-21-

263 8 0
                                    


"Grabe ang haba na naman ng binyahe namin pero dahil nakita na kita napapawi na ang pagod ko" ani Flora nang salubungin sila ni Badong sa tarangkahan ng bahay nito

Dali-daling kumunyapit sa batok ng nobyo si Flora at binigyan ito ng isang nag-uumalab na halik.

Tumikhim si Iska bago siya nagsalita "Ano Badong, masasamahan mo na ba kami ngayon - as in ngayon na ha - kay Impong Sela?" nakataas ang kilay niya dahil sa lantarang pagpi-PDA ng mga ito sa harap niya.

"Oo ba sasamahan ko kayo kay Impong Sela pero teka, ano na ba nangyari dun sa unang gayuma na binigay niya?" curious na usisa nito

"Ligwak!" ani Flora

"Ay bakit? Never pang pumalya si Impong Sela ah!" anito na matamang nag-iisip

"Eh ayan na nga at may pruweba na, hindi pa din maniniwala? Saka kaya nga nandito kami ngayon para ikunsulta kay Impong Sela yan" ani Flora

"Okay sige. Kung ready na kayo ay sasamahan ko na kayo. Saka tamang-tama kadarating lang din ng pinsan ko galing din sa Maynila, pakilala ko kayo - lalo na 'tong kaibigan mo para magka-lovelife na din" natatawang sabi pa ni Badong

"Hep hep hep Bads dear, leave it to me na lang ok? May naka-reserba na kasi sa kanya kaya yang ipapakilala mo - ipakilala mo lang ha, huwag mo nang ireto pa" ani Flora sa kasintahan

"Hahaha as if! Pwede ba Florabel para lang ako kay Jaime" ang sabi naman ni Iska

"Oh eh siya ba para lang sayo ha?" nang-aasar pang sabi ni Flora

"Sa tulong ng gayuma ni Impong Sela magiging para lang kami sa isa't-isa" taas noong sabi niya pa kay Flora

***

"Impong Sela!" ang sabay-sabay na tawag nila sa harap ng tarangkahan ng bahay nito

"Oh ikaw pala Badong pasok ka!" anang matandang babae ng sumilip ito sa de salaming bintana

"Impong Sela may mga kasama po ako. May isasangguni po sa inyo" ani Badong habang inaabot ang lock ng gate

"Ganun ba? Sige papasukin mo" anito pagkasilip na muli sa bintana

"Sila po Impong Sela, natatandaan mo pa po ba sila?" ani Badong pagkapasok nila sa loob ng bahay

"Ah itong isa ay kasintahan mo hindi ba?" turo nito kay Flora na tinanguan naman ni Badong tanda nang pagsang-ayon "At ito namang isa ay yung binigyan ko nang gayuma, tama ba ako?" anito habang nakaturo kay Iska

"Tama po kayo" ang nakangiting sabi pa ni Flora dito

"Ano pala ang maipaglilingkod ko sa inyo?" anito sabay lahad ng kamay sa bakanteng sofa tanda nang pagpapaupo sa kanila nito

"Iska, sabihin mo na kay Impong Sela" ani Flora sabay siko sa katabing si Iska

"A-Ano po kasi... Y-Yung... yung gayumang binigay nyo po kasi sa akin noon walang e-epekto po" ang tila nahihiyang sabi pa ni Iska sa matanda habang sina Flora at Badong ay magka-holding hands na nakikinig lang sa usapan ng dalawa

"Imposible hija, matagal ko nang binibigay sa mga lumalapit sa akin ang gayumang yon at lahat sila ay nasiyahan sa resulta bukod tanging ikaw lamang ang nagsabing walang epekto ang gayuma ko" anang nagulat na matanda

"H-Hindi ko naman po hangad na saktan ang damdamin nyo ang nais ko lang po sana ay h-humingi nang mas epektibong gayuma, k-kung pwede lang po sana Impong Sela" anang nakayukong si Iska

"Yaman din lang nakikiusap ka hija eh di sige pagbibigyan kita" anito sa dalaga "Ibibigay ko sayo ang isa ko pang gayuma. Saglit lang at ipapakuha ko sa apo kong si Coy at masakit ang binti ko gawa nang rayuma" patuloy nito

"Apo po ninyo Impong Sela?" ani Flora

"Babe, si Coy yung pinsan kong sinasabi ko sa inyo kanina na kadarating lang galing Maynila" ani Badong

"Coy, apo. Pakikuha naman nung gayuma diyan sa ibabaw ng lamesa sa kwarto ko. Yung nakalagay sa maliit na box" ani Impong Sela na sa kusina nakatingin.

"Opo Lola, kunin ko lang po tapos punta na po ako diyan" anito mula sa kusina

Nagkatinginan sina Flora at Iska paano kasi ay parang pamilyar sa kanila ang may-ari nang boses na yon.

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon