Chap.o3

4.6K 77 0
                                    

Chap.o3

Nang makahuma na ako sa pagkabigla, tinalikuran ko na ang lalakeng ito at mabilis kong tinungo ang pinto. Akala ko malalahanghap ko na ang kalayaan nang mahawakan ko ang pinto pero mali ako. Sobrang mali ako at napigilan ako ng lalakeng ito sa plano kong pagtakas.

At talagang pinaharap pa nya ako sa kanya pagkatapos saka ako ikinulong sa matitipunong mga braso nya. Dahil sa ginawa nya, wala akong choice kundi ang harapin ang matipunong katawan nito.

Ang hot tignan ng pagdaloy ng ilang tubig sa magandang katawan nito. Teka, ba't naiinitan sa simpleng pagtingin lang sa katawan nito?

"My body's a masterpiece. Madami ang patay na patay sa aking mga babae dahil dito."

Sa sinabing nyang ito, tiningala ko na sya at tinignan ng masama. Pero hindi ko napigilang hindi humanga sa ganda ng mukha nya. Ang kakapal ng mga kilay nya na sobrang nakadagdag sa kagwapuhan nya. Malalalim din ang mga mata nito na sobrang itim. Talagang kinuha na nya ang lahat ng kagandahan dahil tinernuhan pa ang mga mata nya talaga ng mga mahahabang pilikmata. Tangos naman ang ilong nito na maiihantulad sa isang Kano. Pinakahuli ay ang mga sobrang labi nya na mamula-mula pa ang hitsura. Hindi maipagkakailang gwapo ito.

Saka lang ako nakabalik sa realidad nang maramdaman ko ang paglapit ng basang katawan ng lalakeng ito sa akin. Na kahit kakaligo lang nito ay ramdam ko kung gaano kainit ang katawan nya. Pero kahit nagagwapuhan ako sa isang tao, hindi naman maaari ang paglapit nya ng katawan nya sa akin. Kaya sa huli, itinulak ko ito. Napaatras naman ito ng konti pero sobrang lapit pa din nya na amoy ko na ang ginamit nyang siguro ay mahal o imported na sabon.

"No doubt you're a virgin." Nakangising sabi niya. "I also doubt if you can understand what I am saying." Dagdag pa nya.

Talagang iniinsulto nya ako ha? Hindi porket ganito lang ako, bobo na ako. Nakakaintindi naman ako ng English kahit papaano dahil nakatapos din naman ako ng high school. Hindi lang ako nakapag-college dahil sa kalagayan namin ni inay. Sa madaling salita, hindi na ako nag-kolehiyo pa dahil sa kahirapan.

"You're gorgeous, honey. You got a nice body and big tits." Wika pa niya na parang ipinapahiwatig nya talaga na hindi ko sya maintindihan.

Namumuro na sya ha. Kaya sa huli, hindi na din ako nagpatalo. Hindi ko na sana sya papatulan pa dahil Cerezo sya pero sumosobra na sya.

"Fuck"! Napamura na lang ito nang buong lakas ko syang sampalin.

"Wag mo akong maliitin, mister. Oo nakapag-aral ka sa kolehiyo at ako ay hindi pero hindi ibig sabihin nun ay pwede ka nang magmalaki at manliit ng kapwa. Kung talagang may pinag-aralan ka, hindi ka dapat ganyan umasta. Siguro nga ay sayang ang pinang-aral sayo dahil ganyan lang din kabaho at kasangsang ang ugali mo." Litanya ko pagkatapos dumapo ng palad ko sa pisngi nya.

Nakita ko namang nag-iba ang tingin nya sa akin at naningkit talaga ito. Marahil ay galit sya.

"No one hurts Cerezo and gets away with that easily. You'll pay for this." Banta na nya.

"Try me." Pag-i-english ko na.

Taas-noo din akong nagmartsa palabas. Saka ko lang naibuga ang kanina ko pa pinipigil na hininga paglabas ko. Matapang ako kanina pero kinakabahan na ako ngayon. Ngayon lang ako dinumog ng kaba pagkatapos ng eksenang yun. Patay na talaga ako. Sa dami ng makaka-engkwentro, bakit sa isang Cerezo pa?

"Ay palaka!" Sigaw ko nang may kamay na pumatong na lang sa balikat ko.

"Relax Cyrene, si Jen ito." At dun na ako nakahinga nang maluwag. Akala ko yung Cerezo na naman ang makakaharap ko.

"Hoy anong nangyari sayo? Ba't ang tagal mo?" Pagtatanong na nya.

"Ah yun ba? Nahirapan akong hanapin ang c.r. eh. Ang lawak kasi ng mansyon." Pagsisinungaling ko.

Mas mabuti kung hindi na malaman pa ni Jen ang nangyari kanina. Nerbiyosa pa naman ang isang ito. Baka mas OA pa ang maging reaksyon nito kung sakaling sabihin ko sa kanya ang katotohanan.

Ang ipinag-aalala ko din ay yung pagiging daldalita nito. Baka hindi pa natatapos ang araw na ito, alam na ng lahat ang nangyari.

"Wala ka man lang nakitang kasambahay na pwedeng pagtanungan?"

"Wala eh. Busy ang lahat siguro dahil sa handaan." Palusot ko.

"Siguro nga busy ang lahat ngayon. Tara, kain na tayo."

"Uhm Jen, pwedeng uwi na lang tayo?" Sabi ko na.

Ayokong magtagal pa dito dahil sa eksena kanina. Totoong natakot ako sa banta ng lalakeng yun. Mas mabuti kung uuwi na lang ako sa lalong madaling panahon. Ang laki ng nakabangga ko at hindi ko pa alam ang maaaring gawin nito sa akin kung sakali. Walang laban ang pamilya namin sa kanila.

"Hindi pa tayo kumakain eh." Saway ni Jen.

Jen naman oh.

"Sige na Jen oh. Uwi na lang tayo." Pagpipilit ko naman. Mapilit kaya ako. Isa pa, gusto kong makauwing ligtas at buo noh.

"Bakit ba kasi gusto mo nang umuwi?" Bakit nga ba?

"Masakit tiyan ko." Sabi ko sabay hawak sa tiyan ko. "Ang sabi ko kanina ay iihi ako pero natatae lang pala ako. Pero dahil hindi sanay ang puwet ko sa magarbong palikuran, hindi din ako nakatae." Diretsong litanya ko. Sana lang ay maniwala ito.

"Sige na nga." Lihim na lang akong ngumiti nang pumayag si Jen.

Sabay na kaming naglakad pauwi at para epektiv ang acting ko na natatae ako, kunwaring binibilisan ko ang paglakad. Yung tipong lalabas na talaga.

"Bad timing naman ng tiyan mo. Hindi ko pa nga nakikita yung anak ni señor Zacharias." Paghihimutok pa din ni Jen.

'Kung alam mo lang, Jen. Kung alam mo lang kung gaano kadumi ng budhi ng lalakeng yun.' Sabi ko na lang sa isip ko.

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon