Chap.o10

3.5K 50 0
                                    

Chap.o10


Hindi ako pumasok sa mansyon kinabukasan. Sakto namang dumating si Jen sa bahay kaya hinila ko ito sa kwarto ko.

"Ano bang problema mo ikaw na babae at bigla ka na lang nanghihila?" Litanya ni Jen nang makarating kami sa silid ko.

Umupo muna naman ako sa kama ko bago ako nagsalita. Sinabi ko lahat ng nangyari kahapon. Sinabi ko din sa kaibigan ko ang pakiramdam ko nang araw na yun.

"Oh ano na?" Tanong ko na kay Jen pagkatapos kong magkwento.

Hindi naman ito agad sumagot kaya tinignan ko ito. At nakita ko naman itong nakatulala.

'Mukhang wala akong aasahan sa isang ito.' Sabi ko na lang sa sarili ko.

Tumayo na ako para lumabas ng silid ko. Pero hindi pa ako nakakalabas nang tumili ng malakas si Jen. Kaya naman, bumalik ako at umupo ulit sa kama ko.

"Grabe friend! Wahh, ang sweet! Sabi na nga ba at may mangyayari eh." Hyper na wika nito habang may payakap-yakap effect pa sa akin.

"Teka Jen. Kumalma ka muna, okay?" At nakinig naman ito.

"Ang sabi ko in love ka na, friend. In love ka kay señorito Clive."

"Gaga! Hindi kaya." Kontra ko. "Paano ako magkakagusto dun kung palagi nya akong binabastos at kinukulit?"

"Wag ka nang kumontra, okay? May experience na ako sa pagiging in love kaya alam kong tama ako sa hinala ako. Wag ka na kasing kumontra."

"Paano ako hindi kokontra kung alam kong wala naman akong gusto sa isang yun?"

"Hindi ka nagagwapuhan?"

"Gwapo naman sya." At nakita kong napangiti ito sa sagot ko.

"Hindi ka nya napapasaya?"

"Hin--. Oo napapasaya nya naman ako." Mas lalo pang lumawak ang ngiti nito.

"Hindi ba tumitibok ng mabilis si mr. Heart kapag kasama mo sya?"

"Kahapon. Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko."

"Aayyy!! In love ka talaga, friend. Ganyan na ganyan din ako nang ma-in love ako kay alam mo na." Tili na nito.

In love? Pero bakit parang imposible? Bakit ako mai-in love kay Gav kung kinaiinisan ko yun nang una pa lang. Oo naging magkaibigan na kami pagkatapos pero naiinis pa rin ako sa kanya ngayon.

"Ano nang gagawin ko?" Tanong ko na lang.

"Eh di sabihin mo ang feelings mo. Malay mo gusto ka rin nya."

"Napaka-imposible namang gusto nya rin ako." Wika ko na.

"Ano ka ba? There's no harm in trying ika nga nila. Try mo kayang sabihin?"

"Wag na."

"Eh ano nang gagawin mo?"

"Iiwasan ko na lang sya."

"Kaya mo? Diba nga may anim na araw pa para pagsilbihan mo sya? Kaya mo kayang iwasan sya sa lagay na yan." Bwelta na ni Jen.

"Susubukan ko." Matatag ko namang wika.

"Bahala ka. Sya sige, aalis na ako ha? May gagawin pa kasi ako sa bahay." Pamamaalam na nya.

"Sige, ingat. Salamat na rin sa advice."

Nang makaalis si Jen, hindi muna ako agad na lumabas sa silid ko. Pinalampas ko muna ang sampung minuto bago ko naisipang lumabas na din.

"Hey, you okay?"

Akala ko nagha-halucinate na ako dahil narinig ko ang boses ni Gav. Pero nang nasa sala na ako, nakita ko ito mismo dito at prente pa itong nakaupo sa isa sa mga silya dito.

"A-anong ginagawa m-mo dito? At paano ka nakapasok?" Tanong ko na dito.

"Your friend let me in." Sagot nito na may ngiti sa mga labi. Iba yung ngiti nya na parang may nalaman sya. Baka may sinabi si Jen dito.

"Teka, may sinabi ba si Jen sayo?" Hindi ko na napigilang itanong.

Para namang tama ako dahil tumango ito. Patay ka sa akin mamaya, Jenica Manansala!

"Kaya pala hindi ka pumasok ngayon. Why didn't you tell it to yesterday, honey?" At ngumisi pa ito.

"T-teka, wala yun noh. Nagsisinungaling lang si Jen." Natatarantang wika ko na.

"She's telling the truth I guess. You see, nagiging iba na nga ang ugali mo eh."

Tangna! Napapamura na ako sa pressure. Parang nasa hot seat ako at si Gav pa mismo ang nang-i-interrogate sa akin. Malas talaga ng buhay oh!

"What now, honey? Still denying it?"

"Oo, aamin na ako."

At gusto ko nang pumikit nang makita ko ang ngisi ng lalakeng ito.

"You should take a rest then. Pumasok ka na lang kapag tapos na ang period mo."

"Period?" Naitanong ko na lang.

"Yes, diba may period ka kaya hindi ka nakapasok? Your friend told me that. Magpahinga ka na lang, okay?"

Tangnang buhay to! Akala ko nilaglag na ako ni Jen. Akala ko mabubuking na ako na may gusto ako sa lalakeng ito. Muntik pa nga akong mapaamin na kanina eh.

Pero period ko nga ba ngayon?

"Magpalit ka na rin, Cyrene. Your white dress looks like the Japan flag right now."

Hindi ko naman agad na-gets ang gustong sabihin ni Gav. Hanggang sa ituro nya ang bestida ko. Tinignan ko ang suot ko at may mantsa nga ng dugo dun sa bandang pwet ko.

Saka ko lang na-realize ang sinabi ni Gav kanina. Japan flag - kulay puti na may bilog na pula sa gitna. Gaya ng puting bestida ko ngayon. Wahh, nakakahiya?!!

Bakit hindi sinabi ni Jen kanina na dinatnan ako ngayon. Umupo pa ako sa kama ko so malamang namantsaan na din ang puti kong bedsheet. Ang hirap kayang maglaba!

Pero paano pala nakita ni Gav ang dugo sa likod ko? Gusto ko sana syang tanungin pero nagpaalam na ito.

"I should go then. Bye honey."

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon