Chap.o17

2.8K 47 0
                                    

Chap.o17


Wala nang nagsalita sa amin pagkatapos. Nanatili lang kaming nakaupo at magkayakap sa isat isa. Tama na sa akin na ang tanging naririnig koy mga tibok ng puso namin.

Ako na lang unang kumalas makalipas ang ilang sandali. Nagtaka si Gav sa ginawa ko kaya naman hinawakan ko na ang parehong pisngi nito.

"If you're going to break up with me again, I swear I'm gonna rape you." Saad nito na hindi ko alam kung seryoso ito o nagbibiro. Napakaseryoso kasi ng mukha ng lalakeng ito nang sabihin nya yun.

"Sira!" At natawa na lang ako.

"Wag kang tumawa dahil seryoso ako." Saad na naman ito kaya naman tumigil na ako sa pagtawa.

Hinawakan ko na naman ang mga pisngi nito na nabitiwan ko nung tumawa ako. Seryoso ko syang tinitigan sa mga mata – sa magaganda nitong mga mata.

"Don't tease me, woman." Kunot-noong saad na naman nito.

Hindi ko na lang sya pinansin at hinaplos ko na lang ang nakakunot nitong noo. Hinaplos-haplos ko ito hanggang sa hindi na ito nakakunot.

Ibinalik ko na ulit ang mga palad ko sa pisngi ng lalakeng ito. Magsasalita na naman sana ito pero inunahan ko na ito.

Walang pag-aalinlangan kong inilapat ang mga labi ko sa mapupula nitong mga labi. Alam kong hindi ito inaasahan ni Gav pero ito talaga ang gusto kong gawin kanina pa lang.

Satsat ng satsat kasi ito kanina kaya hindi ko ito agad nagawa kanina. Wala akong alam o karanasan dito pero keri lang.

Ako na din mismo ang unang lumayo pagkatapos at pagtingin ko sa kaharap ko, kitang-kita kong nabigla ito. Pulang-pula pa ang mukha nito.

At dahil trip ko itong inisin, inilapat ko na naman ang mga labi ko dito. Pero wala pang isang segundo, gumalaw na ang mga labi ni Gav. Hinahalikan nya ako - yung totoong halik.

Ganito pala yun. Nakakabaliw at nakakasira ng sistema.

Hanggang sa naramdaman ko na lang na sumabay ako sa paggalaw ng mga labi ni Gav. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang ideyang pagsabay dito pero nang ginawa ko ito, mas lalo akong nabaliw.

"Honey, you'll be the death of me." Narinig ko na lang na sabi ni Gav.

Nagsabayan pa ang mga labi namin sa ritmong kami lang ang nakakaalam. Pumikit na lang nang kusa ang mga mata ko dahil dito at si Gav na mismo ang naglagay ng mga kamay ko sa batok nya. Tinuturuan nya siguro sa dapat kong gawin.

Naramdaman ko na din ang mga kamay nya sa beywang ko. At hindi ko na din namalayan pa na nakahiga na ako sa kama ko. Nagdilat ako na mga mata at nakita kong nasa ibabaw ko si Gav.

Dumilat na din si Gav at humiwalay na ito sa aking mga labi. Nagtitigan na kami pareho pagkatapos habang habol namin pareho ang paghinga namin.

"That was close." Hinihingal na sabi ni Gav. "Bati na tayo?" Dagdag din nito sabay ngiti ng tipid. Yung tipong nagdadalawang-isip ito sa magiging sagot ko.

At inilapat ko na lang ang mga labi ko dito bilang sagot. Tulad din kanina, si Gav ang unang kumalas.

"You're draining my patience, honey." Mariing wika nito.


PARANG wala lang kaming napagdaanan ni Gav pagkatapos. Pumupunta ulit sya dito sa bahay at wala ding masyadong nagbago sa pagitan namin. Meron palang nagbago. Ito yung pagiging vocal na ni Gav. Tulad na lang ngayon.

"Isang beses lang, Cyrene. Isang kiss lang oh."

Kitams? Nagiging vocal na sya. Nagsisisi na ako kung bakit ako pa ang nag-initiate ng halikan namin ni Gav noon. Kung hindi siguro, baka hindi na ito nagpupumilit gaya ngayon.

Siguro nga ay ganito talaga si Gav. Ito talaga ang totoong sya at hindi nya lang ito ipinapakita noon dahil nahihiya pa ang gago. Ngayon lang siguro gumaan ang loob nito sa akin.

Kaya nga ipinapakita na nito kung sino talaga ito - yung Gav na may pagkamaginoo pero may pagkabastos ng konti. Pero kung tutuusin, bilib ako sa lalakeng ito dahil ito na mismo ang tumitigil kapag nagiging mapusok na kami pareho. Bilib ako kay Gav dahil dito.

"Honey ko. Please." Pagsusumano pa nito.

Kaya naman bumuntong-hininga muna ako saka ko ito hinalikan. Smack lamang ito. Nalaman kong may iba't ibang pangalan pala ang mga halik. Nalaman ko ito mismo kay Gav. Ang daming alam ng gagong ito sa mga bagay na yun.

"Ganun lang? Wala bang mas matagal?" Reklamo na nito.

"Isang beses lang, diba?" ganti ko naman.

"Honey naman oh. Isa pa please. Promise last na ito."

Pumayag na ako sa kahilingan nito. Idinikit ko na naman ang mga labi ko sa mga labi nito. Plano ko sanang smack lamang ang gagawin kong halik gaya kanina pero hindi ko nagawa dahil hinawakan ni Gav ang batok ko saka nito pinalalim ang halikan namin.

Propesyonal na talaga ang gago dahil sa eksperto nitong paggalaw ng mga labi. Pero hindi importante ang pagiging eksperto ni Gav sa akin. Mas importante ay kung paano nya iparating sa akin kung gaano nya ako kamahal.

Sa kanya ko nararanasan ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko. Sa kanya ko din nararamdaman ang paghina ng mga tuhod ko. At higit sa lahat, sa kanya ko naramdaman ang pagmamahal na kahit kailan ay hindi ko man lang naramdaman kay inay.

Masaya ako dahil may dumating na Gavino Clive Cerezo sa tigang na buhay ko.

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon