Chap.o34

2.2K 30 0
                                    

Chap.o34


Kanina pa ako paikot-ikot sa bed ko. Hindi ko ito ginagawa dahil hindi ako makatulog. I'm doing this because I'm starving. Given the fact that it's already 8 in the evening. Ni hindi pa nga ako nananghalian at konti pa ang nakain ko kaninang umaga.

Ayoko namang lumabas ng silid ko para kumain dahil matatalo ako. Hindi ko ibababa ang pride ko para lamang sa lalakeng yun. He told me to eat kanina pang umaga pero I kept on saying 'no'. Naging mantra ko na nga ang no magmula nang kulitin ako ng lalakeng yun para kumain.

Handa ko na sanang ibaba ang pride ko kanina para lang makakain ako pero sadyang minalas ako. Kumatok ulit si kuya. Akala ko yayayain na nya akong kumain ulit pero mali ako.

"Kung ayaw mong kumain, eh di wag. Sulk how long what you want. Let's see if you won't get hungry."

That was what the devil said. At dahil sa sinabi nya, pinanindigan ko na ang pagtatampo ko. Pero talo pa din ako dahil sobrang gutom na ako.

I got up on my bed na at saka ko binuksan ang pinto. Konting space lang ang iniawang ko dahil titignan ko muna kung wala ang sagabal. Mabuti na lang at nasa tapat mismo ng silid ko ang sala. Dahil dito, kitang-kita ng dalawang mga mata ko na wala ang demonyo.

Tuwang-tuwa na akong lumabas ng silid ko. Pero kailangan ko pa ding mag-ingat dahil baka nasa kusina ang kalaban. Kaya naman dahan-dahan akong naglakad papunta sa kitchen. I'm making sure that I'll eat na hindi nahuhuli.

Narating ko din ang kitchen after at ang fridge agad ang una kong hinalughog. Halos maglaway na ako nang nakita ko ang mga naka-tupperware na mga ulam. This is it! Makakakain na ako sa wakas!

Pinili ko na lang kunin ang beef steak. I was smiling like an idiot while humming. Daig ko pa nanalo sa lotto plus hindi pa ako nakita ni kuya.

Kumuha na din ako ng plato, kutsara at tinidor dahil plano ko sanang sa silid na lang ako kakain. Kung dito kasi, baka mahuli pa ako sa akto. Mahirap na.

Tulad kanina, dahan-dahan din akong naglakad papunta sa silid ko. Hindi ko na maiwasang ngumiti ng pagkalawag-lawag nang naabot ko na ang knob. Yeah, makakain...

"Famished, are we?"

Muntik ko nang malaglag ang mga hawak ko nang may narinig akong nagsalita. Hindi ko man sya tignan, alam ko na kung sino yun.

Alam nyo yung feeling na akala mo tagumpay ka na pero sa bandang huli nabuko ka pa din? Ganun ang nararamdaman ko. Damn this stomach.

"Sana sinabi mong gutom ka kanina para nai-microwave ko ang mga ulam."

Hindi ko na napansing nakalapit na ito. He even took the lunch box with beef steak in it away from me. Binuksan nya ito at saka sumimangot.

"See? Malamig na ito at hindi mo man lang ito ini-microwave man lang." Sermon nito and all I could to was to look on the floor.

"Come, I'll heat it for you." He offered pero hindi ako sumunod.

I felt like a loser. Kunwari'y nagtatampo ako pero mabubuko din pala na gutom na gutom ako. How embarrasing!

"Cyrene, come."

Sya na ang humila sa akin pagkatapos. Sumunod na din ako dahil gutom na talaga ako. I even heard my poor stomach growling. Kuya heard it, I know, but he just kept acting like he didn't.

Then kuya Clive made me seat on the dining chair at sya na ang umasikaso sa akin. Hindi lang ang beef steak ang ini-reheat nito dahil nakita ko na lang ang chicken curry, adobo, at pati na din ang beef steak sa mesa pagkatapos.

Si kuya na din ang naglagay ng kanin at mga ulam sa plato ko. Walang pag-aalinlangan naman akong nagsimulang kumain. Nanatili naman si kuya sa tapat ko - nanonood sa bawat galaw ko. Ni wala sa aming nagsalita hanggang sa natapos na akong kumain. Ang dami ko pa ngang nakain dahil halos ubos ko na ang mga ulam na nakahain kanina.

Ako na ang nagligpit ng mesa. Alangan namang iasa ko pa ito? Tutal ako la ng naman ang kumain. Pagkatapos magligpit, binitbit ko na ang gamit sa sink. Maghuhugas na din ako.

"Just leave it there. Ako na ang maghuhugas."

I heard him say pero binalewala ko na lamang. Hindi naman kaya ng konsensya kong iasa ang mga ito dahil ako ang gumamit ng mga ito. Dagdag humiliation yun sa aking part. Sya na nga ang nag-asikaso sa akin, sya pa din ang maghuhugas? No freaking way!

"It's fine, k-kuya. Leave it to me." I assured him.

Hindi ko na pinansin kung umalis na sya dahil sa paghuhugas ko na lang itinuon ang atensyon ko.

"How were you three years ago?"

That query made me stopped and all I could hear after was how the plate I was washing cracked on the floor.

"Hey, you okay?"

Narinig ko na lang na tanong at saka ko lang napagtanto na malapit na ito sa akin. Sya na ang nagwalis ng nabasag na pinggan while I, on the other hand, kept idle. His question caught me off guard.

After composing myself a couple of minutes, I resumed washing the dishes. Bumalik na din si kuya na nagtapon ng nabasag na pinggan.

"Keep safe next time, Cyrene." He said to me and I just answered him a nod.

'Kung hindi mo sana tinanong yun, hindi sana ako magugulat at hindi ko sana mabibitiwan ang pinggan.' I was saying in my head.

"So, what's your answer?" He asked after at nahawakan ko naman nang mabuti ang baso this time. Will he not stop being nosy?

"Answer me, Cyrene." His voice rose. "How were--."

"I was miserable." I cut him off.

Tapos ko na ang paghuhugas kaya pwede ko na syang harapin.

"Pwede ba wag na wag mo nang ibalik at ipaaalala pa ang nakaraan? Ayoko nang maalala pa ang mga nangyari at gusto ko nang limutin pa yun. You know what? I regret loving you. I regret loving my sibling in a romantic way. Nakakahiya yun eh."

"Cyrene--."

"I'm fine." Saway ko. "Nga pala, don't call me honey no more. It's bringing the past eh. Alam mo na, I want to erase that part - that part of my life when I fell in love for the first time. That sadly speaking, I fell for my brother of all people! How tragic diba?"

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon