Chap.o1

11.1K 94 1
                                    

Chap.o1

"Sige Jen, sa uulitin," masaya kong paalam sa kaibigan ko.

Kagagaling namin sa handaan ni Eunice. Kaarawan kasi nito at imbitado naman ako pati na din si Jen.

Pasipol-sipol pa akong pumasok sa bahay namin na gawa kahit papaano sa semento at yero. Nabusog ako sa handaan ni Eunice kanina. Nakakain ako ng mga pagkaing hindi ko masyadong natitikman. Kaya nga sobrang saya ko nang imbitahan nya ako sa kaarawan nya kahit na hindi kami magkaibigan ng isang iyon.

Hindi kasi kami magkasundo ni Eunice sa lahat ng bagay. Kumbaga si Jen lang ang nakakaintindi at kaibigan ko dito sa barrio namin. Mabait kasi si Jen at alam kong tanggap nya kung ano at kung sino ako. Si Jen na siguro ang pinagpapasalamat ko na naging parte ng buhay ko. Kahit papaano kasi ay masaya ako kapag kasama ko sya. Palatawa kasi ang isang yun kaya kahit seryoso ako kung minsan, nagagawa nya akong patawanin at pasayahin.

Dumiretso na ako sa kusina pagkatapos. Pagabi na kasi at hindi pa ako nakakapagluto ng pagkain namin ni inay. Hindi na siguro ako makakain ngayon dahil busog na ako. Madami na akong nakain sa handaan ni Eunice kanina at sinigurado ko talagang busog ako para naman kahit papaano ay hindi na ako kakain ng hapunan ngayon. Bawas gastos pa ito sa amin ni inay.

Kinuha ko na ang nag-iisang kaldero namin dito sa bahay. Sobrang luma na nito pero mapapakinabangan pa naman ito. Linagyan ko na ito ng bigas na alam kong sakto sa amin ni inay hanggang umaga. Pagkatapos kong hugasan ang bigas, dumiretso na ako sa lutuan namin at nagsimulang lagyan ito ng kahoy na sinibak ko kaninang umaga. Sinindihan ko na ito hanggang sa makabuo na ako ng apoy. Pagkatapos mailagay ang kaldero sa kalan, umupo na ako sa bangko na nandun din sa kusina. Kailangan kong bantayan ang lulutuin ko dahil baka mapatay ang apoy. Pagod na ako pero kailangan ko munang magluto dahil siguradong pagod na si inay pagkauwi nya.

Pipikit na sana ako nang marinig ko ang boses ni inay na tinatawag ang pangalan ko. Hindi ko na naituloy pa ang pagpikit at magiliw na hinarap na lang si inay.

Kukunin ko na sana ang kamay nya para magmano pero tinampal nya lamang ito. Alam kong may nagawa na naman akong mali ngayon.

"Lumabas ka?" Mataray na tanong ni inay. Matanda na sya dahil sa ilang puting buhok nito.

"Kina Eunice lang po naman ako pumunta. Dun--."

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil sinampal na ako ni inay. Sa lakas ng sampal nya, napaharap pa ako sa kaliwa ko at ramdam na ramdam ko kung paano manuot ang sakit nito sa kanang pisngi ko. Tingin ko iiyak na ako hindi dahil sa pisikal na sakit ng pagsampal ni inay kundi sa sakit na ipinaramdam ni inay.

"Diba sinabi ko sayong huwag kang masyadong magsisilabas? Kasama mo na naman si Jen ano? Ba't ba ang tigas ng ulo mo ha?"

Napaiyak na lang ako nang itinulak-tulak ni inay ang ulo ko.

"Hindi ka ba marunong makinig? O sadyang matigas lang talaga ang ulo mo?" Puro masasakit na pahayag ni inay.

Hindi pa sya nakuntento, itinulak pa nya ako nang pagkalakas-lakas naging sanhi ng pagkabagsak ko sa sementadong sahig. Laking pasasalamat ko na lang at hindi yung ulo ko ang tumama sa sahig. Masakit ang puwet ko pero mas masakit ang mga sinasabi ni inay.

"At talagang hindi ka pa nakapagluto ano? Puro ka na lang ba barkada at hindi mo na naisip pa na darating akong pagod at gutom? Ganyan ka na ba talagang bata ka? Putang inang buhay ito! Kung minamalas ka nga naman at nabigyan pa talaga ako ng walang silbing anak!" Bulyaw pa ni inay.

Wala naman akong magawa kung hindi ang umiyak. Ganito naman palagi eh. Bawat araw ay may mali ako. Wala namang nakikita si inay na mabuti sa akin.

"Bwisit!!"

At kinagat ko na lang ang ibabang labi ko nang tadyakan ako ni inay. Sa kalan na sya dumiretso para tignan ang isinaing kong bigas. Iyak naman ako nang iyak sa kabilang banda. Nasasaktan man ako, hindi ko naman magawang sumbatan si inay. Dapat nga akong matuwa dahil may pamilya pa ako at yun si inay. Dapat nga ay maging masaya ako dahil hindi nya ako ipalaglag nung ipinagbubuntis nya ako at iniwan pa sya nun ng ama ko.

"Sising-sisi nga ako kung bakit ko pa ang binuhay ang gaya mo eh. Kung wala ka, wala sana akong konsumisyon ngayon. Kung minamalas nga naman oh!" Sigaw pa ni inay na sadyang ipinaparamdam nya na talagang nagsisisi sya.

"Oh ano, uupo ka na lang ba dyan? Putang ina Cyrene! Pagod na nga ako sa trabaho, mapapagod na naman ba ako hanggang dito sa bahay. Wala ka man lang ba konsiderasyon?"

Sa sinabing yun ni inay, tumayo na ako kahit masakit ang pwet ko dahil sa pagkakabagsag ko kanina at kahit mahapdi din ang kanang paa ko na tinadyakan nya.

"Ako na po dyan, inay."

At ako na ang nag-asikaso sa bigas na isinaing ko. Medyo mahapdi pa din ang pisngi ko, ang pwet ko pati na din ang paa ko pero kaya ko pa naman ang sakit. Siguro ay nasanay na ako kahit papano.

"Kapag malalaman kong lalabas ka, hindi lang yan ang aabutin mo. Makikita mo, Cyrene, kung ano ang kaya kong gawin sayo kung sakali," banta ni inay.

Palagi na lang ganyan ang reaksyon ni inay kapag nalalaman nyang lalabas ako ng bahay. Ayaw ni inay na naglalabas ako ng bahay at hindi ko alam kung bakit. Hindi naman sinasabi ni inay ang rason kung bakit ayaw nya akong palabasin. Basta kapag nalaman nyang sinuway ko sya, paniguradong sasaktan at pagsasalitaan ako ni inay ng mga masasama.

Para na akong preso pero kahit papaano, pumupunta naman si Jen sa bahay. Sya ang nakakausap ko kung sakali dahil pumupunta sya sa bahay pag wala si inay at pumupunta ito sa trabaho nya - sa pagsasaka. Siguro nga ay kinakahiya ako ni inay sa kapitbahay dahil ayaw nya akong lumabas. Talaga sigurong malas ako sa buhay nya.

"Naiintindihan mo ba ako, Cyrene? Ang sabi ko ayaw ko nang lalabas ka pa ulit?" Wika ulit ni inay nang hindi pa ako sumasagot.

"Hindi na po ako uulit inay," sagot ko na lang.












In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon