Chap.o23

2.5K 35 0
                                    

Chap.o23

"Luto na ba ang pananghalian, honey?" Bulong ni Gav habang mahigpit itong nakayakap sa likod ko.

Bigla na lang sumulpot ang lalakeng ito kanina at bigla na din itong yumakap sa likod ko.

"Malapit na siguro ito." Sagot ko naman. "Gutom ka na ba?" Nagawa kong itanong dito dahil baka gutom na ito. Ang dami pa namang ginawa ng isang ito.

"Oo. Gusto na kitang kainin." Masuyong wika nito sa tapat mismo ng tenga ko.

"Gavino!!!" Bulyaw ko na dito. Sinubukan ko ding kumawala sa yakap nito pero hindi ako pinakawalan nito.

"Hey, just kidding. Alam mo namang hindi ko magagawa yun sa iyo."

At mas lalo pang humigpit ang yakap nito sa akin. Ipinatong na din nito ang mukha nya sa kanang balikat ko.

"Just don't move, please. I want to be this close to you. Sana palagi na lang ganito."

Napakalambing talaga ni Gav. Araw-araw nitong ipinapakita at ipinaparamdam sa akin kung gaano ako kamahal ng lalakeng ito. Sya pa din ang nagbibiyak ng mga kahoy na panggatong. Sya din ang nag-iigib ng tubig. At tinutulungan na din ako nito sa paglilinis ng bahay. Hindi ko inakala na ang isang senyorito na gaya ni Gav ay makakayang gumawa ng mga gawaing bahay.

"Gav, pumunta ka na sa mesa. Maghahain na ako." Wika ko dito pagkalipas din ng ilang sandaling katahimikan.

"Ayoko. Mas gusto ko dito." Parang batang saad nito sa akin at mas lalo pa itong sumiksik sa akin.

Hayy, isip-bata pa din ang isang ito.

"Gav, sige na oh. Diba gutom ka na?" Pagpupumilit ko pa dito.

"Fine. Bilisan mo ha? Gusto kitang yakapin ulit."

Sa wakas, pumayag na ito. Kaya naman, mabilis na akong naghanda. Wala pang isang minuto, nailapag ko na sa mesa ang kanin, prinitong isda, at ginisang repolyo. Ganito kasimple ang mga inihahanda kong pagkain kay Gav araw-araw. Pero kahit minsan, hindi man lang nagreklamo ito.

Una ko nang nilagyan ng pagkain ang plato ni Gav. Lalagyan ko na din sana ng pagkain ang pinggan ko pagkatapos pero kumontra ito. Share na lang daw kami ng plato.

"Honey, say ah." At si Gav na ang sumubo sa akin.

Ginagawa na naman ako nitong baby. Baka masanay na ako na may sumusubo sa akin kapag nagkataon.

"Gav, kamusta sina Toby?" Kapagkuwan ay wika ko.

Mga kaibigan ni Gav ang mga yun na nagpunta dito para magbakasyon. Pero hindi naman inaasikaso ni Gav ang mga yun. Talagang pumunta pa ito ngayon dito sa bahay kahit na may mga bisita ito.

"Tayo na nga ang magkasama, si Toby pa ang naiisip mo." At parang bata itong nagtampo. Tsk tsk. Isip-bata talaga.

"Gav, hindi ganun yun. Gusto ko lang malaman kung okay sila." Paliwanag ko.

Talagang kailangan ko pang magpaliwanag sa isang ito kahit na wala namang malisya ang ginawa kong pagtatanong.

"Basta, nagtatampo ako."

At binitiwan na nito ang kutsara sa plato namin. Kinuha ko naman ang kutsara at ako na sana ang susubo dito pero hindi man lang ito kumibo. Hayy, nagtatampo talaga ito.

"Bahala ka." Wika ko na pagkatapos ng ilang ulit kong pangungumbinse dito.

"Basta kakain ako." At kumain na lang ako. Tsk tsk. Isip-bata talaga ang isang Gavino Clive Cerezo.

Susubo na naman sana ako nang bigla na lang may yumakap sa gilid ko - si Gav. Napakahirap intindihin talaga ng lalakeng ito.

"Gav, kain na."

At ang isusubo ko na sana kanina ay isinubo ko na dito. Isinubo naman ito ni Gav. Hayy, salamat.

"Sorry honey ah. Promise I'll try not to get jealous again." Wika nito habang may laman pang pagkain ang bibig nito.

"Promise mo yan ha? Oh kain ka pa." At sinubuan ko na naman ito pagkatapos nitong tumango sa tanong ko.

Lihim na lang akong napangiti habang sinusubuan si Gav. Bakit napapakilig ako ng simpleng pagseselos ni Gav?

Nagulat na lang kaming pareho ni Gav nang tumunog ang phone nya. At ako pa mismo ang nagsabi sa lalakeng ito na may tumatawag. Paano ba naman kasi, todo yakap ang isang ito sa akin. Na kahit paghiwalay lang sa akin para sagutin ang tawag man lang ay ayaw pa nito.

"Oh." Narinig ko na lang na wika ni Gav. Sinagot na nito ang tawag pero nakabusangot naman ito.

"What?! Fuck you!!"

Tinakpan ko na lang ang mga tenga ko dahil sunod-sunod nang nagmura ito. Hanggang sa natapos na ang tawag at malakas na ibinagsak ni Gav ang phone nya sa mesa.

"Gavino, ang sama talaga ng bibig mo." Sita ko na dito pagkatapos.

"Curse them. Kaya nga hindi ko sinabi sa kanila kung saan ako pupunta, nakaamoy pa din ang mga gago."

"Sino ba ang mga tinutukoy mo?"

"Hey guys. Missed us?"

At nasagot na mismo ang tanong ko nang bumungad na ang tatlong kaibigan ni Gav sa harap ko.

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon