Chap.o7

4K 69 0
                                    

Chap.o7


Iniiyak ko ang lahat ng sakit ng loob ko bago ako tuluyang tumigil sa pag-iyak. Ngayon lang ako umiyak nang hindi dahil kay inay. Siguro ay napuno na ako kay... Napuno na talaga ako kay gago.

Hindi na katanggap-tanggap ang mga pinaggagawa nya sa akin. Alam kong birhen ako at walang kaide-ideya sa mga ilang bagay pero alam ko mismo sa sarili ko na iba na ang gustong iparating ng lalakeng yun kanina. Ayokong umabot sa puntong yun ang pwede nyang gawin sa akin. Ayoko ng ganun.

Ayoko na din sanang makita at makasama pa ang gago pero wala akong pagpipilian. Kailangan kong pagsilbihan sya sa loob ng dalawang linggo at sisiguruhin kong matatapos ko ang mga araw na yun na hindi ko na sya papansinin at kakausapin pa. Mas mabuti na ang ganun.

Pagkatapos kong ma-compose ang sarili ko, lumabas na ako dito sa kwarto ng mismong alagad ni satanas. Kung minamalas nga naman, pagkalabas ko sa kwarto ay mukha agad ng mokong ang nabungaran ko. Nakasandal ito sa kabilang pader - sa mismong tapat ng pinto ng silid nya. Nakadamit na din ito ng disente pero hindi pa din nawala ang nakakarinding pagmumukha nito.

At gaya nga ng sabi ko sa sarili ko kanina, hindi ko na sya kakausapin at papansinin pa. Susubukan kong tapusin ang pagsisilbi sa kanya nang walang anumang sabit para naman kahit papaano ay wala na syang masabi pa kung sakali. Ayoko nang makarating pa kay inay ang mga ganitong bagay.

Paalis na sana ako pero may kamay na pumigil sa akin sa mismong pag-alis. Hinawakan nito ang papulsuhan ko para patigilin talaga ako sa balak kong pag-alis.

"Are you mad?"

"Obvious ba?" Ganti ko namang sabi na hindi ko man lang sya nililingon.

"I know you're mad. Sorry."

Parang hindi ako makapaniwala nang sabihin yun ni... Basta ni gago. Akala ko naiba lang ako nang narinig pero nang tignan ko na sya para tanungin sana ay nag-sorry na naman ito.

Nakatungo pa ito at talagang namumula. Siguro ay natapakan ang ego nito kaya ganito na lamang ang reaksyon nito. Unang beses siguro nitong humingi ng tawad.

"Kung hindi ka seryoso o kung napipilitan ka lang na humingi ng tawad, pwes wag mo nang gawin." Ang tanging naisagot ko na lang. Tinignan na ako ng gago pagkatapos.

"Look, I'm trying to be nice here and you're not even appreciating it. Really woman?" May galit na sabi na nito. Tama nga ako na napipilitan lang ito.

"At ngayon galit ka na naman? Eh di lumabas din ang tunay mong kulay. Pakitang tao ka pala." Saka ko ito inikutan ng mga mata.

Dumiin naman ang hawak nito sa kamay ko pero hindi ko ipapakita na naaapektuhan ako. Dumilim na din ang tingin nito sa akin.

"Kung iniisip mong uuwi na ako ngayon at hindi ko na gagawin ang pinag-usapan natin kahapon, pwes nagkakamali ka. Hindi ako tulad ng iba dyan sa tabi-tabi. Tumutupad ako sa usapan kung yan ang gusto mong malaman." At tinanggal ko na ang kamay nyang nakahawak sa akin. "Kung mamamarapatin mo señorito, ano na ba ang gagawin ko ngayon?" Sarkastiko kong saad.

"Damn woman!" Bulong lang dapat nito pero dahil medyo malakas ang pagkakabigkas nito, narinig ko ito.

"Ano na?" Tanong ko na lang.


"CYRENE, magmeryenda ka muna oh." Wika ni aling Martha na may bitbit na tray.

"Mamaya na po. Tatapusin ko lamang po to." Giit ko naman.

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalaba. Ito ang unang iniutos ng gago sa akin. Sobrang dami ng ipinalaba nyang damit at hindi pa ako nakakalahati.

Kung pwede lang sanang hindi labhan nang maige ang mga damit na ito. Pero kapag ginawa ko yun, baka kung ano pa ang iganti ng gago. Baka mas tumagal pa ang pagsisilbi ko kaya mas mabuti nang gawin ko nang maige ang trabaho ko. Ayoko nang mas tumagal pa ang pamamalagi ko dito.

"Hija, magmeryenda ka muna. Hindi mo naman kailangang tapusin yan nang mabilis eh." Pagpupumilit pa ni aling Martha pero ni isang segundo ay hindi ko man lang sya nilingon.

"Sige na Cyrene oh." Wika pa nya.

"Aling Martha, okay na po ako. Isa pa, hindi pa naman ako gutom." Paliwanag ko na.

"Mapapagalitan ako ni señorito nito." Narinig kong bulong ni aling Martha bago ko sya nakitang papaalis.

Señorito? Napaka-imposible namang utos ng gago na pagmeryendahin ako. Sa itim ng budhi nun, imposibleng may natitira pa yung kabaitan.

Kaya naman, binalewala ko na lang ang ibinulong kanina ni aling Martha at ipinagpatuloy na lang ang paglalaba. Wala pang isang minuto, may dumating na naman. Baka si aling Martha na naman yun.

"Aling Martha, okay po ako. Hindi--."

"Itigil mo muna yan at kumain ka." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang may sumingit na nagsalita. Boses lalake ito.

Pagtingin ko, nakita ko si gago na may bitbit na tray - yung tray na kung hindi ako nagkakamali ay bitbit din kanina ni aling Martha.

"Kung nakokonsensya ka--." Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil tulad kanina ay sumingit na naman ito.

"Hindi ako nakokonsensya, okay?" Sagot nya. "Oras na kasi ng meryenda at hindi ka pa nakakapag-meryenda man lang." Paliwanag pa nya.

"Okay. Ibaba mo na lang ang meryenda ko dyan at kakainin ko din yan mamaya." Pagpayag ko na para umalis na ito.

Akala ko susundin ako ni gago pero pagtingin ko, nasa harap ko pa din sya at bitbit pa din nya ang tray.

"Ano na?" Mataray ko nang saad.

"I won't go unless you finished this." Aniya sabay muwestra sa dala nyang pagkain.

Grabe, ang kulit!

"Just wanna make sure that you'll eat all of these."

"Kakain ako kung kailan ko gusto. Ba't ba ang kulit mo?" Bwelta ko na. Ang kulit nya eh.

"Kailan ka ba kasi kakain?" Tanong nya instead.

"Kung matatapos ko ito." Bored ko namang sagot.

"All right. I'll help you then. Kapag mabilis tayong natapos, dapat magmeryenda ka na."

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon