-9-

446 12 2
                                    


"Oh bakit na-badtrip ka dun sa tao eh totoo naman iyong sinasabi niya diba?" ani Flora makaraang sundan ang kaibigang nag-walkout habang kausap si James.

"Alam kong totoo pero huwag naman in my face! Ang sakit friendship eh!" ang mangiyak-ngiyak na sabi pa nito.

"Eh ano gusto mo plastikin ka nung tao? Ipagsabi sa iba? Kaloka ka din talaga eh noh?".

"Kahit na! Saka feeling masyado iyon, kakakakilala lang namin kahapon kung pagsalitaan ako! The nerve talaga! I hate him!" ang nanggigigil na sabi pa ni Iska.

"Asus! Kung ako sayo ibabaling ko nalang ang atensyon ko sa ibang tao dahil baka doon eh mahanap ko yung happiness na matagal ko ng hinahanap at hindi yung nagpapakabaliw ka diyan sa Jaime mong mahilig sa chaka!".

"Pareho lang naman kayo eh! Diba si Badong hipon din iyon?" pa-inosenteng sabi pa ni Iska.

"Huwag ako at ang choice ko ang pag-usapan natin dito kundi iyang walang kwenta mong pag-ibig diyan sa manhid na Jaime na iyan"

"Maka-walang kwenta naman ito! Huwag kang mag-alala magkaka-kwenta din pag-ibig ko sa kanya dahil ilang araw nalang mako-complete ko na!"

"Ayun kaya panay yabang na magkakakwenta dahil sa gayuma ni Impong Sela pala hahaha" anito "Oh siya sige magkakakwenta na kung magkakakwenta pero alam mo kung ako sayo papansinin ko nalang yung taong nagpapapansin sayo" patuloy nito sabay kindat sa kanya

***

"Pambihira naman itong Prof natin, hindi naman pala papasok nagpahintay pa nang one hour" ani Flora matapos na marinig ang announcement ng dean nila.

"Asa ka pa diyan sa Prof natin, kundi forever late eh nag-a-unplanned leave naman. Bilib nga akong hanggang ngayon nandito pa din siya sa eskwelahan na ito" sagot naman ni Iska na inaayos na ang gamit niya.

"Malakas kay Dean, kamag-anak yata hehe" bulong naman ni Flora kay Iska "Eh saan ka niyan tatambay muna?" pag-iiba nito sa topic pagkaraang bulungan si Iska.

"Sa Library friendship. Magre-research ako eh. Ikaw, punta ka na ba agad sa next saubject mo niyan?".

"Yup. Tanungin ko ung mga kaklase kong pumasok kahapon para makahabol ako sa lesson namin." ani pa nito "Oh paano, alis na ako. Text-text nalang friendship ha." pagkasabi non ay tuloy-tuloy na itong lumabas ng classroom nila.

Ipinagatuloy na ulit ni Iska ang ginagawa ng makaalis ang kaibigan niya.

"Mamaya ka pa ba or paalis ka na din?" anang lalaki sa likuran ni Iska na nagpagulat sa kanya ng husto.

"Jusko naman James, papatayin mo ba ako sa gulat ha?" ang naiinis na sabi pa ni Iska.

"Sorry naman! Malay ko bang magugulat ka ha?" ang natatawa pang sabi nito sa kanya.

"Sorry-sorry! Nagulat mo na ako may magagawa pa ba yang sorry mo ha?" ang naiinis na pahayag pa ni Iska "Saka ano ba kasing kailangan mo sa akin?".

"Gusto ko sanang sumabay palabas kung pauwi kana" anito.

"Hindi pa ako uuwi, may next subject pa ako after an hour" aniya dito na palabas na ng pinto.

"Naku, tignan mo nga naman parehong-pareho tayo halos ng vacant time" ang natutuwang sabi pa nito "Wanna care for a merienda with me? Don't worry treat ko" dugtong pa nito.

"Wrong timing ka mag-aya. Magre-research ako ngayon sa Library eh" ang sabi niya pa dito "Oh so paano? I'll go ahead na ha" paalam niya dito.

Hindi na niya inantay ang sagot nito at dire-diretso na siyang naglakad papuntang Library nang magulat pa siya ng may magsalita sa gilid niya.

"Sama na ako sayo, wala din naman akong tatambayan eh. Pwede ba Iska?" ang nakikiusap na sabi pa nito.

"Sumasabay ka na sa akin eh, may magagawa pa ba ako?" anito sa tonong nagbibiro.


Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon