Chap.o14

2.9K 51 0
                                    

Chap.o14

Ang pinakagusto ko kay Gav ay hindi pa din sya tumitigil sa pagpunta dito sa bahay para gawin ang mga ginagawa nya dati. Sya pa din ang nagsisibak, umiigib at nagtratrabaho.

Ginagawa na nya akong amo dahil ayaw nya akong gumawa ng kahit na ano pwera na lang sa pagluluto. Ako ang tagapagluto at kahit mga simple lamang na ulam ang niluluto ko, masaya ako na naaap-appreciate ni Gav ang mga yun.

Hindi sya namimili at kung anong meron, yun na ang kakainin nya. Tulad na lang ngayon na ipinagluto ko sya ng ginisang kalabasa at sitaw. Subo pa nga subo ito.

"Hoy Gav, dahan-dahan naman." Sita ko na dito. Nasa tabi ko ito na masiglang kumakain.

"Can't help it. Ang sarap eh." Sabi nito kahit puno pa ang bibig nito.

Pasimple na lang akong ngumiti. Araw-araw na lang akong pinapangiti ng lalakeng ito. At masaya ako na parte na sya ng buhay ko. Ako na siguro ang pinakamasuwerte sa lahat ng babae ngayon dahil nasa akin na ang pinakaperpektong lalaki sa lahat - si Gavino Clive Cerezo.

Pagkatapos kumain, si Gav na naman ang nagligpit at nagbulontaryong maghuhugas. Ayaw ko sanang pumayag pero ginamitan naman ako ng lambing ng lalakeng ito.

Kaya nga, taga-nood lang ako ngayon at si Gav na ang naghuhugas. Ang swerte ko talaga. Akala ko nga ay masamang tao si Gav. Yung tipong napakaitim ng budhi nya pero napatunayan ko na mali pala ako sa paghusga. Napakabuti ni Gav at sya na ang inaasam ng lahat ng babae. Gwapo, macho, mabait, mayaman, at medyo bastosnga lang ng konti.

Nagulat na lang ako nang bigla na lang na may humalik sa pisngi ko. Sino pa ba?

"Iniisip mo na naman ako." Wika nito.

"Can't help it. Ang swerte ko eh." Sagot ko naman na may mga ngiti sa mga labi.

"No, I'm the lucky here. So damn lucky to have you, honey."

Grabe, kinikilig na naman ako. Iba kasi kung makabanat si Gav eh. Naramdaman ko na lang na inalalayan ako ni Gav na tumayo at bigla na lang ako nitong yakapin ng napakahigpit. Naglalambing na naman ang lalakeng ito.

"Gaaavvvv!" Tili ko na nang pangkuin ako ni Gav. Binuhat nya ako na parang yung sa bagong kasal.

"Gavino, ang sama mo!" At pinalo ko ito sa dibdib. Sinigurado ko namang mahina lang ang pagkakapalo ko dito.

Hanggang sa maramdaman ko na lang na inihiga ako ni Gav sa kama ko. Sobrang ingat nito akong inihiga. Yung tipong hindi nya ako binitiwan hanggang sa masigurado nyang dumampi ang likod ko sa kama. Kaya dito, hindi ko na naman napigilang ngumiti ng sobrang lawak.

"Mapupunit ang bibig mo nyan." Puna na ni Gav sa akin pagkatapos nya akong ihiga.

Umupo na ito sa kama kaya naman tumagilid na ako para harapin sya.

"Parang hindi kasi kapani-paniwala na boyfriend na kita."

"Nagiging bolera ka na din ah." Saka pinisil ni Gav ang ilong ko.

"Gavino!" Banta ko na dahil hindi pa din nya tinantanan ang kawawa kong ilong. Pupula na naman ito mamaya.

Nang hindi pa tumigil si Gav, hinawakan ko na ang kamay nyang pumipisil sa ilong ko. Napigilan ko naman sya.

Wala nang nagsalita sa amin pagkatapos. Saka lang tumatak sa isipan ko na ang lapit pala ng mga mukha na namin sa isa't isa. Yung tipong isang maling galaw na lamang ay maghahalikan na kami.

Pero gaya ng mga nakaraan, si Gav mismo ang kusang lumayo. Sa ibang direksyon na ito tumingin. Umupo na din ako pagkatapos. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Gav saka ko ito pinaharap sa akin. At dahil matigas ang ulo ng lalakeng ito, hindi sya humarap kahit anong pwersa ang gawin ko.

"Gavino isa!" Banta ko na.

Iniharap ko na naman si Gav at dun ko lang nalaman ang dahilan kung bakit ayaw nitong humarap. Sobrang pula ng mukha nito na sobrang halata dahil maputi ito.

"Jeez! Wag mo nga akong titigan." At humarap na naman ito sa kabilang banda.

Gusto ko nang tumawa dahil sa lalakeng ito. Ngayon ko lang napagtanto kung bakit palagi na lang na umiiwas si Gav kapag nagkakalapit ang mga mukha namin. Nagba-blush ang gago.

"Gavino..." Tawag ko na dito at humarap naman ito.

Hindi na gaanong mapula ang mukha nito kaya naman inilapit ko na ang mukha ko dito. Yung tipong konti na lang ang distansya namin tulad kanina. At gaya kanina, ang dali na namang pumula ng mukha nito. At bago pa humarap na naman si Gav sa ibang direksyon, hinawakan ko na ang mukha nito para pigilan sa balak nitong pag-iwas.

Kung anong ikinatapang nya noon para landiin ako, ngayon naman ay yung torpeng Gav na ang nakakasalamuha ko.

Hindi ko na napigilang gawaran ng halik ang lalakeng ito. Hindi sa kanyang mga labi pero sa tungki lang ng ilong nito.

Dahil sa ginawa ko, mas pumula pa ito.

"Cyrene naman eh! Pinipigilan ko na nga ang sarili ko, lapit ka pa ng lapit." Reklamo na nito.

Tinignan ko naman sya - yung tipong nagtataka.

"Yes, I'm stopping myself not to kiss you. Alam mo kung bakit? Kasi kung baka halikan na kita, hindi na ako makapagpigil pa. Kaya nga hindi pa kita hinahalikan hanggang ngayon eh."

Oo, hindi pa ako hinahalikan ni Gav sa mga labi magmula nang nagging kami.

"Pero Cyrene naman oh. Please don't tease me. I might not stop. Alam mo namang I respect you that much."

Awww! Ang swerte ko talaga kay Gav!

"Paano kung gusto kong halikan mo ako, Gav? Hahalikan mo ba ako?"

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon