-30-

246 9 0
                                    


"Teka, sure ba kayong dalawa na pusa lang talaga yon?" ani Flora na hindi kumbinsido sa sinabi nang nobyo kahit ramdam pa din niya ang mabilis na tibok ng puso sa pagkagulat na naramdaman kanina

"Oo, pusa lang talaga yon Flora" anang pababa sa hagdan na si James "Maliit lang din ung taas, ilan lang ang kwarto kaya madaling ikutin, yun nga lang medyo may kadiliman gawa nang mga sira-sirang kisame na tumakip na sa sinag ng araw"

"Okay, mabuti na yung sure tayong lahat." si Flora pa rin

"Okay ka lang ba Iska?" ani James na lumapit na sa nakaupo pa ring dalaga sa dining table

"Okay naman, sobrang gulat lang kanina kay Badong" ani Iska na gaya ni Flora ay mabilis pa din ang tibok ng puso

"Sure na okay ka lang ha?"

Nag-thumbs up nalang si Iska sa nag-aalalang binata.

***

"Tuloy pa ba natin ang ghost hunting Babe?" bulong ni Badong ng makalabas na silang lahat ng bahay at dumiretso na sa tent na itinayo nila sa bakuran ng bahay

"Baka hindi na Babe, nag-aalala ako kay Iska, iba ang kaba niya. Baka mapaano siya at hindi yon kakayanin ng konsensya ko" ang seryosong bulong din ni Flora sa nobyo

"Okay sige, mabuti pa nga. Mukha namang magbubunga pa din naman ang hirap mo sa dalawa eh" sabi ni Badong sabay nguso sa dalawang busy'ng-busy sa pag-aayos ng iluluto nila ngayong tanghalian.

Tinignan naman ni Flora ang nginunguso nang nobyo. Sa sobrang tuwa ay napa-high five pa si Flora kay Badong. "Ayos!" pagkuwa'y sabi ni Flora "Halos lahat ng activities magkasama sila. Sana magka-develop-an na sila para itapon na ni Iska yung gayuma hahaha"

***

"Tapos na nating hiwain ang mga gulay. Kawali nalang ang kulang pwede na tayo mag-proceed sa paggigisa" ani Iska sabay kalkal ng mga gamit nilang dala

"Ano hinahanap mo?" ani James ng mapansing may hinahanap siya

"Kawali. May dala tayo non diba?"

"Naku, wala tayong dalang kawali Iska. Meron sa loob ng bahay pero naiwan ko yata sa taas eh" ani James na kakamot-kamot ng ulo

"Hala paano yan?"

"Diyan mo nalang igisa ung gulat sa kaldero" suhestiyon nito

"Hindi pwede, diyan ko papalambutin yung baboy eh" anito

"Naks, mukhang magaling ka magluto ah. Madalas mo bang gawin yan sa inyo?" impressed na sabi pa ni James

"Hindi ano. May housemaid kami. Ayaw din Mama na nakikialam ako sa kusina. Diskumpiyado sa luto ko hahaha"

"Oh eh paano ka natuto magluto?"

"Sa housemaid din namin. Madalas ko siyang panoorin magluto eh tapos ayon hanggang sa matuto ako kahit pa-extra-extra lang ako sa kusina"

"Galing naman!"

"S-Salamat" Ang pabulong na sabi pa ni Iska

Naramdaman ni Iska na namula siya pero dedma na lang at ayaw niyang matukso na naman ng mag-nobyo.

"Ay teka, kunin ko na nga ung kawali sa taas. Diyan ka lang ha!" ani James sa kanya

Tahimik na tumango si Iska.

Matamang sinabi ni James saan ang tungo niya nang madaanan niya ang mag-nobyo at tinanong kung saan ang punta niya.

***

Nang makapasok na sa loob ng bahay ay dali-dali nang umakyat sa taas si James.

Hinalughog niya ang lahat ng sulok sa taas ngunit hindi pa din niya makita kung saan niya naiwan ang kawali.

Hanggang sa umabot na siya sa dulong bahagi ng hallway kung saan nandoon ang terrace ngunit wala pa din doon ang hinahanap kaya't minabuti nalang niyang bumaba at tignan din sa baba ang hinahanap kahit sigurado siyang sa taas niya ito naiwan.

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon