-33-

241 10 0
                                    


Sabay-sabay na tumango ang apat

"Naku kaya pala ganyan itsura nyo. Malamang nagtatakbo kayo papunta dito, tama ba ako?" anito pa

"Opo" sagot naman ni James "Isa po sa amin ay pinagpakitaan at ginaya pa po ang itsura ko upang makapanlinlang"

"Bali-balita nga na may nagmumulto nga daw doon at karamihan ng nagpapatunay ay mga kagaya ninyong mga campers"

Nagkatinginan ang apat at halatang mas natakot sila sa nalaman.

"Kung hindi pa kayo umalis doon baka isa sa inyo ay masaktan pa"

"Bakit po kaya mga katulad namin ang pinapakitaan nung multo?"

"Ayaw kasi nung multo ang may nagte-trespass sa bakuran ng lumang bahay na yon. Simula kasi nang pabayaan ng may-ari ang bahay ay inari na nitong kanya ang lugar. Alam ito nang mga taga dito - naming mga taga dito -kaya walang sinuman sa kanila o sa amin ang nangahas na pumasok sa bakuran ng lumang bahay."

"Sayang yung bahay na yon, may kalakihan pa naman, maganda ang bakuran kahit madumi pwedeng-pwede talagang gawing camping site at yung likod-bahay ang sarap pahingahan sa dami nang nakatayong mga puno" ani Badong

"Yung may-ari kasi nung bahay nag-migrate na sa ibang bansa. Nung umpisa may katiwala pa yung bahay pero nung nagtagal umalis na din siya hanggang sa napabayaan na ung bahay"

"Ilang taon na po bang napabayaan yung bahay?" si James

"Dekada na. Dalawang dekada kung hindi ako nagkakamali"

Nagsitango lang ang apat.

"Eh bakit po isa lang pinakitaan niya?" pagkuwa'y usisa pa ni Flora "Diba po dapat lahat kami?"

"Nauna lang niya pakitaan ang isa sa inyo pero isa-isahin niya talaga kayo!"

Lalong nagsiksikan ang apat. Kitang-kita naman kay Iska ang matinding takot sa nalaman. Kung ganon ay siya pala ang unang napili nung multo na pakitaan.

"Eh saan na kayo niyan?" usisa naman nung lalaki

"Uuwi na po!" sagot naman ni James "Ayaw na po naming abutin ng gabi sa daan"

"Ganun ba?" tatango-tango pang sabi nang lalaki "Yaman din lang na naka-plano na ang pagka-camping nyo eh may ire-rekomenda akong lugar sa inyo na talagang camping site"

Nagtinginan na naman ang apat. Nagtatanungan sa tingin kung kakagat ba sa offer ng lalaki.

"Huwag kayong mag-alala at yung lugar na yon ay malapit sa dagat. Doon mas masarap mag-bonfire kesa sa lumang bahay na pinasok nyo" ang nakangiti pang sabi ng lalaki

Maya-maya ay umandar na ang jeep dahil puno na ito.

"Eh saan po ba yung lugar na sinasabi nyo?" ani Badong

"Sa Villa Harmonica Resort and Camping Site" anito

"Ah alam ko na po yon. Maganda nga po doon"

"Alam nyo naman pala bakit diyan pa kayo sa lumang bahay nakaisip mag-camping?"

"Eh kasi po itong nobya ko" sabay akbay ni Badong sa katabing si Flora "Gusto niya din po mag-ghost hunting sana in broad daylight. Kaso nga lang po nangyari nga ang hindi inaasahan kaya umalis na lang po kami"

"Ghost hunting naman pala trip nyo eh di sana nag-stay pa kayo doon" sabi pa ng lalaki na iiling-iling pa

***

Pagkababa nila sa huling ruta nang jeep ay kumain muna sila sa isang maliit na karinderia doon.

Alas-kwatro na pala nang hapon hindi man lang nila namalayan.

Habang kumakain ay nag-usap-usap pa sila hinggil sa suhestiyon ng lalaking nakasabay nila sa jeep.

"Ano trip nyo ba puntahan ung lugar na sinabi ni kuya?" ani Badong

"Malapit na ba yon dito?" ani Flora naman

"Oo, isang sakay nalang ng jeep at kalahating oras na byahe"

"Ah malapit-lapit na pala. Sa akin okay lang. Kayo, ano bang plano nyo?" si James

"Hindi ba pwedeng umuwi nalang tayo?" si Iska

"Ang KJ mo friendship. Ibang place naman na ito. Camping site na talaga at tabing dagat pa. Ayaw mo ba nang ganon?" si Flora

"Baka kung ano na naman yan eh. Natatakot na ako" si Iska

"Hindi, kami bahala sayo! Ayoko lang din kasing umuwi tayo nang wala man lang tayong nagawang activity." si Flora ulit

Tinignan na muna ni Iska ang katabing si James bago bumuntong-hininga, nagpalipat-lipat ng tingin sa katapat sa upuang inuupuan ng mag-nobyo at tumango.

"Yes!" nag-high five pa ang mag-nobyo.

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon