-18-

284 7 0
                                    


Sinundan ni Chelsea nang tingin ang tinitignan ni Iska.

Napapalatak siya nang makitang si Jaime na naman pala ang tinitignan nito.

"Type mo pa rin?" bulong ni Chelsea kay Iska nang hindi na ito makatiis

"Ha?" anitong gulat na gulat sa hindi inaasahang tanong na iyon ni Chelsea

"Aminin mo man o hindi alam ko na type mo pa rin siya"

"H-Hindi sa ganun Chelsea" halatang nag-aapuhap ng idadahilan si Iska aa kausap

"Don't get me wrong ha pero alam mo kung ako sayo dun na ako sa taong mas nagpapahalaga at nagmamahal sa akin kesa diyan, masasayang lang panahon mo diyan" anito sa kanya sabay tapik sa balikat niya na parang pinahihiwatig na 'pag-isipan mo maigi' at saka ito lumapit sa magkakaumpok na sina Jaime, James at Flora

Pagkaalis ni Chelsea ay nakaramdam siya nang konting inis para dito. Di yata't pinapalayo na siya nito kay Jaime para masolo nito ang lalaki.

Naikuyom ni Iska ang mga palad. Hinding-hindi siya makakapayag na mapunta sa iba si Jaime - lalo na sa chakang Chelsea na ito.

No, never - over my dead body!

***

"So, ano ngayon ang balak mo?" ani Flora matapos na ikwento ni Iska sa kanya ang mga sinabi sa kanya ni Chelsea kanina

Kasalukuyan silang nakaupo sa madamong garden ng school nila.

"Babalik tayo kay Impong Sela" pagkuwa'y sabi ni Iska

"That's our original plan diba?"

"Yup but this time pupunta tayo sa kanya to ask for a more effective love potion. Tignan ko lang kung makuha pa sa akin ng Chelsea na yan si Jaime"

"What? Hindi ka pa din satisfied sa unang gayuma?"

"Paano naman ako masa-satisfied sa gayuma na yon kung hanggang ngayon wala din progress na malupit?"

"Naiinip ka lang kaya feeling mo ang tagal ng effect"

"Jusko naman Florabel, sa tingin mo ba kung talagang may effect yon eh di sana may ka-text at kakiligan na din ako gaya ni James"

"Malay mo ibang way lang yung diskarte nung gayuma diba?"

"Yung gayuma talaga didiskarte ha Florabel? Kakaloka ka!" ang naiinis ng turan pa ni Iska

"Ano ka ba friendship pinapatawa lang kita para ma-lessen yang nararamdaman mong sama ng loob."

"Florabel naman eh! Mas lalo akong naiinis diyan mga sinasabi mo!"

"Okay! Okay! Para matigil kana ora mismo lalarga tayo kay Impong Sela"

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon