Chap.o52

1.5K 23 0
                                    

Chap.o52

Ysrael's I love you kept on playing repeatedly in my mind. I didn't expect him to admit that easily. Wala pang isang linggo ang relasyon namin at nag-confess na ito. Para kasing ang bilis.

Natigil na lang ako sa malalim na pag-iisip nang marinig ko ang doorbell. It means nasa labas na si Ysrael kaya naman agad ko na itong pinagbuksan.

I decided to cook for him kasi kaya dito na kami kakain. Hindi ko na ito hinintay kanina. I just sent him a text informing him na mauuna na akong umuwi. He gave his approval naman.

"Hey." He greeted me while giving me a kiss on my cheek.

"Gutom ka na? Don't worry, malapit na akong makaluto." I said to him.

Pumasok na kami at naisip ko na naman ang 'I love you' nito. I'm ashamed that I couldn't say it to him yet. I'm not in love with him yet. I need more time, I guess.

It is not that loving him is hard. Madaling mahalin si Ysrael and I know for myself that I'll fall for him. Maybe time is all that I need. I need to make sure that when I say those words to him, it's the truth already. Yung talagang mahal ko na ito at wala ng mga what ifs.

I just made Ysrael stay in the living room while I went into the kitchen to do the cooking. Kaya ko pa namang magluto. Hindi lang ako nagluluto nitong mga nakaraang araw dahil nandito si kuya Clive. Ito kasi ang palaging nasa kitchen magmula nang dumating ito. Speaking of him, hindi pa ito umuuwi at nagpaparamdam.

Hindi ko na lang ito masyadong pinagtuunan ng pansin. Tinignan ko na lang ang curry na niluluto ko at nang matikman na okay at luto na ito, inayos ko na ang hapag. Beefsteak, chicken curry, at pork adobo ang mga niluto ko. May beef, chicken at pork. Hindi ko kasi alam ang gusto ni Ysrael kaya iba-iba na ang niluto ko. Kung si Jude kasi, sigurado akong gusto nito ang lahat na klase ng ulam. Hindi ko lang alam kay Ysrael. Baka magkaiba ang gusto ng kambal.

At nang maayos ko na ang mesa, tinawag ko na si Ysrael na busy sa panananood ng movie sa sala. Kahit nanonood, hindi ito nagdalawang-isip na patayin ang tv at dumalo sa hapag.

"Are you done, honey?" Tanong nito at bigla na lang ito yumakap sa akin. Being sweet again, eh.

"Yeah... We have chicken, pork, and beef. I hope you want any of these..." I said to him.

"How about seafood?" Kapagkuwan ay tanong na nito kaya bigla na lang akong kumalas dito.

Dammit! I forgot the seafood thingy. Hindi ko naisip na baka seafood ang gusto nito. Kasalanan ko ito eh. We used to eat together during my stay in Ilocos and my fault is, I didn't give attention to what he was eating whenever we ate at the dining before. At base sa naaalala ko, madaming pagpipiliang pagkain sa hapag ng mga Maniego noon. There were veggies, meats, and even seafoods.

What about now? Did I ruin our first lunch together as a couple?

"Hey, just asking. I can eat those naman." He said after. He again gave me a hug. "I want them, okay? No worries, honey."

I heard his laughter after and I broke the hug because of it. He was playing with me and I hate it. Nag-effort na nga ang tao ng marami, tapos bigla itong magtatanong ng wala sa mga niluto ko.

"I was just asking, okay?"

"Heh. I so hate you. Akala ko sayang na ang effort ko." Nasabi ko na dito saka hindi ko na naiwasang wag ito paluin sa dibdib.

"You really hate me, honey?" He touched my hand after and he even pulled me closer to him. "Hate me or not, I still love you."

Si Ysrael na. Sya na. Sya na talaga ang magaling magpakilig. Talagang napatahimik pa ako ng banat nito, huh.

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon