Chap.o26

2.5K 35 0
                                    

Chap.o26

"Good morning, Cyrene."

Imbes na si Gav ang makikita ko sa labas ng bahay, ang tatlo ang bumungad sa akin - sina Toby, Macky, at Law.

"Magandang umaga din. Asan si Gav?"

"He's not here but we're going to take you to him." Si Law na ang sumagot.

"Ano??" Naguguluhang tanong ko naman.

Si Gav kasi ang unang taong bubungad sa akin tuwing umaga pero nag-iba siguro ang ihip ng hangin dahil ang tatlong ito ang nakita ko ngayon. Nagtataka na ako kung asan ang lalakeng yun ngayon.

"No more questions, Cyrene. Come on, puntahan na natin si Clive." Sabat na ni Toby sabay hawak sa kanang kamay ko.

"This will be thrilling." Saad naman ni Macky na humawak na din sa ibang kamay ko.

Wala na akong nagawa kung hindi ang magpahila sa mga ito. Si Law na ang bumukas ng pintuan ng kotse at dun na ako pinapasok ng dalawa. Umupo na din si Macky sa tabi ko pagkatapos.

Si Toby na ang nagmaneho habang nasa tabi naman nito si Law.

"Fasten Cyrene's seatbelt, bro. This will be a hell drive." Ani Law kay Macky.

Hindi ko naman naintindihan ang ibig sabihin ni Law. Basta sumunod na lang si Macky sa utos nito. Nag-seatbelt din si Macky pagkatapos nyang masigurado na nailagay nya nang maayos ang seatbelt ko. Nakita ko ding nag-seatbelt si Law. Ano ba talagang mangyayari?

Nasagot na lang ang tanong ko nang nagsimulang magmaneho si Toby. Napakabilis ng pagpapatakbo nya - yung tipong hindi ko na mabilang pa ang mga punong nalalampasan namin.

Hindi na din ako nagtaka pa nang marating namin ang destinasyon namin nang mabilis. Si Macky na ang nagtanggal ng seatbelt ko dahil nanginginig pa ang mga kamay ko hanggang ngayon. Nanlalamig ako at kinakabahan. Talaga bang nakarating kami? O baka naman nasa langit na kami ngayon?

"Calm down, Cyrene. Everything is fine now." Bulong ni Macky sa akin na syang nagpagising sa akin sa malalim na pag-iisip.

Inalalayan na din ako ni Macky sa paglabas ng kotse dahil pati ang mga tuhod ko ay nanginginig pa din ngayon.

"Fuck you, Toby. You frightened her."

"Whatever Macky. At least we are safe."

"Guys, behave. Puntahan na lang natin si Clive."

At pumayag na ang dalawa sa suhestiyon ni Law.

Naglakad na kaming apat at dun ko lang napagtanto na nasa isang resort pala kami. Tumigil lang kami nang nasa tapat na kami ng isang bahay. Ipinapasok na nila ako dito pero hindi ko naman makita si Gav. Ano ba talagang meron?

"Macky, yung damit?" Tanong ni Law at bigla na lang na ibinato ni Macky ang isang paper bag dito. Nasalo naman ito ng maayos ni Law.

"Let's go, guys."

At sa isang iglap lang, nakahawak na naman sina Macky at Toby sa parehong kamay ko. Sila na ang nagtayo sa akin at naghatid sa akin sa isang silid.

"Teka, ano bang gagawin nyo?" Tanong ko na dahil nakapagtataka nga naman kasi na dalhin ako ng tatlong ito sa isang kwarto. Parang may balak silang masama. "Sagutin nyo nga ako! Ano bang gagawin nyong tatlo sa akin?"

Nagtinginan na silang tatlo at sa isang iglap lang, sabay na silang tumawa. Hindi ko naman maiwasang hindi pumula dahil kung ano-ano kasi ang pumapasok sa utak ko.

"Chill Cyrene. We're not that guys who will do the rape thingy. It's the girls who beg for us." Wika ni Toby na syang unang nakabawi sa kanilang tatlo.

"Oo nga Cyrene." Sang-ayon naman ni Macky. "This is what you gonna wear by the way."

At kinuha ko na ang iniabot nitong paper bag. Nanlaki bigla ang mga mata ko nang makita ko kung ano ang laman ng iniabot na paper bag ni Macky.

"Ano ito?!"

"It's a bikini, Cyrene." Sagot ni Law.

"And you're going to wear it." Dagdag naman ni Toby.

"Ayoko!! Hindi pwede!! Wala na akong maitatago sa damit na ito." Pagtanggi ko sabay mwestra sa hawak kong bikini na halos kita na ang lahat kapag naisuot. Isa pa, talagang pula pa ang isang ito.

"Come on, Cyrene. Nasa beach tayo and what do you expect to wear? Alangan namang mag-pantalon ka at long-sleeve dito." Ani Toby.

"Eh kasi..."

"Come on, Cyrene. Don't be a killjoy. Pagbigyan mo na kami. Ngayon lang please." Wika naman ni Law.

"Cyrene please. Nag-effort pa akong nakawin yan sa girlfriend ko." Si Macky naman ang nagsalita. "Uhm ex girlfriend pala." Bawi din agad nito nang tignan sya ng masama ng dalawa.

"Seriously bro, ninakaw mo yan kay Hermione. Don't tell me you're gay." Suspetsa na ni Toby kay Macky.

"I'm not gay!" Depensa naman ni Macky. Tinaas pa nya ang kanang kamay nya - yung tipong nangangako.

"And how do you explain this, huh? You stole a fucking bikini, bro." Ani Toby.

"Listen guys, I'm not gay. I only stole that freaking bikini just for her sake. Hindi ko kayang isipin na isusuot nya yan especilly in public. I can't take it, guys." Pag-eexplain na ni Macky.

Napangiti naman ako sa paliwanag ni Macky. Mahal na mahal talaga nito ang babaeng yun. Obvious ito sa rason nya. Paano na kaya silang dalawa? Talaga bang naghiwalay sila ng Hermione na yun?

"Teka nga, bakit sa akin na natuon ang atensyon nyo? Diba nga we're convincing Cyrene to wear that bikini?"

Shucks! Wala na akong kawala.

"Wear it or you'll wear nothing, Cyrene. Choose."

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon