Chap.o16

2.6K 51 0
                                    

Chap.o16


Hindi man ako humarap sa kanang banda ko, alam ko nang nandun si Gav. Nakapasok na ito at ramdam ko ang presensya nito. Amoy ko din ang pabango nito at rinig ko din ang mumunting hikbi nito.

Alam kong umiiyak si Gav dahil sa akin at nagagalit ako sa sarili ko. Wala na akong ibang alam gawin kundi ang saktan si Gav.

Naramdaman ko na lang ang paggalaw ng kama ko sa kanang banda ko. Alam kong umupo ito sa kama ko.

"Ganun na lang ba kadali yun, Cyrene? Nagkulang ba ako? Hindi ba ako naging mabuting boyfriend?"

Gusto kong kontrahin si Gav pero hindi ko ginawa. Nanatili lang ako na walang kibo. Kung pwede lang sanang sabihin dito na hindi sya ang may kulang. Napakaperpekto nya na kasintahan sa akin at wala na akong mahihiling pa sa kanya.

"I know that I didn't have any serious relationships before but I'm trying here, Cyrene. Sinusubukanko dahil mahal kita at ayaw kitang mawala."

Hinaplos na nito ang pisngi ko. Akala ko yung kaliwang pisngi ko yun pero hindi pala. At least hindi nito makikita ang pasa ko dun.

"I love you, honey. Kung pwede lang sanang pakasalanan na kita ngayon din para sigurado na akong akin ka at hindi ka na mawawala pa sa akin."

Haplos pa din ng haplos si Gav sa kanang pisngi ko. Gusto ko nang isuko ang depensa ko at yakapin na lang ito pero hindi maaari. Diba nga pakakawalan ko na sya? Pakakawalan ko na sya para mahanap nya ang talagang bagay sa kanya? Ang masaklap ay hindi ako yun.

"Gav, pakiusap umalis ka na lang. Ano ba ang hindi mo maintindihan? Nakapag-aral ka sa America pero hindi ka naman makaintindi?" Sigaw ko dito. Pasasalamat ko na lamang ay nagawa kong patatagin ang basag ko ng boses.

"Naiintindihan kita Cyrene pero ayoko ng ideya mo. Ayokong magkahiwalay tayo." Wika nito sa basag na boses.

Naiinis na ako sa sarili ko dahil unti-unti nang nasisira ang depensa ko. Kung hindi pa aalis ito, bakatuluyang matalo na ako. Kaya naman bumangon na ako at umupo. Itinulak ko na si Gav nang malakas na syang nagpabagsak dito sa sahig.

"Tangna Clive! Ano pa bang gusto mo? Ayoko na sabi eh. Please umalis ka na."

Tumayo na ito at naramdaman ko na lang ang titig nya sa akin.

"I won't leave. Kukunin na kita sa inay mo. I don't wanna see you hurt again, honey."

Dun ko lang napagtanto na ang tinutukoy pala ni Gav na sakit ay yung ginagawa ni inay sa akin. Nasabi ko na dito noon na sinasaktan ako ni inay kaya alam na nito siguro na gawa ni inay ang pasa sa pisngi ko.

Napaiyak na lang ako nang maramdaman ko ang mainit na yakap nya sa akin. Wala na. Tuluyan nang nawala ang depensa ko.

"You were hurt that's why you're just this mean to me, honey. Thank you for trying your best to come to my birthday. Hindi ka man nakapunta dahil sa inay mo, I'm still thankful. At least you tried. At least you love me. Hindi mo man sabihin kung ano ang talagang nangyari, alam ko na kung ano yun. Pero wag namang kailangang umabot sa hiwalayan. Hindi ko kaya. Baka mamatay ako."

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon