Chap.o5

4.2K 70 0
                                    

Chap.o5

Hinahalikan nya ako!

Nang ma-realize ko ito, mabilis ko naman syang itinulak. Pero walang epekto ang pagtulak ko dahil hindi ko man lang naitulak ito kahit na konti. Parang pabor pa nga sa gagong ito ang ginawa kong pagtulak dahil hinawakan nya nang mahigpit ang mga kamay ko para ilagay sa dibdib nito.

Patuloy pa din ang ekspertong paggalaw ng bibig ng gago at patuloy ko namang isinasara ang bibig ko. Pero nawala ang lahat ng depensa ko nang kagatin ng gagong ito ang ibabang labi ko kaya ang resulta ay napasinghap ako.

Ginamit naman nya ito na tsansa para ipasok ang dila nito sa loob ng bibig ko. Ramdam na ramdam ko ang paggalaw ng ekspertong dila nito at masasabi kong magaling ito. Kung chance nya ito, pwes chance ko na din ito.

"Fuck!" Mura nito nang kagatin ko ang maruming dila nito.

Nagmumog naman ako ng tubig pagkatapos dahil alam kong madumi talaga ang dila nito. Kung hindi ako nagkakamali, madami na itong nahalikan na mga labi.

"And now you're insulting me, huh?" Wika pa nito nang mapansin nya ang ginawa kong pagmumugmog.

"Ikaw pa ang galit? Diba dapat ako ang magalit dahil nanghahalik ka na lang bigla?" Sagot ko naman.

"Jeez woman! Ang dami mo nang atraso sa akin."

"Madami? Ikaw kaya ang may madami ang atraso sa akin."

"I'm a Cerezo." Mayabang na pahayag nito.

"Alam ko. At hindi ibig sabihin na kung Cerezo ka, takot na ako sayo." Matapang na pahayag ko. Akala nya ha!

At mabilis na akong umahon. Sinuot ko na ang bestida ko at binuhat din ang mga kahoy na nakuha ko. Mabilis na akong naglakad paalis at lihim na ipinapalangin na sana ay maligaw ang gagong yun sa gubat o di kaya ay kainin sya ng mga ligaw na hayop dun.

Narating ko naman ang bahay pagkatapos ng ilang minuto. Sa banyo na lang ako dumiretso dahil basa pa ako. Ayoko namang mabasa ang loob ng bahay. Nasa likod ng bahay ang banyo ang tinutukoy ko. Sakto namang may tubig na sa dram kaya hindi ko na kailangan pang mag-igib sa balon.

Naligo na ako at mabilis lang ang ginawa kong pagligo. Hindi pa kasi ako nakakagawa ng kahit anong gawaing bahay at kailangan ko talagang magmadali. Sinigurado ko namang nakabuhol nang maige ang tuwalya ko bago ako lumabas ng banyo. At kung minamalas nga naman, nakita ko ang gago sa loob ng bahay na prenteng nakaupo sa silya.

"Hoy, anong ginagawa mo dito?" Sigaw ko pagkalapit ko dito.

Nakakainis na talaga ang isang ito. Kumukulo lahat ng pwedeng kumulo basta nakikita ko ito.

Hindi naman ito nakasagot agad dahil nakatingin na naman ito sa katawan ko. Dun ko lang narealize na hindi pa pala ako nakakapagbihis. Nakatwalya lang pa pala ako!

"Ugh bwisit!" Sigaw ko saka ako pumasok sa kwarto ko.

Mabilis akong nagbihis at lumabas din agad. Paglabas ko, nakaupo na naman nang bongga ang gago. Feel at home sya kumbaga.

"Anong ginagawa mo dito sabi?" Sigaw ko na naman dito pagkalapit ko.

"Nandito ako para maningil." Cool namang wika nito.

"Ano na namang nagawa ko ngayon? Alam kong wala akong ginawa sa iyo. Ikaw kaya ang may atraso sa akin."

"Really?" The guy smirked. "Ang dami mong atraso sa akin. First, you slapped me. Second, you bit my tongue. Lastly..." At pa-suspense pa itong tumigil. Humawak ito sa baba nya na tila nag-iisip.

"Wala akong kahit isang atraso sayo." Wika ko na.

"Oh come on. You'll pay for all of it, okay? By the way, nasan ang parents mo? I want to talk to them."

Tinulak ko naman ito. "Wala akong mga magulang kaya wag ka nang manggulo pa dito."

"Sino naman sya?" Tanong nya sabay turo sa larawan ni inay na nasa ibabaw ng kabinet na nasa sala.

"Ah eh..." Isip Cyrene.

"Speechless honey? It's so damn obvious na may nanay ka pa. Where is she by the way? I want to talk to her." Buking na ako!

"Wag mo namang sabihin kay inay yun oh." Pakikiusap ko na nang mawari kong wala na akong kawala pa.

"Scared now, honey?" Pang-iinsulto ng gago.

"Sige na oh." At talo ko pa ang pinakamalambing na alaga sa lahat sa paraan ng pakikisuyo ko dito.

Gagawin ko ang lahat para wag na syang makipag-usap pa kay inay. Magagalit na naman sa akin kasi si inay pag nagkataon lalo nat malalaman nyang sinuway ko sya at lumabas ako.

"I'm not that good, honey. Dapat may kondisyon."

"Ano?"


"Be my slave. My sex slave."

At talagang ngumisi pa ang gago. Gusto ko na syang bugbugin dahil sa sinabi nya. Nagtitimpi lang ako ngayon dahil baka mas magalit pa ito sa akin pag sinaktan ko ito kung sakali.

"Wala bang ibang option?" Pagbabasakali ko. Sana lang ay may puso ito kahit katiting para maawa ito sa akin.

"Fine. Be my..."

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon