-12-

326 11 0
                                    




"Shit, friendship palapit na siya! Maayos pa ba buhok ko? Mabango pa ba ako? Baka oily na mukha ko, need ko na ba mag-retouch ha?" ang sunod-sunod na tanong ni Iska sa katabing si Flora sa shaded part ng campus matapos ang huli nilang subjects pareho.

"Easy lang friendship, okay pa itsura mo, no need to retouch na!" ang natatawang sabi ni Flora sa kaibigang aligaga sa papalapit na si Jaime "Kaso... May kasamang asungot - alam mo na... Keri ba nang powers mong harapin sila ha?" patuloy pa nito

"What? Akala ko pa naman siya lang hmp kasama pala si chaka girl" napasimangot pang sabi niya

"As if naman iiwan niya yung isa somewhere diba? You know how close they are dear kaya sorry nalang"

"Nakakainis naman talaga! Magwalk-out kaya ako - or tayo?" aligaga nang sabi niya

"Hello ngayon pa? Ilang steps nalang they're here na tapos walk-out? Ma-obvious ka niyan 'teh!"

"Eh anong gagawin ko?"

"Gaya nang sabi ko easy ka lang. Yung normal mong kilos na as if hindi ka affected sa presence nila - yung ganon! Huwag kang tanga Francisca, ok?"

"Maka-tanga talaga Florabel eh noh?"

Sasagot pa sana si Flora pero nasa harapan na nila ang dalawa.

"Hi girls!" ani Jaime ng pagkalapit na pagkalapit nila "Pwede ba kaming maki-join sa inyo?"

"Nandito na kayo eh so may magagawa pa ba kami?" ang naiiritang sabi pa ni Iska sa sarili "A-Ah sure... Sure, sige okay lang" aniya sa dalawa sabay pakita nang pilit na ngiti

"S-Salamat" ani Chelsea sa nahihiyang tono

"So what brought you here?" pagkuwa'y aniya kay Jaime

"Wala lang naman" ani Jaime na nakatingin partikular kay Iska "Actually, napadaan lang kami eh" patuloy nito

"Ah okay" ang sagot ni Iska na tatango-tango pa

"Gusto sana namin kayong imbitahin magmerienda" singit naman ni Chelsea sa usapan

"Yup, eat with us" segunda naman ni Jaime

Nagulat man, sumagot pa rin si Iska "Ah salamat na lang, tapos na kasi kami eh" pagtanggi niya dito

"Tapos na ba? Ba't wala akong maalala?" ang sabi naman ni Flora kaya siniko ito bigla ni Iska "O-Oo nga pala tapos na kami kumain, salamat" ang nasabi nalang nito sa dalawang kausap

"Ganun ba? Treat ko pa naman sana kayo" ang malungkot na sabi pa ni Jaime "Sana next time makasabay naman namin kayo" patuloy nito

"Ah oo, sige sunod nalang" ang matipid na sagot ni Iska.

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon