-47-

220 8 0
                                    


"Ms. Francisca Gutierrez right?" anang serbidorang babae sa cafeteria na yon na nasa labasan ng school nila na nagsilbi na ding meeting place nila. Wala halos customer non kaya nakausap siya nito habang naghahanap siya nang makakain sa counter. Sina Flora at James naman ay pawang nakaupo na sa paborito nilang table at hinihintay lang siyang maka-order ng dalawa bago sila naman ang hahanap ng makakain pagbalik niya.

"Yes? How did you know my name dear?" aniya sa babaeng nakangiti pa

"Sa ID mo girl, nabasa ko kasi" anito na nakangiti din naman kay Iska at ni walang bahid na kung anong kapilosopohan sa tono nito

"Ay oo nga pala hahaha sa ID. 'Kala ko kasi kung saan mo lang nabasa name ko or you know me talaga" anito sa babae

"Madalas kitang makita dito sa cafeteria - tambay ka din dito gaya nang iba eh - kaya kilala ko ang mukha mong yan pero hindi ang name mo" anito ulit

"Aray ko naman! Makatambay si Ate oh!" ani Iska sa sarili "Ah ganon ba?" yun nalang ang naging tugon ni Iska sa sinabing yon ng serbidora

Tumango muna ito bago nagsalita ulit "Anyway, nakita ko kasi itong cellphone ng kaibigan mo - yung nakakasama nyo dito na isa pang lalaki 'pag tatambay kayo - nandito kasi sila kanina nung isa nyo pang kasama na babae, tumambay sila kanina tapos nung nakaalis na sila at linisin ko yung table eh nakita ko nga ito then naisip ko ipaabot na lang ito sa mga kakilala niya pang iba, kaya eto oh" anito na iniuumang ang cellphone sa kausap "okay lang ba?"

"S-Sure okay lang" anito sabay kuha sa inaabot na cellphone nito "Ibigay ko nalang sa kanya 'pag nagkita kami ulit. Sabihin ko na lang na nakita mo nga dito sa cafeteria" patuloy niya

"Okay. Salamat. Pinaabot ko na sayo ha, ayoko kasing may alalahanin pa lalo na't madalas busy kami dito" sabi pa nito

Tumango lang si Iska at bumalik na sa table nila habang bitbit ang tray ng pagkain.

"Ang tagal mo naman!" reklamo ni Flora nang makabalik na siya

"Eh pano si Ateng serbidora kinausap pa ako" aniya pagkalapag ng tray sa table nila

"Ano ba sabi at ang tagal-tagal mo sa counter?" si James "Gutom na din kasi kami eh" sabi pa nito

"May iniabot na cellphone naiwan daw ng mga kasama nating tumambay dito dati" aniya sa dalawa "Sina Jaime at Chelsea nga. Nandito na pala sila kanina.

"Tapos siguro kamamadali na abutan natin, eh ayan na nga naiwan ni Jaime. Tama ba?" si Flora

"Malamang nga!" sang-ayon naman ni James

"Kayo talaga malay nyo naman may emergency kaya nagmadali umalis yung dalawa" si Iska

"Sus, pinagtanggol mo pa yang kinahuhumalingan mong lalaki. Diyan ka na nga muna at nang maka-order na" ani pa ni Flora sabay tayo nito "Ikaw James, sabay ka na ba sa akin!" pagkuwa'y inaya naman si James

Tumayo na din ito tanda na sasabay na kay Flora'ng um-order na din ng makakain.

***

"Tara i-check na natin yang cellphone ni Jaime" ani Flora matapos na sila ay kumain "Baka may makuha pa tayong information diyan kesa sa pagkausap natin sa kanila ni Chelsea"

"Teka naman muna Florabel. Pwede bang sa ibang lugar na natin kuting-tingin ang cp na ito ni Jaime?" ani Iska "Nakakahiya kay Ateng serbidora sabihin pinakialaman na natin yung inihabilin niya"

"Okay fine! Eh 'di mamaya na lang!" ani Flora umikot pa ang mata sa pagkadismaya

"Huwag ka nang nadismaya Flora" si James "Tama naman si Iska eh" patuloy nito

"Sige magkampihan kayo!" anito pa "Oh eh saan naman tayo tatambay para lang kutingtingin yan?" patuloy ni Flora

***

"Manang Mercy sila Mama?" ani Iska nang pagbuksan siya nang pintuan nito

"Wala pa sila" matipid na sagot nito sa kanya "Ay may mga kasama ka pala" anito nang makita ang mga kasama ni Iska

"Opo Manang. Mga kaklase ko po. Flora po, tanda nyo pa?" sabi niya dito nang ituro si Flora dito sabay baling naman sa katabi nitong si James "Saka po si James"

"Magandang hapon mga hijo at hija" bati naman nito sa kanila "Oh paano Iska, maiwan ko na kayo diyan ha. Ikaw na ang bahala sa mga bisita mo" paalam nito sa kanila

"Okay po Manang" sagot naman ni Iska dito bago inaya ang mga kasama na maupo sa magara nilang sala

"Pasensya na kayo sa bahay namin ha" anito sa dalawa

"Kami pa ba naman Iska? Saka anong inihihingi mo nang pasensya sa amin? Sus, ikaw talaga friendship" si Flora

Si James naman ay iginala-gala ang paningin sa sala nila "Ang ganda pala nang bahay nyo Iska eh" pagkuwa'y anito sa dalaga

"Maganda ba? Salamat." ani Iska "Pero mas maganda sana ang bahay namin kung palagi dito ang parents ko kaso wala eh, busy sila sa trabaho nila" patuloy nito sabay pakita nang mapait na ngiti

Nang makita ni James ang ngiti na yon ni Iska ay naramdaman niya ang lungkot nito.

"Hayaan mo na friendship, para din naman sayo kung bakit sila nagpapakabusy hindi ba?" alo naman ni Flora dito

Tumango nalang si Iska dito sabay sabi nang "Ayos lang naman ako Flora. Nasanay na din naman ako, yun nga madalas nakakalungkot" anito habang nakatingin kay Flora "Anyway, before we proceed. Tara merienda muna tayo. For sure kasi eh naghanda yang si Manang Mercy sa kusina" pagkuwa'y sabi nito sa dalawa na pinaunlakan naman ng mga ito.

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon