-55-

234 9 0
                                    







"Oh tuloy kayo!" ang masayang sabi ni Impong Sela nang makita silang papasok sa loob ng pintuan

"Magandang hapon po Impong Sela" ang panabay na sabi nila Isla at Flora

"Ang lola kong maganda! Kumusta ka na po?" ang masayang bati naman ni James sa lola niya sabay yakap at halik dito

Nakamasid lang sa kanila ang mga dalaga. Natutuwa kasi sila malambing na bati dito ni James.

"Coy!" ang masaya din namang sabi nito sabay halik at yakap din sa kanyang apo "Kumusta na ang mabait at gwapo kong apo?" pagkuwa'y tanong nito

"Okay lang ako lola. Namiss nga kita eh pati ang masarap mong luto" sabi pa ni James

"Hayaan mo apo at ipagluluto kita nang paborito mong Adobo" sabay kurot sa magkabilang pisngi nang apo niya

"Yes! Yan ang lola ko!" ani James

"Lola mo lang?" ani Badong

"Okay rephrase ko. Yan ang lola namin" sabay kindat sa nakangiti niyang pinsan, nag-thumbs up naman ito sa kanya.

"Oh siya magsiupo na nga kayo" ang sabi ni Impong Sela nang mapansing kanina pa nakatayo ang kanyang mga bisita. "Kumusta pala yung gayuma Iska, epektibo ba?" ani Impong Sela kay Iska pagkaupo nila sa sofa.

"Eh yun nga po sana ang sadya ko sa inyo Impong Sela. Yun pong pangalawang gayuma na ginamit ko... H-Hindi po yata effective" amg nahihiyang sabi naman ni Iska dito

"Imposible hija. Lahat ng kumuha sa akin niyan ay maligaya na ngayon sa piling ng kani-kanilang mga asawa" ani Impong Sela na medyo nagulat sa sinabing yon ni Iska

Si James ay matamang nakikinig lang sa usapan nila. Sina Flora at Badong naman ay natigil sa paghaharutan. Lahat sila ay curious sa usapan ng dalawa tungkol sa gayuma.

"P-Pero yun po ang totoo Impong Sela. Wala po akong naramdaman ni katiting na pagtingin mula sa kanya"

"Nakapagtataka na talaga ito. Pangalawang gayuma na yan eh - wala pa ding talab!" ani Impong Sela sa sarili habang hinihimas ang kanyang baba

"A-Ano po kaya ang dapat kong gawin?" ani Iska na nahihiya na sa kausap na matanda

"Alam mo hija, hanggang pangalawang gayuma na lang ang kaya kong ibigay sayo"

"Pero bakit po?"

Hinimas na muli ni Impong Sela ang kanyang baba bago ito nagsalitang muli "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Iska ha. Ang mga gayuma ko kasi ay i-epektibo lang sa mga straight" anito sa kanya "Huwag mo sanang mamasamain ang itatanong ko sayo ha Iska. Ahm, bakla ba yang crush mo?"

Biglang inubo si Flora sa tanong na yon ni Impong Sela. Habang si Badong naman ay panay ang himas sa likod ni Flora. Si James naman ay nandilat ang mata sa narinig.

Tinignan na muna ni Iska ang tatlo bago nagsalita "N-Naku nagkakamali po yata kayo Impong Sela. H-Hindi po bakla si Jaime" ang naguguluhang sabi pa ni Iska

"Kaya nga tinatanong kita Iska eh dahil walang sinuman sa ating lahat ang nakakakilala sa kanya nang husto  - bukod sayo" si Impong Sela

Natameme siya sa sinabing yon ni Impong Sela. "Paano nga kung tama ito?" sa loob-loob pa niya

"Ahm, Impong Sela!" ang sabat naman ni Flora "Bakit naman po may 'discrimination' ang gayuma ninyo? Porke't bakla 'di na pwedeng gayumahin?" patuloy ni Flora na idiniin pa ang salitang discrimination

Bumaling si Impong Sela kay Flora "Hindi naman sa dini-discriminate ko ang mga third gender na yan pero hindi kasi talaga tatalab sa kanila ang gayuma dahil iba ang gender ng karibal ng nanggagayuma, gets mo?"

"Po?" ani nang nakakunot-noong si Flora "From the top nga po, nagulugan po ako lalo eh"

"From the top-from the top ka pang nalalaman diyan Flora!" ani Impong Sela "Ganito na lang, explain ko na lang ng maayos para pati itong si Iska ay maintindihan ang ibig kong sabihin" patuloy nito na kay Iska na bumaling

Matamang nakinig naman hindi lang sina Flora at Iska kundi maging sina Badong at James.

"Ang isang tao kasi na iba ang gender preference ay nagkakagusto sa isang tao na kauri niya, tama ba?" ang tanong ni Impong Sela na kay Iska pa rin nakatingin. Pasimpleng tumango naman ito sa matanda kaya nagpatuloy na ito sa pagsasalita "Kaya naman hindi siya i-epekto kasi ang karibal mo sa puso niya ay kapwa niya lalaki at hindi babaeng tulad mo"

"So ibig nyo pong sabihin yung ibang kumuha nang gayuma sa inyo ay ka-gender nila ang mga karibal nila kaya madaling tumalab sa kanila ang gayuma ninyo - tama po ba?" si Iska

"Nakuha mo Iska!" anito sa dalaga "Ngayon, tatanungin kita. Sinabayan mo ba nang dasal ang panggagayuma mo?"

"H-Hindi nga po eh. Sobrang na-excite po kasi ako" ang nanghihinayang sabi pa niya sa matanda

"Kaya naman pala. Sabi ko naman kasi sayo diba, sabayan mo nang dasal at baka sakli makuha pero since hindi mo nagawa mas hindi naging effective ang ritwal sa kanya"

"Eh Impong Sela, baka naman po kaya ganyan ang mga nangyari eh iba ang destiny nitong si Iska" singit ni Flora

"Hindi malabong mangyari Flora" sang-ayon naman nito "Ang lahat kasi nang bagay sa mundo ay nangyayari kapag ukol sayo. Kapag naman hindi, kahit anong pilit mo hindi talaga mangyayari kahit lumuha ka pa nang dugo" patuloy nito

"So sinasabi nyo po na maghintay lang si Iska sa right guy para sa kanya since ang gayuma na nagamit niya ay hindi nga epektibo" usisa naman ni Badong

"Right guy ba kamo? Ang tagal na kaya non naghihintay sa kanya. Ito lang namang si Iska ang ewan ko nga ba!" ani Flora

Pinanlakihan ni Iska ng mata ang madaldal na kaibigan kaya tatawa-tawa itong nanahimik habang makahulugang tumingin sa katabing nobyo.

Si James naman ay tahimik lang na natatawa sa pasaring kaibigan nito na si Flora.

"Yun naman pala at may naghihintay na sayo Iska eh" ani Impong Sela "Sa tingin ko mas makabubuti kung sa kanya ka na lang pakahumaling kesa diyan sa crush mo na - alam mo na!" patuloy nito na kumindat pa sa natutulalang si Iska.

Ang Gayuma ni Impong SelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon