-22-

267 9 0
                                    


"'La ito na po yung pinapakuha ninyo" anang binata nang makalapit na ito kay Impong Sela

"Salamat apo" anang matanda pagkakuha sa iniaabot ng apo niya

Akma nang babalik si Coy sa kusina nang mapansin niya ang dalawang dalagang nakaupo sa sofa at ganun din naman ang mga ito sa kanya.

Nang makita naman ni Badong na nagkatinginan na ang mga bisita niya at ang pinsan niya ay ipapakilala na niya sana ang mga ito.

"Coy, insan!" bati muna ni Badong sa pinsan niya

"Coy? Kailan pa naging Coy ang pangalan mo?" ang natatawang sabi pa ni Flora

"Oo nga James, kapag pala sa probinsya naiiba nickname mo ha!" ani Iska na natawa na din

"Teka, magkakakilala na kayo?" anang gulat na gulat na si Badong

"Kilala nyo ang apo ko?" segunda naman ni Impong Sela

Tumango si Flora kay Badong at pagkatapos ay si Impong Sela naman ang kinausap nito "Opo Impong Sela, magkakaklase po kami"

"Ganun ba? Bihira kasing mauwi ang apo kong ito dito sa amin kaya hindi masyado nakakapagkwento" anang matanda "Kumusta naman ang apo kong ito sa klase? Sabi ko nga eh mag-girlfriend na nang may inspirasyon na siya"

"Ano po ang sagot niya sa inyo Impong Sela?" usisa naman ni Flora

"May nagugustuhan nga daw siya kaso may..." tinakpan na ni James aka Coy ang bibig ng lola niya kaya hindi na narinig pa nila Iska ang sasabihin pa sana nito

"'La huwag mo naman akong ibuko sa kanila, nakakahiya!" bulong ni James sa lola niya sabay tanggal niya ng kamay sa bibig nito

Pagkatapos ay napatingin si Impong Sela sa mga kaharap na para bang hinihintay ang susunod pa niyang sasabihin.

Tumikhim muna siya bago nagsalita "Ahm Iska, ito na nga pala yung gayumang sinasabi ko na mas epektibo kesa sa nauna. Yung huling binigyan ko nyan within 10 days naging jowa niya yung lalaki eh" anito sa dalaga habang inaabot ang isang maliit na kahon dito

"Paano po ito gamitin Impong Sela?"

"Kung mapapansin mo ang laman ng kahon na yan ay parang mga tea bags, ang gawin mo lang ay ihalo ang laman niyan sa bawat iinumin mo at pagkatapos ay lapitan mo ang lalaking gustong-gusto mo at pasimple mo siyang hawakan kahit saan sa kamay, balikat, ulo - ikaw na ang dumiskarte - basta dapat mahawakan mo siya pagkainom na pagkainom mo niyan. Ang gayuma naman na yan ay kailangang maisakatuparan mo sa loob lamang ng 10 days. After non mapapasayo na ang lalaking mahal mo" ang mahabang dialogue pa ni Impong Sela

"So ito pala yung sikreto nyong dalawa ha! Ang magpagawa nang gayuma sa lola ko!" anang natatawa pang si James kanila Iska at Flora

"Ano naman sayo ngayon? Ayaw mo non may customer ang lola mo sa katauhan naming dalawa?" ani Iska

"Excuse me dear, sinasamahan lang kita. Ang tunay na pakay ko dito syempre pa ay ang Badong ko" ani Flora at ikiniskis pa ang ilong nito sa ilong ni Badong

"Whatever!" ani Iska na tumirik pa ang mata sa inis sa kaibigan

"Hindi ko sukat akalain na ginagamitan mo pala niyan si Jaime haha" anitong natawa pa

"Tse! Wala ka na sigurong pakialam don ano! Hainaku, kaya nga ba ayokong ipaalam sayo 'to eh dahil pihado mangbubuska ka na naman"

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon