Chap.o4

4.3K 78 0
                                    

Chap.o4

"Nay, lalabas po ako ngayon. Kukuha lang po ako ng mga kahoy na panggatong." Paalam ko kay inay isang araw.

"Siya sige." Pagpayag naman ni inay saka ito nagmamadaling umalis sa bahay. Maaga kasi syang lumalabas para pumunta sa bukid.

Nang wala na si inay, dun na din ako lumabas. Alas sais pa lang ng umaga at okay na ang oras na ito para hindi ako masyadong mainitan sa paghahanap ng mga kahoy na panggatong. Tutal ay wala pang araw sa mga oras na ito.

Kinse minutos din ang lumipas bago ako nakarating sa gubat. Mabilis ko namang ginawa ang pakay ko at isang oras ata ang lumipas bago ako nakakuha ng mga kahoy na kaya ko lamang na buhatin.

Buhat-buhat ko ang mga kahoy nang marinig ko ang daloy ng tubig. Napangiti ako nang wala sa oras. Nagpaparamdam na ang paraiso ko kaya naman dun na lang ako dumiretso. Matagal na din akong hindi nakakapunta dun kaya naman bibisitahin ko yun.

Mabilis naman ang mga ginawa kong paglakad at napangiti agad ako pagkakita ko sa paraiso ko. Ang ganda ng talon na talagang kinamanghaan ko. Maliit lang ang talon na ito pero hindi naman ito papatalo sa kagandahan. Malinis pa ang tubig na dumadaloy dito na patungo sa maliit na ilog kung saan ako naliligo minsan.

'Paano kaya kung maligo ako?' Tanong ko sa sarili ko at hindi na ako nag-atubiling tanggalin ang bestida ko. May suot naman akong manipis na sando at maikling shorts na panloob. Wala namang masyadong napapadpad dito kaya okay lang kung ganito ang suot ko.

Isa pa, ilang ulit na akong naliligo dito na naka-shorts lang at sando, at wala pa namang nakakakita sa akin sa ganitong kasuotan. Baka nga ako lang ang naliligo dito dahil mas gusto ng mga taga-dito ang La Mercedes - isang talon din gaya nito pero mas malaki lamang ang La Mercedes kaysa dito at mas gusto yun ng marami. Pero kung ako ang papipiliin, mas gusto ko dito.

Mabilis na akong tumalon pagkatapos. Langoy lang ako nang langoy hanggang sa mapagod na ako at tumuntong na lang ako sa malaki ng bato sa mismong ibaba ng talon. Ginawa kong shower ang talon mismo at ito ang pinakagusto kong gawin sa lahat.

"Wow! Nice body, honey!"

Nawala agad ang saya ko nang makita ko ang pinakaiinisan ko sa lahat. Nakangisi pa ang gago at pinipigilan ko pa nga ang sarili ko na lapitan sya para hindi dukutin ang mga mata nito na grabe makatingin sa katawan ko. Kung hindi ako nagkakamali, hinuhubaran na ako ng tingin ng gagong ito. Kaya naman mabilis na akong tumalon sa baba para ikubli ang katawan ko.

"At anong ginagawa mo dito, huh?" Bulyaw ko dito habang nasa tubig na ako. "Binubosohan mo ako ano?" Paratang ko pa nang maalala ko kung gaano kalagkit ang pagtingin nya sa akin kanina.

"Jeez conceited! Haven't heard of the word hiking?" Sarkastiko namang wika nito na sinabayan pa nya ng nakakarinding pagngiti.

"Alam ko ang hiking, gago!" Sagot ko naman. "Pero paano mo naman nalaman ang ganitong lugar aber? Sinusundan mo ba ako?" Pagsusupestiya ko naman.

"Dream on! I've seen thousands of naked women already. Mind you, they are all hot and sexy." Pagmamayabang nito. "Your body is nothing compared to them." Wika pa nya na nagpagalit sa akin.

"Gago! Kung makapang-insulto ka, akala mo ang gwapo mo. At pwede ba wag na wag kang mag-english dito dahil nasa barrio ka at wala ka sa Amerika!"

"Hey chill! Sana sinabi mo kasing hindi mo ako naiintindihan. May konsiderasyon naman ako eh." Talagang ginagalit nya ako ha.

"Tapos ka na? Kung tapos mo na akong insultuhin, maaari ka nang umalis dito. Ang ganda ng view, pinapapangit mo." Ganti ko naman.

"Pangit? Wow ha! Pangit ako? Well kung pangit ako, how about you then?" Hysterical naman na saad nito na parang ngayon lang sya tinawag na pangit sa buong buhay nya.

"Oo, inaamin kong pangit ako. Oh tapos na, pwede ka nang umalis." At tinalikuran ko na sya para lumangoy ulit. Sinisira ng gagong yun ang magandang araw ko.

"Aaaaahhhhhhh!" Napatili na lang ako nang may humila sa kaliwang paa ko nang tinangka kong lumangoy.

Akala ko ay malulunod na ako pero mabilis naman akong dinaluhan ng isang ito. Ipinulupot nya ang kamay nya sa beywang ko saka sya lumangoy paitaas. Dun ko lang nalaman na si gago pala ito.

"Papatayin mo ba ako ha? Kung hindi ka man lang kasi gago para hawakan ang paa ko habang lumalangoy ako. Bwisit ka! Napakagago mo!" Sigaw ko na rito.

Pero seryoso lamang akong tinitignan ng isang ito.

"I realized one thing. May shape ka pala." Ang syang sagot lang nito.

"Gago!" Bulyaw ko na lang saka ko sya itinulak papalayo sa akin. Sinigurado ko namang may distansya sa pagitan namin saka ako humarap at nagsalitang muli.

"Gago ka na nga, manyak ka pa. Ano pa ba ang meron sa ugali ng gaya mo na hindi ako alam?"

"I'm good in bed." At ngumisi pa ang gago.

"Bastos!" Singhal ko. "Pwede ba magdamit ka nga." Dagdag ko pa nang mapansin kong wala pala itong damit.

Makapagtataka na ang bilis nitong nakalapit. Kung tutuusin, kausap ko lang ito kanina pero sa bilis nito, kasama ko na ito sa tubig. Paano?

"Bakit pa? Macho naman ako ah." May yabang na wika ng gago. "If my memory serves me right, my women want me naked ALWAYS."

"Pwes wala ka sa America kaya wag kang umastang ganyan. At kung gusto ka ng mga babae mong hubo't hubad ka, pwes pumunta ka sa kanila. At pwede bang wag mo akong itulad sa mga babae mo." Kumukulo na talaga ang dugo ko dito.

"Tama ka na iba ka, you're not a woman eh." At tumawa na ito na talagang humawak pa talaga ito sa tiyan nya.

"Gago!" At sinapak ko na ito. Hinuli naman nya ang kamay kong sumapak sa kanya pagkatapos.

"Sumosobra ka na." Seryosong wika nito saka ko na lang naramdaman ang paglapit ng bibig nito sa bibig ko.


In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon