Chap.o12

3.2K 51 0
                                    

Chap.o12


"Late ka." Usal ko kay Gav pagkadating nya sa bahay.

Ang usapan namin kahapon ay dapat nandito na sya sa bahay ng alas syete pero late pa din ito. Kung nagtataka kayo, okay lang na pumunta si Gav dito. Una ay wala si inay maghapon. Pangalawa ay walang malapit na bahay sa amin. So ibig sabihin nito, walang makakapagsumbong kay inay na may dumating na tao dito sa bahay.

Kung tutuusin kasi, si Jen lang ang masigasig na nagpupunta dito kahit na abutin sya ng limang minuto ng paglalakad.

"Sorry honey."

Ang cute tignan ni Gav habang nagkakamot ito ng batok. Saka ko lang napansin na naka-long sleeve polo pala ito at slacks na may kasama pang black shoes.

"Saan ang appointment?" Bwelta ko na. Hindi ko naman naiwasang hindi matawa.

"Nag-effort na nga ang tao tinatawanan pa." Narinig ko na lang na bulong ito.

"Anong sinabi mo?" Kunwari ay hindi ko sya narinig.

"Wala. Ang sabi ko ay ang ganda mo."

"Heh! Mag-umpisa ka na nga."

Ibinigay ko na ang pangsibak ng kahoy. Tinignan naman nya ako na tipong nagtataka.

"Magsisibak ka ng kahoy, okay?" Wika ko na.

"Wearing these?" Reklamo na nito sabay muwestra sa damit nya.

"Bakit sinabi ko bang ganyan ang suotin mo? Umiling naman ito. "Pasensya pero wala akong maipapahiram na damit sayo. Alangan namang ipahiram ko ang mga bestida ko sayo." Paliwanag ko na.

"I'll strip then."

At walang hirap itong naghubad sa harap ko. Una nyang hinubad ang polo nya atnakahinga ako ng maluwag ng may suot pala syang sando sa loob. Sinunod din nito pagkatapos ang slacks nito. At agad akong tumalikod nang mapansin kong boxer shorts lang pala ang suot nito.

"Ang bastos mo talaga, Gavino!" Sigaw ko na habang nakatalikod. Tumawa lamang ang gago.

"Chill honey. Sanayin mo na kasi ang sarili mo. Makikita mo din ang lahat ng ito." Natatawang wika lang nito.

"Gusto mong mabasted?" Wika ko naman.

"Wala akong sinabi ah. Sige, magsisimula na ako."

Sinulyapan ko muna ito bago pumasok sa loob. Talagang naka-sando lang ito at boxers. Natawa pa ako nang makita kong naka-black shoes pa din sya na may white socks pa. Gago talaga.


Pagkatapos magsibak si Gav, sunod ko namang iniutos ay ang pag-igib. Ibinigay ko na ang dalawang timba sa kanya at sumimangot ito.

"Mababasa ang black shoes ko."

Hindi ko alam kung seryoso si Gav nang sabihin nya ito pero parang seryoso talaga sya. Kaya naman ipinahiram ko na ang tsinelas ko. Maliit ito sa kanya pero pwede na nitong pagtiyagaan.

"Sa susunod kasi hindi yung magbibihis kana parang may appointment." Parinig ko.

Hindi na ito sumagot pa at nagsimula na itong mag-igib sa balon.

"Para saan ba ito?" Tanong na lang nito.

"Maliligo ako." Sagot ko naman.

"Eh bakit kailangan pang buhatin papunta dun?"

Malapit lang naman ang paliguan ah. Sampung hakbang lang siguro.

"Alangan namang dito ako maligo?" Pamimilosopo ko.

"Bakit hindi? Babantayan kita." At ngumiti ito ng nakakaloko. Alam ko na ang nasa isip nito.

"Gago! Baka ikaw pa nga ang sumilip sa akin. Ayoko nga." Saka ko ito binatukan.

"Daming arte. Makikita ko rin naman ang lahat ng yan." Narinig ko na lang na bulong nito.

Hindi ko naman naiwasang hindi mahiya dahil sa sinabi nya. Iniisip ko pa lang na mangyayari yun, namumula na ako. Alam ko na ang iniisip ng gagong ito. Puro kabastusan lang talaga ang alam ng isang ito. Asa pa syang makikita nya ang katawan ko ha!

"Oh natahimik ka dyan. Nagbago na ba ang desisyon mo? Paliliguan na ba kita?"

"Asa!"


Dahil mahal este mabait ako kay Gav, ipinagluto ko sya ng tanghalian. Pagkatapos makapagluto, tinawag ko na sya. Napansin ko namang puro pawis ito kaya naman ikinuha ko ito ng pamunas.

"Hoy Gavino, punasan mo nga ang pawis mo." Utos ko dito pagkabigay ko ng bimpo.

Umupo na ako sa tapat nito at magsisimula na sanang kumain nang makita kong hindi ako sinunod ni Gav. Hindi ito nagpunas. Imbes ay kumain lang ito. Siguro ay gutom na ito. Isa pa, hindi ko sya pinag-meryenda kanina.

At dahil nahabag ako, nilapitan ko na ito at umupo na ako sa tabi nito. Kinuha ko na ang bimpo na inilagay lang ng lalakeng ito sa mesa at sinimulan ko nang punasan ang mukha nito. Napansin kong natigilan si Gav nang una. Hanggang sa tumigil na ito sa pagkain at humarap na lang sa akin.

"Madami pa akong pawis oh." Pa-cute nitong sabi sabay lapit sa mukha nito.

Syempre pinunasan ko ang mukha nito. Napansin ko lang na mabango pa din si Gav kahit na puro pawis na ito.

"Oh tapos na. Kain ka na ulit." Wika ko na pagkatapos kong mapunasan ang mukha nito.

Aalis na sana ako at pupunta sa upuan ko kanina nang makita kong basa din ng pawis ang leeg ng lalakeng ito. Kaya hindi muna ako umalis at pinunasan ko ito.

Pinunasan ko din pagkatapos ang likod nito saka ako bumalik sa silid ko para kumuha ulit ng ibang bimpo. Inilagay ko na ang bagong bimpo sa likod ni Gav para naman presko ito sa pakiramdam. Nakakaawa na kasi ito.

Bumalik na din ako sa upuan ko pagkatapos at nilagyan muna ng pagkain si Gav bago ako kumain.

"Cyrene, magpakasal na tayo. Ang sarap pala ng feeling kung may nag-aalaga sayo."

Nakita ko na lang na inabutan ako ni Gav ng tubig dahil nabilaukan ako.

"Dahan-dahan naman Cyrene. Mawawalan ako ng pakakasalan kapag hindi ka nag-iingat." Paalala nito.

"Heh! Kasalanan mo ito, Gavino. Kung ano-ano kasi ang lumalabas sa bibig mo." Pagsisisi ko dito.

"Seryoso kaya ako. Let's get married, honey."

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon