-38-

238 10 0
                                    


(note : some parts are edited)

"Hoy James, natulala ka na diyan!" untag ni Iska sa kausap na binata sabay siko dito. Hindi na kasi ito nagsalita muli, nakatingin na lang ito sa bag na hawak.

"A-Ano yon Iska?" ani James na tila nagulat pa nang sikuhin siya ni Iska. Napalalim yata ang iniisip niya. Hindi naman niya magawang masabi dito 'pagkat nahihiya siya sa dalaga.

Sasagot pa sana si Iska subalit tumunog ang cellphone ni James mula sa bag nito.

"Uy, baka yung textmate mo yan, naalala ka bigla" sa tonong nanunukso

"T-Teka iche-check ko"

From : Jenny

Kumusta ka na James? Haven't heard anything from you since you've left. Hope okay ka lang diyan. Text me when you're not busy. :)

Pagkabasa nang text message ay ibinalik na niya ito sa bag.

"Oh hindi mo man lang ba rereply-an yung textmate mo?" usisa ni Iska

"Bukas nalang" ani James na bumuntong-hininga pa

"Bakit bukas pa? Huwag mo nang paghintayin yung girl, ito talaga!"

"Eh kasi..." kumamot pa ito sa ito "Wala akong load, nakalimutan kong magpa-load kasi"

"Ah kaya naman pala hahaha 'di mo naman agad sinabi 'kala ko naman ayaw mo lang siyang reply-an. Feeling ko pa naman type ka niyan" ani Iska na kinalkal na ang bag "Oh heto ang cellphone ko, gamitin mo na muna para ma-reply-an mo na agad" anito pa nang makita ang cellphone aa bag at i-abot ito sa kausap

"H-Huwag na kaya, nakakahiya sayo eh"

"Sus, magkaibigan na tayo diba? Kaya huwag ka nang mahiya sa akin" ani Iska at pili na iniaabot ang cellphone niya sa binata

Sa kakulitan nito ay kinuha na rin ni James ang cellphone'ng inaabot ni Iska sa kanya.

Napasimangot pa si James ng makita ang wallpaper ni Iska. Picture kasi ito ni Jaime. Nang makabawi sa inis sa nakita ay nagsimula na siyang mag-type ng isasagot sa textmate.

To : +639164358769

Hi Jenny. Sensya na busy lang talaga. Alam mo naman ngayon ko lang ulit nakasama si Lola. I'll text you again once I'm back =) - James

Pagka-send ng message ay ibinigay na ulit niya ang cellphone kay Iska "Salamat!" sabay sabi nito

"You're welcome. Just advise me kung i-text mo pa ulit siya ha" ani Iska

"Hindi okay na. Sabi ko naman sa kanya text ko ulit siya pagbalik ko sa Manila eh" sabi naman ni James

"Ganun ba?" tatango-tango pang sabi ni Iska "Akala mo ba parang Sunset, Pagkain at Ulan lang ang pag-ibig  - kundi para din pala itong cellphone" pagkuwa'y sabi pa ni Iska habang itinatabi ang cellphone niya.

Napakunot noo si James sa sinabi ni Iska.

"Alam mo kung bakit? Kasi diba minsan kahit may cellphone ka tapos 'pag wala kang load hindi mo na masabi sa taong gusto mong makausap ang gusto mong sabihin sa kanya. Maghihintay ka pa kung kailan ka magkakaload ulit bago mo siya makausap kahit miss na miss mo na siya." ani Iska na nakatingin na ngayon sa kausap na si James

"At minsan kinakailangan mo pa ng tulong ng iba makausap lamang siya, tama ba?" sabi naman ni James

Ngumiti si Iska bago tumango sa sinabi ni James.

"Hahaha sabi na at may something talaga sa ulan kaya ang daming nagse-senti pag ganito ang weather" tatawa-tawa pang sabi ni James

"Napunta lang tayo dito naging ganito na usapan natin hahaha"

"Sisihin natin ung lugar at yung weather haha"

"Kawawa naman sila nadadamay hahaha"

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon