Chap.o8

3.7K 62 0
                                    

Chap.o8

Kitang-kita ko dito sa pwesto kung gaano nahihirapan si gago ngayon sa paglalaba. Nang sinabi nya kanina na tutulungan nya ako, dun na ako tumayo para magmeryenda. Kaya ang resulta ay ang gago ngayon ang mag-isang naglalaba.

Hindi ko napigilang tumawa nang nakita kong kinamot pa ni gago ang batok nito. Nawawala na ang pasensya nito at alam na nito siguro ang hirap. Dapat lang sa kanya yan, noh.

"Yeah right. Laugh at my misery." Sarkatiskong wika ni gago pagkatapos.

Hindi naman ako nagpatalo at binweltahan ko naman sya.

"Ako pa ang mali ha? Ikaw ang kusang nagbulontaryo at nagrereklamo ka na ngayon? Wow ha."

"Ang sabi ko, I'll help you. Hindi yung ako na ang mag-isang gagawa nito." Sumbat naman nya.

"So ako pa ang mali ngayon?" Bwelta ko naman. "Nakakahiya naman kung nakaupo lang ako dito sa tabi at nagmemeryenda habang naglalaba naman ang senorito sa isang banda. Alis ka na po dyan señorito at ako na po ang gagawa ng mga yan."

"No, just stay there. Kaya ko ito."

Hindi ko sya maintindihan obviously. Minsan mabait sya, kadalasan naman ay hindi. Ano ba talaga ang totoong ugali ni gago?

"Sabi mo yan eh. Sige po señorito, kaya nyo po yan." Pang-iinis ko na.

Pinagpatuloy ko na ang pagkain at ang dami ng mga ito ha. Merong carbonara, cake at juice. Ganito ba kabongga ang meryenda ng mga nagtatrabaho sa mansyon? Bongga ha!

Tinignan ko na naman si gago nang wala akong ibang matignan na nakakatawa. Gusto ko kasing makita ang paghihirap nito.

"Ano bang gagawin ko?"

Oo nga pala, nakalimutan kong walang alam si gago sa mga gawaing bahay. Kaya pala hanggang ngayon ay nagkakamot lang ito ng batok.

"Eh di kusutin mo yang mga gamit."

Ginawa nya naman ito at gusto ko nang matawa nang hindi nito alam ang tamang pagkusot sa mga damit. Basta kusot lang ito ng kusot. Nakakatawa pa ang pag-pout nito habang naglalaba. Nagiging cute sya.

"Hey, tulungan mo na ako. I don't know if I'm doing it right." Himutok na nito. Dun ko na sya nilapitan.

"Tutulungan kita sa isang kondisyon."

"Ano?"

"Hindi mo na gagawin ang ginawa mo kanina. Hindi ka na manghahalik bigla at hindi mo na ako babastusin." Mga kondisyon ko.

"Deal. Friends?" Aniya sabay extend ng kamay nya para makipagkamay.

"Friends? Nababaliw ka na ba?" Wika ko na lang.

"I'm serious, okay? I want us to be friends. So ano na?"

"Okay, friends." At tinanggap ko na ang kamay nyang may mga bula pa. Siguro mas mabuti na ito.

Naging mas mabait na nga si Gavino sa akin. Gavino Clive Cerezo ang buong pangalan nito at Clive ang gusto nitong pangalan. Pero dahil gusto ko syang inisin, Gavino ang tawag ko dito. Cute kaya ang Gavino.

"Ayoko sabi ng Gavino eh. Clive na lang kasi."

At hanggang ngayon, pinagtatalunan namin ang itatawag ko sa kanya. Ngayon ko lang naitatak sa sistema ko ang pangalan nito. Kung nagtataka kayo, tapos na kaming maglaba. Tinulangan ako ni Gavino kanina. Mabait pala ang gago kahit konti.

"Ano bang mali sa Gavino? Ang cute kaya nun."

"Anong cute? Ang bantot kaya ng Gavino. Parang galing pa yun sa baul."

Kung matigas ang ulo nya, mas matigas ang ulo ko.

"Ah basta, tatawagin kitang Gavino. Sarili ko ito at ako ang masusunod."

Nakita ko na lang ang pagsimangot nito.

"Fine. As if I do have any choice." Wika nya saka ito nag-walk out.

Sa konting oras kong nakausap si Gavino kanina nung naglalaba kami, masasabi kong may pagka-isip bata ito. Kung ano lang ang gusto nito ang nasusunod.

Natigil na lang ang pagmumuni ko nang mapansin kong malayo na pala si Gavino. At syempre, sinundan ko sya.

"Hoy Gavino, ano na ang gagawin ko?" Untag ko dito.

"Umalis ka na lang, pwede? Binibwisit mo ako." Nakasimangot na wika nito.

Hindi ko naman sya binibwisit dahil naghihiganti ako nang pinaiyak nya ako. Trip ko lang na bwisitin sya dahil ang dali nya palang mapikon. Kung ano ang nangyari noon sa amin na hindi kanais-nais, kakalimutan ko na lahat yun. Basta uumpisahan ko na ang maging kaibigan ni Gavino.

"Pikon!" Sabi ko na lang dito. "Basta Gavino pa din ang itatawag ko sayo. Bagay kaya yun sayo. Cute." Wika ko pa.

"Talaga?" At ngumiti na ito. Bipolar eh?

"Teka, ano bang sinabi ko?" kunwari ay nalimutan ko.

"Na cute ako."

"Hindi noh." At sumimangot na naman ito. Bipolar talaga.

"Gwapo ka kaya." Pag-aamin ko na. At talagang bipolar ito dahil ngumiti na naman ito pagkatapos.

"Hoy Gavino, may sakit ka ba?" Tanong ko na. Nakangiti na kasi ito at hindi na sya nagsalita pa.

"Gavino." Tawag ko pa ulit dito.

"Call me Gavino then. It sounds sexy coming from you pala." Out of topic na wika lang nito.

Ha?

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon