Chap.o11

3.3K 54 0
                                    

Chap.o11

Natapos na ang period ko pero hindi pa ako nagpapakita kay Gav. Nakakahiya kayang magpakita sa kanya pagkatapos ng nangyari apat na araw na ang nakakalipas. Sa tingin nyo may mukha pa akong maihaharap sa kanya? Wala na noh.

Kaya para sulitin ang pamamalagi ko dito sa bahay, lumabas na ako para pumunta sa talon na paraiso ko. Magdadalawang linggo na din mula nang huli akong maligo dun.

Mabilis ko namang narating ito dahil siguro sa pagka-miss ko dito ng sobra. Napangiti agad ako nang makita ko ang talon at agad din akong nagtanggal ng bestida. Kaya naka-shorts at sando lang ako nang maligo ako.

Malamig ang tubig na tamang-tama lamang sa init ng panahon ngayon. Tahimik pa ang paligid na wala kang ibang maririnig kundi ang mga awit ng mga ibon sa paligid. Tila paraiso na talaga ito. Kung maaari sanang dito na lang ako parati. Tahimik at payapa.

"Eherm..."

Tahimik at payapa? Pero sino yun?

"Long time no see, honey."

Ito ay walang iba kundi si Gav. Nakasuot ito ng kupas na pantalon na tinernuhan ng isang simpleng shirt. Ganun pa rin ang dating nito - gwapo pa din. Kailan ba hindi?

"Ano na naman ang masamang gagawin mo dito, Gavino?" Pagtataray ko dito na may kasama pang pagtataas ng kilay.

"Hey chill. PMS-ing again?"

"Gago!" At tinalsikan ko naman ito ng tubig. Syempre nabigla ito at hindi agad nakaiwas.

"Kung gusto mo akong kasama sa pagligo, tell me instead. Hindi yung nangbabasa ka na lang."

"Grabe, ang kapal! Lumayas ka na nga dito kung wala ka namang matinong gagawin." Bulyaw ko na dito.

"Hey, easy! Why don't you enjoy my company first?"

"Ano?"

Hindi na ako sinagot pa ng lalakeng ito. Basta naghubad na lang ito at wala itong ipinalampas. Tulad dati, boxer shorts lamang ang itinara nito.

Si Gav na ang gwapo! Si Gav na ang macho! Siya na lahat! Matatawag pa ba syang mortal kung nasa kanya na ang lahat?

"Gotcha!"

Hindi ko na napansin na nasa tapat ko na siya. Naramdaman ko din ang mga kamay nito na pumulupot sa beywang ko.

"I miss this, honey."

At walang paalam na hinalikan ako ni Gav. Ang malambot nyang mga labi ay ekspertong gumagalaw sa aking mga labi pero hindi man lang ako nagrereklamo. Ipokrita ako kung sasabihin kong wala man lang epekto ang paghalik ni Gav sa akin.

Aaminin kong nanlalambot ang mga tuhod ko at kung wala sana ang mga kamay ni Gav na nakahawak sa beywang ko, malamang natumba na ako simula pa lang. Iba na din ang tibok ng puso ko. Parang itong tambol sa lakas ng bawat pagtibok nito.

"Open your mouth, honey." Utos ni Gav na agad ko namang sinunod.

Parang nawawalan na ako ng hininga sa grabe ng paghalik ni Gav sa akin. Parang kinukuha nya lahat ng enerhiya ko dito at hindi naman ako tumututol man lang.

"Respond honey."

At parang robot na din ako na sumunod pagkatapos. Sa bawat paggalaw ng mga labi ni Gav, awtomatikong gumagalaw din ang aking mga labi. Tila ba may ritmo kaming sinunod na kami lang ang may alam.

Kapwa na kami hinihingal nang tumigil kami. Wala ding ibang nagsalita. Ang mga huni ng mga ibon at ang paghingal lang namin ang tanging maririnig. Pero higit pa sa mga yun, rinig na rinig ko din ang tibok ng puso ko – ang malakas na pagtibok nito para sa lalakeng nasa harapan ko.

Parang gusto ko nang maniwala kay Jen ngayon. Siguro mahal ko na si Gav. Mahal ko na ang gagong ito kahit sa konting panahon lamang na nakilala sya. Mahal ko sya kahit na may pagkabastos sya, kahit na inaasar nya ako parati, at kahit na ano pa sya.

Alam ko sa sarili ko na mahal ko na sya. Hindi man ako sigurado na mahal nya din ako, pwes wala na akong pakialam pa. Ayokong magsisi sa huli na hindi ko man lang nasabi ang nararamdaman ko sa kanya. Alam kong hindi kami bagay sa isa't isa pero bahala na.

Heto na, sasabihin ko na.

"Cyrene, I love you."

Nabigla ako nang unahan ako ni Gav na magsalita. Pero mas nabigla ako nang yun ang sabihin nya. Paano?

"Sounds like a joke, right? Pero totoo yun, honey. The moment I laid my eyes on you, I knew that you're the one." At ngumiti si Gav pagkatapos.

"You are the first woman who hit me and it hurted my ego that much. Ang sabi ko nun sa sarili ko na you'll pay for those. Akala yun lang ang pakay ko before pero mali ako. Yun pala ay I wanna see you often kaya nga sinabi kong magiging slave kita."

Hindi naman ako makapagsalita sa kabilang banda. Hindi ako makapaniwala. Akala ko ako ang syang nahulog – hindi pala.

"Honestly, you amazed me everyday. Hindi ka nagpapatalo at hindi ka natatakot sa akin kahit na Cerezo ako. You even hated me that much at ikaw ang unang babae na hindi nagkagusto sa akin. It again hurted my ego."

"But you know what? I fell for you every goddamn day you're with me. Nagtataka din si aling Martha kung bakit kita palaging iniinis. Ang sagot ko lang ay simple lang. Gusto lang kitang inisin dahil you look cute everytime you get irritated. At kahit hindi ka naiinis, you look good in all aspects. I love you and it's the truth." At tumigil na ito.

Nanatili naman akong tahimik lang. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang itong nagtatapat. Binigla nya ako!

"Ano bang gusto mong palabasin?" Tanong ko na.

"I want you to be my girl."

"Wala man lang ligaw?" natanong ko na lang bigla.

At nakita kong nagtataka ito sa sinabi ko. Baka hindi nito alam ang manligaw.

"I'll try to court you. So may chance ba ako?"

"Tignan natin." Kibit-balikat ko na lang kahit na may malaki talaga syang tyansa.

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon