Chap.o21

2.5K 36 0
                                    

Chap.o21


Maagang umuwi si Gav ngayon. Wala pang alas-dos pero umuwi na ito. Sinubukan ko naman itong tinanong kanina kung bakit ito nagmamadaling umuwi pero wala akong natamong sagot.

Nakapagtataka naman kasi. Kung alas-singko na kasi ng hapon, pinapauwi ko na ito at talagang ako pa ang namimilit dito para umuwi ha. Ayaw kasi nitong umuwi sa mansyon nila kapag hapon na. Pero tignan mo naman ngayon, kusa na itong umuwi. May itinatago siguro ang lalakeng yun.

Nang hindi ko na matanaw pa ang papalayong kotse ni Gav, dun na ako tuluyang pumasok ng bahay. Nakakapanibago pala kapag wala na si Gav sa mga oras na ito. Walang mangungulit, at walang maingay. Pero aaminin kung malungkot kapag wala ang lalakeng yun. Nasanay na siguro ako sa presensya nya kaya ganito na lamang ang lungkot ko kapag wala ito sa tabi ko ngayon.

Kring... Kring...

Napatalon na lang ako bigla nang may narinig akong tunog ng cellphone. Ang ipinagtataka ko lang ay wala naman akong phone ha.

Sinundan ko na lang ang tunog na naririnig ko hanggang sa makita ko ang bagay na yun sa ibabaw ng kama ko. May tumatawag at Toby ang pangalang nakalagay sa screen. At dahil pinayagan na ako ni Gav na sagutin ang mga tawag nya, sinagot ko na ang ito.

"Hey Clive, on the way na kami. Malapit na kami." Boses ng lalake ang narinig ko sa kabilang linya.

"Clive nandyan ka pa? Hello! Ang sabi ko malapit na kami kaya ihanda mo na ang handaan dyan sa mansyon nyo." At narinig ko na lang itong tumawa.

"Baka naman hindi sinagot ni Clive ang tawag, bro. May ibang boses pa akong narinig."

"Fuck! Baka tama si Macky bro. Baka busy ang gago." Sambit pa ng isang boses.

"Clive bro, nandyan ka ba?"

"Hello." At sumagot na ako sa pagkakataong ito.

"Bro, iba yata ang boses mo."

"Uhm hindi si Gav este Clive ito. Si Cyrene ito, yung gf nya." Paliwanag ko na.

"Is that a girl? Ako na ang kakausap, bro."

"A girl? Hand me the phone then."

At hindi ko na narinig pang masyado ang mga pinag-usapan sa kabilang linya dahil nagkagulo na ang mga ito.

"Mga gago, phone ko ito." Sa wakas, may narinig na din ako na malinaw.

"Hello, wala ba si Clive dyan?"

"Wala eh. Kagagaling nya lang dito pero umuwi na ito kanina. Naiwan nya lang ang phone nya dito."

"Ganun ba? Can you--."

Hindi ko na narinig pa ang susunod nitong sasabihin dahil naputol na ang linya. Dun ko lang napagtanto na patay na ang phone ni Gav.

Siguro importante ang sasabihin ng tumawag kanina kaya naman lumabas na ako ng bahay. Pupunta ako sa mansyon ngayon din para ibigay kay Gav itong phone at para ipaalam dito ang tawag kanina. Baka hindi alam ni Gav na may darating itong mga bisita kaya ako na mismo ang pupunta sa mansyon para sabihin ang lahat ng ito kay Gav.

Narating ko naman ang mansyon pagkatapos ng ilang sandali. Sakto namang nakita ko si aling Martha na nagdidilig ng mga halaman sa harap ng mansyon kaya ito na ang nilapitan ko.

Tinanong ko na dito kung asan si Gav at sinabi naman ni aling Martha na dumiretso na lang ako dahil nasa sala lang daw si Gav. Nagpasalamat na ako kay aling Martha pagkatapos saka ako tuluyang pumasok.

Walang nakapansin agad sa akin pagkapasok ko dahil maingay silang lahat na nasa sala. Agad kong nakita si Gav na ngiting-ngiti na nakaakbay sa kasingtangkad nyang lalake. Bale apat lahat sila ngayon at kabilang na dun si Gav syempre.

"Look who's here." Hindi ko na namalayang may nakapansin sa akin.

Lumapit na ang isang ito sa akin. Gwapo ito pero mas gwapo si Gav para sa akin syempre.

Pero hindi pa nakakalapit ang lalakeng ito, nakauna nang nakalapit si Gav at itinago pa ako nito sa likod nya.

"Stop, Law. She's mine." Narinig kong sabi ni Gav dito.

"Whoa! Never imagined that you'd be that possessive, bro." Kantiyaw na ng isa na kanina ay nakaupo sa sofa pero nakatayo na ito para makiusyoso siguro. Gwapo din ito.

Hindi na lang ito pinansin ni Gav at hinila na ako nito papunta sa sala. Pinalibutan naman agad ako ng tatlong lalakeng sa tingin ko ay mga kaibigan ni Gav.

"She's Cyrene. My girl." Simpleng pakilala lang ni Gav sa mga ito pero alam kong may diin ang bawat salitang binitiwan nito.

"Hi Cyrene. Toby by the way." Pakilala ng isa na kaakbay ni Gav kanina.

Inabot nito ang kanang kamay nya para makipagkamay pero tinampal lang ito ni Gav.

"No touching, guys." Paalala ni Gav at tumawa lamang ang tatlo.

"Chill bro. Hindi namin aagawin si Cyrene sayo. Hindi namin sya aagawin dahil sya mismo ang lalapit sa amin." Biro ng isa. Nakita ko namang tinignan ng masama ni Gav ito.

"Shut up Macky! Baka mapalayas tayo dito." Sita naman nung lumapit kanina. Law ata yung pangalan nya.

"Bakit ba? I'm just telling the possibility, you know."

Hindi na nagsalita pa si Gav pagkatapos. Tumahimik na ito pero ramdam ko ang galit nito. Parang kahit anong oras ay sasabog na ito.

"Excuse us." Paalam ko muna sa kanila dahil kailangan kong kausapin si Gav. Ang dilim na kasi ng aura nito ngayon.

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon