Chap.o28

2.4K 33 0
                                    

Chap.o28


Nagising ako dahil sa lamig. Madilim pa sa labas kaya matutulog pa ako. Hinila ko na ang kumot hanggang sa mukha ko saka ko lang naisip na iba ang amoy ng kumot na ito sa kumot ko. Kung tutuusin, pang-amoy mayaman ang isang ito at amoy-ordinaryo naman ang sa akin - amoy mumurahing sabon.

Kaya naman kahit sobrang dilim, hinanap ko ang switch hanggang sa nai-on ko na ito. Pagkalat ng liwanag, tumambad sa akin ang napakalawak na silid. Sinuri ko ang kwartong ito hanggang sa napako mismo ang mga mata ko sa kama.

Linapitan ko ang bulto ng lalakeng nakita kong nakahiga sa kama at nawala lahat ng agam-agam ko nang napagtanto kong si Gav ito. Nandito pa pala kami sa resort.

Pero agad din akong nanlamig nang dumako ang paningin ko sa relong nasa mesa - sa mismong tabi ng kama. Hindi maaaring alas tres na. Umaga na pala!

Napuno na ako ng mga pangamba at takot. Paano na ako uuwi? Tiyak na mapapagalitan ako ni inay neto.

Bumuhos na din ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Tiyak na hindi lang sampal ang bubungad sa akin pag-uwi ko. Kilala ko si inay at alam kong mas grabe pa ang pwede nyang gawin sa akin.

Sino ba naman ang hindi magagalit na ina kapag hindi umuwi ang anak nya? Kasalanan ko naman ito eh. Bakit pa kasi ako natulog kanina?

"Cyrene..."

Hindi ko na namalayang nagising na pala si Gav.

"Gav, iuwi mo na ako pakiusap." Umiiyak na pakiusap ko.

"Hindi ba maaaring mamaya na lang? Honey, madaling-araw pa lang."

"Gav please, ngayon na lang."

At tila senyales na yun para bumangon si Gav. Pinunasan nya muna ang mga luha ko bago ang lahat.

"Sorry." Hingi nya ng paumanhin. Patuloy pa din ito sa pagpunas ng mga luha ko.

"We'll make it, okay? Hindi ka mapapagalitan at hindi masisira ang relasyon natin. As long as you love me, I'll still fight for us. You're my happines, and no one will gonna take away my happiness."

Hindi na ako nakapagsalita pagkatapos. Lahat ng mga sinabi ni Gav ay tumatak at nagbigay ng lakas sa akin.


NARATING din namin ang bahay makalipas ng ilang sandali. Patay ang ilaw kaya paniguradong tulog na si inay.

"Sigurado ka, Cyrene? Pwede naman kitang wag iwanan. Baka kung--."

"Kaya ko ito, Gav.: Pagpuputol ko sa kanya. Ngumiti na ako dito para makubinsi itong wag na akong samahan pa. "Wala ka bang tiwala sa akin? Malakas kaya ako. Ako pa?"

Hinawakan na ni Gav ang mga kamay ko. Napakainit ng mga kamay nya sa totoo lang.

"Are you really sure 'bout this?"

Tumango na ako bilang sagot. Ayokong magsinungaling pero ito lang ang dapat kong gawin para umalis na si Gav at hindi na sya madamay pa. Oo, natatakot ako pero ipinapakita ko lang na kaya ko kahit nanghihina na talaga ang loob ko. Ayoko lang na madamay pa si Gav. Okay lang na ako ang masaktan, huwag lang sya.

"Oh papasok na ako. Umuwi ka na ha?" Pagtango ni Gav, dun lang ako tumalikod. Hahakbang na sana ako papasok pero...

"Mahal kita, Cyrene. Mahal na mahal kita, honey." Bulong ni Gav sa akin na nakayakap ngayon sa likod ko.

Natatakot akong baka madatnan pa ni inay si Gav kaya naman kahit masakit sa loob ko, kumalas ako sa yakap ni Gav. Lumayo ako ng konti dito bago nagsalita. Bago lumabas sa bibig ko ang mga salitang hindi ko kailanman naisip na sasabihin ko kay Gav.

"Umalis ka na lang, Gav. Huwag ka nang magpadagdag pa sa problema. Pakiusap."

Hindi agad nakapagsalita si Gav dahil alam kong nabigla ito. Baka nga nasaktan ko pa ito dahil sa masakit na nasabi ko.

"Sige, aalis ako. Aalis ako hindi dahil sa sinabi mo. Aalis ako dahil ayokong kamuhian mo ako kung mananatili pa ako dito."

Hindi muna ako umalis sa pwesto ko bago ko tuluyang narinig ang papalayong tunog ng kotse ni Gav.

"Patawad Gav." Nasabi ko na lang.

Mas mabuti na umalis si Gav para hindi na sya madamay pa. Hindi yun makakaya ng konsensya ko.

Mas lalo akong natakot nangnasa mismong tapat na ako ng pinto ng bahay. Na kahit nangininig pa ang mga kamay ko ay lakas-loob ko pa ding pinihit ang seradura. Saktong pagbukas ko, nagkaroon ng ilaw.

Tama nga ako na si inay ang bubungad sa akin. Napakalamig ng dating nya - mas malamig pa sa dati. Madilim din ang mga titig ni inay. Yung parang konting oras na lamang ay susugod na ito. Naghihintay lang kumbaga ito ng tamang tiyempo.

"Nay, magpapaliwanag po ako. Nay--."

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil naramdaman ko na lang ang malakas na sampal  na dumapo sa kaliwang pisngi ko. Siguro hindi na ako makapagpapaliwanag pa. Ganito naman palagi eh. Hindi kailanman hiningi ni inay ang paliwanag ko. Ngayon pa kaya? Tsk, ayoko nang umasa.

Tatanggapin ko na lang ang gagawin ni inay sa akin. Na kahit saktan nya ako ay okay lang.

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon