-14-

355 8 0
                                    


Nakatayo pa din si Iska sa upuang inilaan para sa kanya ni James. Hindi kasi siya makaupo dahil makakaharap nya si Jaime na katabi naman ni Chelsea. Sa upuang uupuan naman niya ay makakatabi niya si James at sa gilid naman nito at ni Chelsea ay ang kaibigang si Flora naman.

Nauna man kasi siya sa counter ay nahirapan naman siyang mamili ng bibilhin, nangangatog kasi siya na hindi niya mawari. Sa kaba siguro, pero hindi niya talaga alam. Malinaw pa din kasi sa alaala niya ang naging kalungkutan niya noon nang iwanan siya ni Jaime at ipagpalit sa kaibigan na ngayon nitong si Chelsea at heto sila ngayon, magkakaharap sa iisang lamesa.

"Iska, maupo ka na oh!" ang sabi ni James ng tinilain siya nito "Kanina ka pa kasi nakatayo diyan eh" patuloy nito

"Oo nga naman friendship, maupo kana" susog naman ni Flora

Nag-aalangan man ay naupo na rin siya.

"Naku, salamat naman at nakasabay na din namin kayo." ani Chelsea na halatang-halata ang tuwa sa tono

Tinignan na muna ni James ang katabing si Iska bago siya nag-comment. Kitang-kita niya ang nagpupuyos sa selos na itsura nito.

Nagbuntong-hininga na muna siya bago tumingin sa dalawang nasa harapan saka siya nagsalita "Bakit naman, ano bang meron at bigla-bigla eh gusto nyo kaming makasabay?" aniya sa dalawang nasa kanyang harapan

"Sabihin na nating gusto lang namin mapalapit sa inyo - yung maging magkakaibigan lahat tayo." ani Jaime

"P-Pero bakit ngayon lang?" ang nag-aalangang tanong ni Iska

"Hindi ko din alam kung bakit pero lately I feel the urge to make friends with you guys. Pati nga itong si Chelsea na-engganyo ko na din but I hope okay lang sa inyo ha!" ani Jaime sabay sulyap sa katabing si Chelsea

Sina Iska at Flora naman ay lihim na nagtinginan. Isang makahulugang ngiti ang ibinigay ni Iska sa kaibigan tanda na natutuwa ito sa nangyayari at tila yata umeepekto na ang gayuma.

Hindi naman nakaligtas sa mapanuring paningin ni James ang lihim na tinginan ng dalawang babae. Mas lalo pa tuloy siyang naging eager na alamin kung ano ba ang sikreto nang mga ito.

"G-Ganun ba? I guess okay lang naman. Saka feeling ko mas magiging masaya nga kung marami tayo" sang-ayon naman ni Iska makaraang makabawi sa tuwang nararamdaman.

"Great! Salamat sa inyo." ang natutuwang pahayag na muli ni Jaime "Ay let's exchange digits na rin" patuloy nito

"Diba you have our numbers na Jaime?" manghang sabi pa ni Iska

"Yup. Yung sayo at yung kay Flora, wala bang changes don?" anito

"Nope. Same pa din naman." ani Iska

"That's good. I'll give your numbers nalang to Chelsea and then I'll give Chelsea's number naman senyo" ani Jaime "And can we have James number naman, if okay lang p're" patuloy nito sabay sulyap sa kaharap na binata

"It's okay" ang nakangiting sabi pa nito "Here's my number" anito sabay pakita ng cellphone niya para kopyahin nito

"Salamat p're" ang masayang sabi na nito pagkaraang makopya ito

***

Pagkaraan ng isang oras makikita nang sabay-sabay na naglalakad ang lima pabalik ng campus.

Habang naglalakad ay pasimpleng kinausap ni Iska ang kaibigang si Flora since nahuhuli naman sila sa mga kasama.

"Friendship bakit ang tahimik mo kanina?" bungad niya dito

"Moment mo yon with your insensitive crush and lucky charm. Syempre ayoko namang sirain ang araw mo sa mga comments ko hehe" anito sa kanya

"Kakaloka ka. Nakaya mong hindi talaga mag-comment ha! Amazing!" ani Iska sa sarcartic na tono na tinawanan lang naman ni Flora "Anyway, ito na yata talaga ang simula nang masasaya kong mga araw. Jaime finally came back into my life" ang medyo kinikilig pang sabi nito

"Gaga! Tandaan mo hindi lang ikaw ang malapit sa kanya!" ang nakataas-kilay na sabi pa nito sa kanya "Do you think papayagan ni chaka girl na mapasayong muli ang Jaime na yan? Baka kaya nga nakikisawsaw yan kasi ayaw din mawalan."

"Sabagay nga. So ano? Hayaan ba nating isali yang babaeng yan sa atin? Baka contagious ang kachakahan niyan mahawa pa tayo ha!" komento naman ni Iska

"Kayo talagang dalawa ang sasama nyo!" ang narinig nilang sabi ni James na hindi nila namalayang kasabay na pala nilang naglalakad

"Tse manahimik ka! Wala kang alam sa nangyari kaya wala kang karapatang i-judge kami" ani Iska makaraang marinig ang sinabi James

"Kayo naman joke lang naman yon! Ayaw nyo pa kasi akong isali sa secret nyo eh quiet naman ako. Saka malay nyo nga makatulong pa ako sa inyo" ang nangungunsensyang sabi pa ni James sa dalawa

"Ah basta pag-iisipan ko na muna. Mahirap na noh!" ani Iska sabay hila sa kaibigang si Flora

"Tignan mo 'tong mga 'to iiwan pa talaga ako!" ani James na humabol na sa dalawa.

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon