Chap.o27

2.4K 34 0
                                    

Chap.o27


Nagawa din ng tatlo na pagsuotin ako ng pulang bikini. Mabuti na lang at may t-shirt silang ibinigay sa akin para may pantakip muna sa katawan ko. May awa pala sila kahit papano.

"Come on, Cyrene. He must be dying to see you in that sinful bikini." Aya ni Toby na may ngiti sa mga labi.

Sumunod na ako sa mga ito at humawak na sina Toby at Law sa parehong kamay ko. Nasa harap naman si Macky na sumisipol-sipol pa.

Narating din namin ang lugar kung asan si Gav pagkatapos. Nakaupo ito sa ilalim ng isang puno. Napakagwapo talaga ni Gav lalo na sa suot nitong polo at board shorts. Bukas pa ang ilang butones nito kaya nasisilip ko na ang magandang katawan nito. Mas nakadagdag pa sa kagwapuhan nya ay ang suot nitong shades. Kung hindi ko lang alam na si Gav yun, malamang iisipin ko na artista ito. Ang gwapo nya talaga.

"In love ka na naman, Cyrene." Bulong ni Law na syang nagpa-blush sa akin. Masyado na bang halata na mahal na mahal ko si Gav?

"Clive!!" Sigaw na ni Macky kay Gav.

Agad namang lumingon ito pero imbes na nakangiti, nakasimangot ito. Hindi ba nya gusto ang suot ko? Hindi ba bagay sa akin o hindi lang ako sexy?

Lumapit na din si Gav sa amin at sa bilis ng mga kilos nya, nakawala na ako sa mga kamay nina Toby at Law. Si Gav na lang ang nakahawak sa akin.

"What the fuck, guys?" Sigaw ni Gav na halatang galit na.

Galit ba sya dahil nakakahiya ako? Dahil ba hindi bagay sa akin ang magsuot ng sexy na damit?

"All of you will pay for this."

At sa isang iglap lang, hinihila na ako ni Gav. Hindi na ako nagtanong pa kung saan nya ako dadalhin dahil galit na galit ito. Ayoko namang dumagdag pa.

Hanggang sa pumasok na kami sa isang bahay. Kagaya nito ang bahay na pinagdalhan sa akin ng tatlo kanina.

Iginaya na ako ni Gav papasok sa isang kwarto. Binigyan na nya ako ng isang shorts at parang alam ko na ang gusto nitong palabasin kaya naman pumasok na ako sa banyo para isuot ko ito.

Paglabas ko, nasa tapat na ng bintana si Gav at sa labas na ito nakatingin. Galit nga talaga ito. Walang pag-aatubili naman akong lumapit dito at buong tapang ko na itong niyakap sa likod. Ang bango talaga ni Gav. Mabango na nga, gwapo pa.

"Hindi mo ako madadaan sa ganyan, Cyrene." Wika nito pero hindi pa din ako bumitaw.

Nanatili pa din akong nakayakap dito dahil ayokong mahiwalay sa lalakeng ito. Ang bango-bango kasi. Nakakaadik lang.

"I didn't like your stunt a while ago. Ayokong nagsusuot ka ng ganun ka-sexy lalo na at nasa public place ka." Parang batang pinapagalitan ako ni Gav.

"Naka-shirt naman ako ah." Paliwanag ko naman.

"I dont care!" Sigaw na nito na syang ikinatakot ko. Kaya naman humiwalay ako ng yakap kay Gav ora mismo.

"Galit ka ba dahil ipinahiya kita? Galit ka ba dahil hindi bagay sa akin ang magsuot ng sexy? Dahil ba--."

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil sumingit na si Gav.

"Shut up, Cyrene."

Yumuko na lang ako pagkatapos. Naaalala ko na naman ang mga araw na kung kailan ako pinapagalitan ni inay. At ngayon, si Gav pa mismo ang nagalit sa akin. Talaga bang ang dali kong kamuhian? Lahat na lang ba ng mahal ko ay galit sa akin?

Naramdaman ko na lang ang pagyakap ni Gav sa akin pagkatapos.

"Hush Cyrene. Please don't cry, honey." Masuyong wika nito na nagparehistro sa akin na umiiyak na pala ako. Hindi ko na namalayan na umiyak na pala ako kanina.

"I'm not mad because you're not sexy, alright? Galit ako dahil ayokong may  nakakakita sayo sa ganung suot, Cyrene. Call me selfish and whatsoever but I don't care. I just don't want sharing what's mine. Mind you honey, you were so sexy a while ago. Kaya nga galit na galit ako dahil may nakakita sa iyo eh. Pa'no na lang kung agawin ka nila? Paano na lang kung kunin kanila? Hindi ko makakaya, Cyrene. Ayoko."

Imbes na tumahan, mas lalo pa akong naiyak. Si Gav naman kasi eh.

"Hindi ka na magsusuot ng mga sexyng damit, Cyrene. Last na ito. Kung magsusuot ka man, gusto ko kapag kasal na tayo at sa bahay lang natin. Ako lang ang syang dapat makakita, honey. Ako lang at wala ng iba."

"Gavino naman eh." Reklamo ko na pagkatapos. Pinagpapalo ko pa ito sa dibdib pero sinigurado ko naming hindi ko sya masasaktan. Hindi ko kaya...

"Umiiyak na nga ako, nagagawa mo pa akong patawanin. Panira ka naman Gav eh."

Sira na yata ako. Sino ba naman ang matinong tao na nagagawang umiyak at tumawa pareho?

"That's what you are doing to me, honey. You made me cheesy. You made me this possessive. And you made me realize that I'm damn scared – so frightened to lose someone like you. And you know what? Sa iyo lang ako naging ganito."

"Gav..." Ang huling nasabi ko na lang dahil bigla na lang akong hinalikan nito.

"May isa pa pala akong hindi nasasabi." Wika nito pagkatapos akong halikan.

"Ano?"

"You made me an addict. I got intoxicated with these red sweet lips of yours."

Hindi na ako nakapagsalita sa banat ni Gav. Mas lalo ko pang hinigit ang hininga ko nang hawakan ng mainit na hinlalaki nito ang mga labi ko.

Gusto kong magmura at magwala. Gusto kong pagmumurahin ang lalaking ito dahil sa ginagawa nito sa akin. Napaka-sexy kasing tignan ito na nakakagat-labi habang pinaglalaruan ang nga labi ko.

"Tangna Gav." Nasabi ko na lang. Hindi na ako nakapapigil pa.

"Your bad mouth, honey. No bad words, right?"

At sa isang iglap lang, naramdaman ko na ang malalambot na mga labi ni Gav. Hindi na ang hinlalaki nito ang nasa mga labi ko. At kung parang nawawalan na ako ng hininga kanina dahil sa daliri ni Gavino, mas hindi na ako nakahinga ngayon.

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon