Chap.o18

2.7K 46 0
                                    

Chap.o18


"Cyrene... Yahoo... Tao po..."

Sigaw ng isang estranghero sa labas. At kung hindi ako nagkakamali, malamang si...

"Hoy babae, kanina pa ako sigaw ng sigaw sa labas ng bahay nyo at wala ka man lang puso na pagbuksan ako ng pinto. Kung hindi ko pa malalaman na hindi naka-lock ang pinto, malamang wala na akong boses bukas dahil sa kasisigaw."

Tama, si Jen ang estrangherang sigaw ng sigaw kanina sa labas.

Nakapasok na ito sa bahay kaya naman kinukulit na ako neto.

Hindi ko na lang sya pinansin at ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko kanina - ang pagluluto. Ngayon lang ako makakapagluto ng hapunan dahil kakaalis lang ni Gav kanina.

"Hoy babae, hindi porke may gwapo ka ng dyowa, pwede mo ng ideadma ang dyosa mong kaibigan."

Talagang sinundan pa ako ni Jen sa tapat ng kalan ha para sermunan. Tsk tsk.

"Wala ako ng sinasabi mo." Bwelta ko na dito saka ko sinindihan ang papel na panggatong.

"Anong wala? Wala kang gwapong dyowa?"

"Hindi. Wala akong dyosang kaibigan. Kaibigan lang ang meron ako. Aray naman Jen." Reklamo ko na nang batukan ako ng babaeng amasonang kaibigan ko.

"Tse! Hindi ka man lang sumabay. Oo, mas maganda ka pero hindi naman ako papatalo noh."

At pasimple na lang na nag-walk out ito. Nang masigurado kong okay na ang mga sinindihan kong mga kahoy sa kalan, dun ko na ito sinundan. Nakita ko naman ito sa labas ng bahay kaya naman maingat akong lumapit dito saka ako yumakap ng mahigpit sa likod.

"Tampo ka na naman." Wika ko.

"Hindi ah. Nagpapahangin lang." Sagot naman nito.

"Palusot mo, bulok." At natawa na lang ito. "Pero Jen, maraming salamat sa lahat ha."

"Ano ka ba? Wala naman akong nagawa ha."

"Meron. Ang dami kaya. Hindi ko na mabilang at masabi sa dami."

"Ang sabihin mo Cyrene, hindi mo na masabi ang mga ito dahil wala naman talaga."

Nagtawanan na lang kami pagkatapos. Ganito kaming dalawa ni Jen. May pagkabaliw at pagka-ewan. Kami lang siguro ang nakakaintindi sa isa't isa at masaya talaga ako na parte ang babaeng ito ng buhay ko.

"Jen, sorry ha?" Nasabi ko na lang. "Sorry kung nawawalan na akong oras sayo." Wika ko na.

Nitong mga nakaraang araw kasi, puro si Gav na lang ang parati kong kasama. Wala na kaming masyadong oras na magkasama ni Jen.

"Okay lang yun noh. Basta kapag nagka-boyfriend din ako, hindi na din kita makakasama ng madalas. Makikita mo, Cyrene." At natawa na lang ako sa banat ni Jen.

Napagdesisyunan na din naming pumasok sa loob muna at dun magkwentuhan. Sa kusina kami tumuloy at habang naluluto ang bigas, susulitin ko na ang oras na makasama ang babaeng ito.

"Musta naman si Clive bilang boyfriend?" Paninimula na ni Jen pagkaupo namin pareho sa mga bangko.

"Masaya." Nakangiti namang wika ko.

"Huy in love si Cyrene." Tukso na nito.

"Syempre. Sino naman kasi ang hindi mai-in love kay Gav?"

"Pero nagawa nyo na yun?" Biglang tanong din nito pagkatapos.

"Ang alin?"

"Basta yun. Alam mo na kung anong tinutukoy ko."

Ano ba ang tinutukoy ng babaeng ito? At ano na ba ang nagawa namin ni Gav? Halikan? Baka ito yung tinutukoy ni Jen.

"Oo nag--."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sumingit na ito.

"You mean nangyari na? Ganun kabilis?" OA na reaksyon nito.

"Oo. Ako pa nga ang unang gumawa ng move."

Tama naman eh. Ako ang unang humalik kay Gav noon kaya naman hindi na ako magsisinungaling pa kay Jen. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit ganito na lang ang reaksyon ng babaeng ito. Dahil ba hindi nito inasahan na papayag akong gawin yun?

"Ano?! Ikaw ang nag-initiate?! Ano ka ba Cyrene?" Tulad kanina, OA na naman ito.

"Tapos na yun noh. Isa pa, wala na tayong magagawa pa para isauli yun."

"Yun lang yun?! Wag mong sabihing hindi lang isang beses nyo ginawa yun. Malilintikan ka Cyrene kapag nagkataon." At sumigaw na ito.

"Ah eh." Hindi ko naman naiwasang hindi magkamot ng batok.

"Ano?"

"Araw-araw na kaming nag--."

"Cyrene naman. Araw-araw talaga?! Hindi ka man lang tinantanan ng lalakeng yun!!" Mas lumakas na ang sigaw nito.

Sana lang ay hindi ito marinig ng mga bahay na malapit sa amin - yung medyo malapit lang pala sa amin dahil kung tutuusin, medyo malayo pala ang mga yun.

"Hinaan mo naman ang boses mo, Jen." Wika ko na.

"Paano ko magagawa yun kung ganito ang malalaman ko, aber? Talagang pumayag ka pa talaga na araw-araw ha!"

"Teka, ano bang mali sa halik?" Bwelta ko na.

Grabe na kasi kung makapag-react si Jen. Iniisip ko na tuloy na baka iba na ang iniisip nito.

Nakita ko naman itong nabigla pagkatapos. Nakabukas pa ang bibig nito at talagang sobrang dilat pa ang mga mata nito. Sa tingin ko, alam ko na kung ano ang iniisip ni Jen kanina. Kaya pala ganun na lang ang reaksyon nito.

"Huli ka!" Wika ko na saka ko ito tinawanan. "Napaka-berde mo ha." Kantiyaw ko pa.

Nakita ko na lang na pumula ito at saka ito tumayo pagkatapos para uminom ng tubig. Bumalik din ito agad.

"Ang dumi pala ng utak ko." Narinig ko na lang na bulong nito. Talaga!

"Pero hindi nyo pa ginawa yun?" Tanong na ni Jen. "Yung sa kama ha!" Dagdag din nito.

"Hindi pa."

"Good. Pero hindi ka nya pinipilit?"

"Hindi. Si Gav pa nga ang unang tumitigil kapag nagiging grabe na."

"Talaga?!" Hindi makapaniwalang tanong naman nito.

"Oo naman. Bakit ba?"

"Wala. Isipin mo kasi ha. Diba sa Maynila lumaki ang nobyo mo at sa America naman sya nag-aral?"

"Oo."

"So nasanay na sya sa alam mo na at siguro ay madami na din syang karanasan."

"At?"

"Syempre yung karanasan ay sex ang tinutukoy ko ha. At heto pa, hindi kaya naghahanap ng ganun ang boyfriend mo ngayon."

"Isipin mo kasi Cyrene ha. Normal na sa mga lalake ang makipag-sex dahil kailangan nila ito. Napag-aralan mo na siguro nun ito noh? At gaya nga ng sabi ko, napakaimposible yatang hindi humihingi ng sex si Clive sayo."

"Syempre mahal nya ako." Sagot ko na.

"Hoy, nagsasabi lang ako ng totoo ha."

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon