-gayuma ka pa diyan eh may issue ka pa nga diba?"

Hindi na pinansin ni Iska ang pasaring ni Flora "Basta samahan mo ako, pwede ba?"

"Bakit nga muna?" pangungulit nito

"Hay naku, bakit ba ang dami mong tanong?"

"Syempre kailangan alam ko muna kung bakit bago kita samahan" ang nakataas kilay na sabi pa ni Flora sa kanya

"May ikukunsulta lang ako kay Impong Sela, ano okay na?" sabi ni Iska dito

"Ay ganun lang? Wala man lang details ano yung ikukunsulta mo?" usisa pa nito

"Hay naku ang kulit talaga!" napipikong sabi pa ni Iska "Natatandaan mo yung sinabi ni Impong Sela na may sapantaha na siya kung bakit walang epekto ang gayuma kay Jaime?" tumango naman ito "Yun ang ikukunsulta ko sa kanya"

"Jusko sabi ko na nga ba at si Jaime na naman. Wala na ba talaganf katapusan yan Iska? Hindi ka talaga napapagod? Kung ako sayo mag-iisip-isip na ako talaga! Naku talaga!" ang nanggigigil na sabi pa nito

Nagkibit-balikat lang si Iska dito lalo na at napansin niyang palapit na sa pwesto nila si James.

***

"Wala ka pa din bang balak aminin sa kanila kung ano yung totoo Jaime?" ani Chelsea sa katabing si Jaime sa medyo malakas na boses.

Nasa cafeteria sila sa labas ng school noon at nagmemerienda alam kasi nilang hinihintay pa nila Iska at Flora si James sa loob ng campus kaya nauna na silang nagpunta doon bago pa sila abutan ng mga ito. Kailangan nga lang nilang medyo lakasan ang boses dahil maraming tao sa cafeteria kaya maingay sa loob.

"Bakit kailangang umamin pa? Saka ayokong ipaalam sa iba yon. Sayo nga lang ako nagtiwala eh"

"Sus, kung hindi pa nga kita nabuking eh hindi ko din malalaman yung totoo kaya huwag mo akong paandaran" si Chelsea na ngumuso pa

Hindi na nagsalita pa si Jaime.

"Saka hindi ka ba naaawa diyan sa ex-BFF mong si Iska? Patay na patay kaya sayo yung tao tignan mo nga at hanggang ngayon nagpapa-cute pa din siya sayo" patuloy ni Chelsea

"Ah kaya pala nakikipagyakapan siya kay James sa corridor pa man din ng school natin..." ang nakasimangot na sabi naman ni Jaime

"Pero sana kahit paano dapat hindi ka nagbago nang pakitungo sa kanya"

"Nandiyan na yan kaya wala na tayong magagawa pa"

"May magagawa ka pa Jaime..." ani Chelsea na humawak pa sa braso ni Jaime "...Yun ay ang aminin nga sa kanila ang totoo para hindi ka na din nahihirapan!" patuloy nito

***

Natutop ni Iska ang sarili niyang bibig ng marinig ang huling sinabi na yon ni Chelsea sa kausap na si Jaime pagbukas na pagbukas niya nang pintuan ng cafeteria.

Nakaupo kasi ang dalawa hindi kalayuan sa entrance ng cafeteria kaya nasakto sa pagbukas niya nang pinto na may sinabi ito na nagpagulat sa kanya pero dahil tambak ang mga tao sa loob at medyo may kaingayan ay hindi napansin ng mga ito na sila na nga ang papasok sa loob.

"A-Ano ang dapat aminin ni Jaime na nagpapahirap dito?" ani Iska sa sarili matapos na rumehistro sa kamalayan niya ang sinabi na iyon ni Chelsea

"Hoy Iska! Ano na? Tatayo lang talaga sa entrance door? Reminsce pa more lang talaga? Ang daming tao sa likod namin ni James oh!" ani Flora sa nasa unahang si Iska nang mapansing hindi ito tumitinag upang pumasok sa loob bagkus ay para itong na-istatwa doon

"H-Ha?" ani Iskang nagulat pa sa sinabing yon ni Flora kaya pumasok na siya sa loob

Mukha namang narinig ng dalawa ang medyo may kalakasan ding boses ni Flora kaya makahulugang nagkatinginan ito nang makitang palapit na sila sa pwesto nang mga ito.

"Narinig kaya niya tayo?" ang bulong ni Jaime kay Chelsea nang mapansing pumasok sa entrance si Iska

Umiling si Chelsea bago ito nagsalita "Hindi yan, maingay eh! Basta 'pag ready ka na sabihin mo na sa kanila para maging okay na ang lahat"

Alanganing tumango si Jaime dito.

"Hi sa inyo!" si Flora "Nandito pala kayo ngayon buti nagpang-abot tayo!" patuloy nito na may halong pasaring sa dalawa

"Pwede ba kaming maki-join sa inyo? Wala na din kasi halos ibang mapupwestuhan eh" si James

"S-Sure!" ang simplang sagot ni Chelsea

"Salamat!" si James ulit sabay baba ng gamit niya sa bakanteng upuan sa table nila.

Nagmuwestra din siya sa tulala pa ding si Iska at Flora na maupo na din sa iba pang bakanteng upuan doon.

"Kailangang ma-corner ko itong si Chelsea upang malaman ko ang sikreto nitong Jaime na 'to! Siya na lang yata pag-asa ko eh!" ani Iska sa sarili nang makaupo na siya paharap kina Chelsea at Jaime

"Are you saying something Iska?" ani Flora

Umiling si Iska sabay sabing "T-Tara order na tayo!" 

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon