Chap.o53

1.6K 18 0
                                    

Chap.o53

Jude had forgiven me but I had still the burden. Kasalanan ko pa din kung bakit ganito si Ysrael ngayon at kailangan ko ding humingi ng tawad dito pagkagising nito at maging sa mga magulang nito.

I'm still here at Ysrael's room, waiting for him to get concious. Kanina pa ako pinapauwi ni Jude at kanina pa ako tumatanggi. I couldn't leave Ysrael with this state. Makauwi man ako, ang lagay pa din nito ang iisipin ko at baka ito pa ang rason sa hindi ko pagtulog.

Oo, nakokonsensya ako. Natatakot din ako at the same time. Takot ako hindi dahil kasalanan ko ito. Takot ako dahil ayokong may masamang mangyari dito. He's my boyfriend at kahit papaano, may puwang na sya sa buhay ko. Losing him will make me incomplete and broken again. Alam ko nang si Ysrael ang para sa akin kaya natatakot ako kung sakaling mawala ito. Ayoko. Hindi ko kaya.

"Coffee?" Jude's offer woke me up from deep thoughts.

I gladly accepted the offer and he came close after, handling me a cup of coffee. It was hot and I do hope that this coffee won't let me sleep. Ayokong matulog at paninindigan ko ang hindi ko pag-uwi kung sakaling pauwiin man ako ni Jude. I won't leave Ysrael and this is what I gonna promise.

"At last may tinanggap ka din sa mga offer ko. Though, hindi ka mabubusog dyan sa coffee." I heard Jude say. Nakaupo na ito sa tabi ko and like me, may kape din ito.

"I'm not in the mood to eat. Besides I'm not famished." I explained before taking a sip. Mainit ang kape and it somewhat brought comfort to my system.

"Mapapagalitan ako ni kambal kapag nalaman nyang you skip dinner. Mahal ka pa naman nya."

"I know, Jude. Alam kong mahal nya ako pero..."

"Pero hindi mo sya masagot. Hindi ka pa kasi sure sa feeling mo." Wika nito na syang nagpatuloy sa dapat na sasabihin ko sana.

"Tama ka." Pagsasang-ayon ko na dito dahil tama naman ito. "Pero alam mo Jude. Ysrael's sweet. Kumain pa nga ito ng karne para lang mapagbigyan ako."

I couldn't help but smile. Hindi ko siguro malilimutan ang insidenteng ito. Bakit? Dahil dito na patunayan ni Ysrael ang pagmamahal nito. Kumain pa din ito ng karne kahit na may allergy sya dito. He was dumb, yes, but nevertheless, he was sweet. Hindi ako nito pinahiya. Kinain nito nang magana kanina ang mga luto ko.

"By the way Jude, pa'no kung malalaman ng parents nyo ang tungkol sa amin ni Ysrael?" Bigla ko na lang natanong. Diba nga ang alam ng mga ito ay kami ni Jude ang may relasyon?

"Don't mind it. Maybe it's the sign for me to confess already. Ang tagal ko nang itinatago ang sikreto ko sa kanila at panahon na siguro para magsabi ng totoo. They are my parents after all. Magalit man sila sa simula, alam kong matatanggap din nila ako sa huli. I know they will still accept me as their child." Litanya ni Jude which made me beam. "Basta mahahalin mo si bro, huh." Pahabol pa nito.

"Oo ba, just wait. Saka hindi naman sya mahirap mahalin eh. I even find myself getting fascinated with him every second, every minute. He has his ways of making me fall. And I guess, konti na lang at masasabi ko na dito na mahal ko sya."

SOBRANG BILIS ng pagmamaneho ko ng Motorama. I'm on my way to Ysrael's penthouse. Nakalabas na daw ito sa hospital sabi sa text ni Jude kaya imbes na sa hospital dumiretso, sa penthouse na lang ako ni Ysrael didiretso.

Narating ko din after ang hotel at sa basement na ako dumiretso para ipark ang car ko. Lakad-takbo pa ang ginawa ko papunta sa elevator dahil excited ko nang makita si Ysrael. Pinauwi kasi ako nito kaninang umaga dahil may pasok pa daw ako. Ayoko syang sundin nung una pero pumayag din ako sa huli dahil ayokong magkaroon sya ng hinanakit sa akin. Good girlfriend here.

Nang narinig ko na ang ting, - hudyat na nasa tamang floor na ako - lumabas na ako at dumiretso sa unit ni Ysrael. I knocked at pinagbuksan naman ako agad. Sinalubong agad ako ng yakap ng mga magulang ng kambal at gumanti naman ako dito. Nagmano din ako sa kanila bilang sign of respect.

They had forgiven me as well as Ysrael. Ang sabi pa nga ni Ysrael ay wala daw akong kasalanan sa nan gyari. And speaking of him, bakit ang bilis nitong na-discharge sa hospital? Wala pa yatang isang araw.

Sinabi ni mama na nasa kwarto si Ysrael kaya doon na ako dumiretso pagkatapos. I knocked first before entering. Manners eh.

Napansin kong mas okay na ang kalagayan nito ngayon. Wala ng masyadong rashes sa katawan nito kumpara kahapon. At mas may buhay na ito. I even found myself stopping from yelling and hugging him so tight. Tulog eh.

Kaya naman sa edge na ako ng kama naupo dahil walang upuan sa tabi ng kama nito hindi katulad sa hospital. I held his arms na konti na lang ang rashes. I even entertwined our fingers because of pure bliss. My boyfriend is now safe and better. Thank god!

Dahil tulog ito, nakuntento na lang ako sa paghawak sa isang kamay nito. At nagising na lang ako nang may humahagod sa buhok ko. Agad naman akong nagmulat at bumangon. Only to find out that the one was playing with my hair was no other than Ysrael. Obviously gising na ito.

"Evening, honey." He greeted me with a beam on his face. Looking good even if sick, eh?

"Good evening. Do you need something? Water? Foods?" Natataranta ko namang tanong.

Wala kasi sina papa at mama eh. Nagpaalam sila kanina na may imi-meet silang kliyente pagdating ko. Kaya naman sa akin nila hinabilin si Ysrael. Pumayag naman ako. Pero dahil pabaya akong tagapag-alaga, natulugan ko pa ito. Spealking of puyat, hindi ako natulog kagabi. I waited for Ysrael to get concious.

"You look tense, honey. Chill, okay?"

Tumango na ako at lalabas na sana ako para paghandaan ito ng dinner pero hindi ako nakaalis dahil magkahawak-kamay pa din pala kami.

"Ysrael, let go. Magdi-dinner ka pa." I said to him nang hindi ko pa nabawi ang kamay ko pagkatapos ng ilang subok.

"Just stay, please? Di pa ako gutom." Pakiusap naman nito kaya pumayag na ako sa huli.

I sat on the edge of his bed again. Hindi ko lang inasahan ang paghila nito kaya naman napasandal ako sa matigas na dibdib nito.

"You miss me? Grabe nga ang pagtulak mo sa akin kaninang umaga pa ra umalis." I said out loud.

Nakagat ko na lang ang labi ko dahil sa kahihiyan. How humiliating, eh?

"So nagtatampo ngayon ang honey ko." May iba sa boses nito. Parang mang-iinis na naman ito.

"Hindi ako nagtatampo, uy." Depensa ko naman. Bakit ko ba kasi nasabi yung hindi dapat masabi dito?

"Sure ka?" Pangungulit pa nito. Hindi yata kumbinsido sa sinabi ko.

"Oo naman." Sagot ko na. "By the way, how are you na? Are you feeling better?" I asked habang papalapit ako dito. Change topic ba.

His scent is intoxicating and I couldn't stop myself from going closer to him. Naramdaman ko na din ang pagyakap nito sa beywang ko at ang tuluyang paghila nito sa akin para tuluyang mayakap ako ng mahigpit.

"I'm feeling better than before." May saya sa boses nito. "It's because you're here, honey. You're here beside me."

Dammit, Ysrael!

"I love you." I even heard him say.

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon