Chap.o29

2.4K 42 2
                                    

Chap.o29


Ginising ako ng napakalakas na sigaw ni inay kinabukasan. Rinig na rinig ko ang sakit ng mga sinasabi nya kaya naman kahit nanghihina, pinilit ko pa ding bumangon.

Napahawak ako sa beywang ko nang pinilit kong bumangon. Napakasakit nito at gusto ko nang umiyak dahil dito. Kung hindi sana--.

"Hindi ka ba talaga babangon? Putang ina naman!"

Madami pang masasakit na salita ang sinabi ni inay at pinilit ko itong wag pakinggan. Pero kahit anong pilit kong wag pakinggan si inay, hindi ko pa din mapigilang 'di makinig. Na kahit sobrang sakit na, gusto ko na talagang umiyak na lang buong maghapon.

"Ano na? Tutunganga na lang ba tayo? Tang ina naman, Cyrene!! Ang daming kalat. Ang daming pwedeng gawin. Hindi ka man lang kikilos? Iaasa mo naman ba yun sa akin?" Litanya ni inay.

At habang nagsasalita si inay, sinubukan ko na namang bumangon. Sobrang sakit ng katawan ko nang pinilit ko na namang bumangon. Ilang ulit pa akong sumubok. Na kahit sobrang sakit na, pinilit ko pa din.

Kusa na lang tumulo ang luha ko nang ibinuhos ko ang lahat ng lakas ko sa pagbangon ulit. Masakit ulit ang beywang ko, ang mga paa ko, at ang buong katawan ko. Masakit lahat.

Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong sakit sa tanang buhay ko. Ngayon lang ako nasaktan ng sobra – yung tipong masakit lahat – pisikal at emosyonal na antas man yan.

"Puta, ang bagal! Nag-iinarte ka na naman ba? Ano yan? Paawa para maawa ako?" Masasakit na wika ulit ni inay na pumasok na sa silid ko.

"Nay, masakit--."

"Tumigil ka! Ayaw kitang pakinggan." Pagpuputol ni inay sa akin. "Lumabas ka na lang mamaya. Sa labas na kita hihintayin at kung hindi ka lalabas, alam mo na siguro ang kaya kong gawin."

Dahil sa takot, pinilit ko nang tumayo. Hindi ko muna nakuha ang balanse ko sa unang subok ko sa pagtayo. Natumba muna ako sa kama ko pero hindi ako agad sumuko. Tumayo ulit ako at pasasalamat ko dahil nakayo kong tumayo ng diretso.

Unti-unti ko nang inihakbang ang mga paa ko hanggang sa nakaya ko na talaga. Yung hindi ko na kailangan pang kumapit para makalakad ako ng matiwasay.

Ang pagwawalis ng bakuran ang unang iniutos sa akin ni inay. Kaya bago pa mapagalitan ulit, sinimulan ko nang magwalis. Ramdam ko pa din ang sakit ng katawan ko habang ako'y nagwawalis. Grabe talaga ang kinahitnan ko kagabi.

Oo sinaktan ako ni inay kagabi. Ramdam na ramdam ko pa din ang bawat dampi ng palad ni inay sa aking mga pisngi. Ilang ulit akong sinampal ni inay at pawang hindi pa sya nakuntento kagabi dahil... Dahil...

"Honey... Please don't cry."

Hindi ko na napansing umiiyak na pala ako. Naaalala ko kasi yung nangyari kagabi - kung paano ako sinaktan ni inay.

Naramdaman ko na lang pagkatapos ang maiinit na mga palad ni Gav sa magkabilang pisngi ko. At nang iharap na nya ako sa kanya, wala na akong nagawa kundi ang titigan sya.

Saka ko lang nalaman na hindi masyadong maaliwalas ang mukha ni Gav gaya dati. Nangingitim ang ibaba ng mga mata nito at hindi man lang ito ngumingiti tulad dati.

"What happened, Cyrene? Who the hell hurted you?" Narinig ko na lang na tanong ni Gav makalipas ang ilang sandali.

Nanunuot sa sistema ang mga titig nya. Maski mga mata nya'y kakikitaan ng sakit lalo nat nangingitim pa ang ilalim ng mga yun. Kung tutuusin pareho kaming hindi nakatulog nang matiwasay ni Gav.

"Answer me, Cyrene! Who the fuck hurted you?!" Galit na wika na ni Gav nang hindi pa ako sumagot.

Ayokong sagutin si Gav. Ayokong malaman nya na si inay ang umabuso sa akin. Na si inay ang dahilan kung bakit namamaga ang kaliwa kong pisngi at kung bakit masakit pati ang buo kong katawan.

Walang awa nya akong sinaktan kagabi. Yun na siguro ang pinakagrabeng ginawa sa akin ni inay sa buong buhay ko at yun na siguro ang hindi ko makakalimutan sa lahat ng sakit.

"Cyrene, ano ba?! Ang nanay mo ba ang may gawa sa iyo nito huh?! Sya ba?! Sumagot ka naman!!" Sigaw ulit ni Gav sabay yugyog na sa mga balikat ko.

Pero kahit anong gawin ni Gav, hindi nya ako mapapaamin. Ayoko.

"Fuck! Asan sya? Asan sya, Cyrene?"

Hindi ko pa din sinagot si Gav. Nanatili pa din akong walang kibo at umiiyak.

"Dammit Cyrene! Wala syang karapatang saktan ka. Anak ka nya for fuck's sake."

"Gav pakiusap, umalis ka na lang." Ang tanging nasabi ko na lang.

"Paano kung ayoko? Fuck it, Cyrene! I can't leave you right now. I can't leave you at that state."

"Pakiusap Gav--."

"Ayoko sabi eh. I won't leave you, okay? I won't leave cause I love you! Mahal--."

"Putang ina, Gav!! Gav, magkapatid tayo!" Naibulalas ko na lang. Nakita ko namang natigilan si Gav pagkatapos.

"You-you're lying, honey." Nauutal na wika nito.

Alam kong sarado ang isipan nya at ayaw nyang maniwala pero totoo ang sinabi ko - magkapatid kami!

"Hindi ako nagsisinungaling, Gav!! Magkapatid tayo at yun ang sabi ni inay. Binuntis ng tatay mo ang inay ko! Hindi mo ako dapat na mahalin dahil mali ito. Mali ang relasyon natin. Tang ina Gav, kapatid kita pero minahal kita!!"

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon