Chap.o36

1.8K 29 0
                                    

Chap.o36

"Hoy, sino yung gwapo sa sala? Boyfriend mo?" Tanong agad ni Jude pagkarating namin ng kitchen.

"Kuya ko yun." Sagot ko naman dito sabay kuha ng mga utensils. Tinulungan naman ako ni Jude mag-prepare.

"Infairness gwapo ah. Ireto mo naman ako."

"Gaga!" Wika ko saka palo ng kutsara dito. "May problema sa ugali ang isang yun kaya kung ako sayo, sa iba ka na lang."

Nagsimula na kaming kumain at panay pa din ang tanong ni Jude tungkol kay kuya. Si kuya ang topic namin hanggang sa matapos kami sa paghuhugas.

"Halika na, sa room na lang tayo. May halimaw sa sala." Aya ko kay Jude pagkatapos at tatawa-tawa na lang itong sumunod.

Tama nga ako na nasa sala pa din ang halimaw at nanonood pa din ito. Nakita ko namang tumingin ito sa amin saglit.

Pumasok na kami ni Jude sa silid ko at wala pang isang iglap, pumasok na din si kuya.

"What is it this time?" Naiinis na wika ko dito.

"What is that guy doing in your room, Cyrene? Don't tell me he'll sleep here." Wika nito sa medyo galit na boses.

"Hindi ko alam kung makakatulog pa kami dahil madami pa kaming gagawin. Now, will you get lost? Nakakaistorbo ka na. If you mind, kailangan na naming magsimula."

Nag-explain naman ako ng maayos pero parang galit pa din ito. Ni hindi pa nga ito lumabas man lang. Tinignan ko naman si Jude na prenteng nakahiga sa kama ko at kitang-kita kong nagpipigil ito ng tawa.

"Jude." I signalled him to come near me and he did. "Why is he still mad?" I whispered to him.

"He's thinking that we'll having sex, Cyrene. Napaka-unclear naman kasi ng pagkaka-explain mo kaya look, like he's going to kill me now." Ani Jude and somewhat, parang totoo nga ang sinabi nito.

"Please do the explanation nga para umalis na yan." I asked Jude and he gladly nodded.

"Look pare, may presentation kasi kaming kailangang tapusin kaya nasabi ni Cyrene na baka hindi kami makatulog. It's not what you think." Ani Jude kay kuya pero madilim pa din ang tingin ni kuya.

Ako na mismo ang lumapit dito para sana itulak ito palabas ng room ko. I did push him pero hinatak din nya ako kaya na pasama ako dito sa labas ng silid ko.

"It is easy for you to let any man in your room, huh." He said sarcastically.

"So? I can let any man step in my room as long as it is not you." I answered him back using my bitch tone. "So pwede bang pakibitawan ako dahil madami pa kaming gagawin?"

"Is your room soundproof?" Tanong nito instead na ipinagtaka ko. "Answer me, Cyrene."

"No. Why--."

"Good. I won't sleep and I'll be watching you both. Kapag may narinig akong kakaiba, I'll barge in your room at papasok na papasok ako kahit mag-lock ka pa."

"What are you talking specifically?" Tanong ko 'cause seriously, I don't understand him.

"Moans, groans, and anything, Cyrene. If I'll hear something suspicious, I'll cut that man's balls."

That was when he left. I was left shocked and mortified on the other hand. Ang dumi ng isip ng lalakeng yun at bakit naman nito naisip na magse-sex kami ni Jude. He's gay for crying out loud!

Pumasok na lang ako sa silid ko pagkatapos kong ma-compose ang sarili ko. Ang nakadapang Jude ang nakita ko. Sa kama ko sya nakadapa at may laptop pa itong ginagamit.

Walang pag-aalinlangang lumapit na ako dito at saka tumabi. Dumapa din ako katulad nya.

"Bwisit ng lalakeng yun." Hinaing ko kay Jude.

"Kapatid mo nga." Komento naman nito na sa laptop pa din nakatingin.

"Sira! Mas okay naman ang ugali ko huh."

"Oo na, oo na. Mas mabait ka na. Oh pa'no? Magsimula na tayo."

Nagsimula na nga kami at pareho kaming naging seryoso pagkatapos. Tig-isa pa kami ng ginamit na laptop para mas mapadali kami. Ito kasi ang madalas na problema ng mga estudyante minsan. Saka lang gagawa ng project, homework, at kung ano-ano pa kapag bukas na ang deadline.

"GRABE! Suko na si google!" Sigaw na lang ni Jude pagkatapos.

Itinigil ko naman ang ginagawa ko at sumandal muna ako sa headboard dahil masakit na ang katawan ko sa kadadapa.

"Ano bang pinagsasabi mo, huh, Jude?" Tanong ko dito habang ini-stretch ko ang mga kamay kong pagod na sa kata-type.

"Wala na akong ma-search para sa presentation natin. Pa'no na yan?" Wika ni Jude na nakadapa pa din.

"Sya, break muna."

At sabay na kaming pumunta sa kitchen. Nun ko lang napagtanto na pasado ala-una na pala nang makita ang wall clock na nasa kitchen. Damn, hindi pa kami natatapos!

Nag-sandwich na lang kami ni Jude. Madami naman akong stock na palaman kaya okay na ito.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang makita ko ang paglaglag ng sandwich ni Jude. At kasabay nun ay ang paglaki ng mga mata nito at ang pagbuka pa mismo ng bibig. What happened eh?

Due to curiosity, tumalikod ako at tinignan kung ano nasa likod ko na syang nagpa-nganga kay Jude nang ganun.

Muntik ko na din mabitiwan ang hawak kong sandwich at mapanganga nang malaki nang makita ng dalawang mata ko ang halos hubad ng katawan ng lalake. He's just on his boxers with the chiseled chest and 8-pack abs on top.

What are you doing, kuya Clive?

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon