Chap.o25

2.5K 41 0
                                    

Chap.o25

"Tapos na ba kayong kumain?" Tanong ko sa tatlo.

Balak ko sanang sundan si Gav pero ayoko namang iwanan ang tatlong lalakeng ito.

"Hindi pa. Sundan mo na lang kayo yun, Cyrene." Sabi ni Macky na talagang kumakain pa din hanggang ngayon.

Nakapagtataka nga dahil ang dami nang nakain ang tatlong ito kahit na napaka-ordinaryo lamang ng inihanda ko. Siguro unang beses pa lang nilang makatikim ng mga ganitong klaseng ulam.

Ubos nga ang mga niluto ko. Balak ko pa sanang wag nang magluto mamaya ng hapunan dahil sa dami ng niluto ko ngayon, pero dahil may dumating na tatlong lalake, siguradong magluluto na naman ako mamaya. Hindi kaya magtataka si inay mamaya kung bakit naubos ang binili nyang isang kilong isda kaninang umaga? Ano kaya ang magandang palusot dun?

"Sundan mo na lang, Cyrene. Kami na lang ang bahala dito." Wika din ni Toby.

Napangiwi naman ako. Asa namang mapagkakatiwalaan ko ang tatlong ito. Baka nga hindi pa alam ng mga ito kung paano ang maghugas. Hindi namin babasagin ang mga pinggan at baso namin kaya panatag akong walang mababasag pero... Basta, wala akong tiwala sa mga ito. Tuldok.

"Wala ka bang tiwala sa amin? Ang sakit naman, Cyrene!" Kunwari ay nasasaktan si Law dahil may pahawak-hawak effect pa ito sa tapat ng puso nya.

Teka, paano nito nalaman ang naiisip ko?

"Guys, tama na nga yan. Susundan ko na si Gav, okay? Pero pakiusap ko lang sa inyo na kapag tapos na kayong kumain, hayaan nyo na lang ang mga yan dyan sa mesa. Ako na ang magliligpit mamaya."

"Wala ka talagang tiwala sa amin, Cyrene?"

"Wala Macky. Sorry pero wala talaga. Pero seryoso guys, sundin nyo ang mga sinabi ko ha?"

Pagkatapos tumango ng tatlo, dun lang ako tuluyang lumabas para sundan si Gav. Una ko syang hinanap sa labas ng bahay pero hindi ko man lang sya nakita. Walang senyales ni Gav kahit anino man lang sana nito.

Nasaan na kaya ang lalakeng yun?

"Gavino!!!!" Sumigaw na ako. Sana man lang ay sumagot ito.

"Gav naman oh! Sumagot ka naman." Sigaw ko pa dahil hindi man lang sumasagot ito. Alam kong nandito pa si Gav dahil nandito pa ang kotse nya.

Nang wala pa akong nakuhang sagot kay Gav, napagdesisyunan ko nang pumasok sa bahay. Sumilip pa ako sa kusina para tignan kung sakaling nandun si Gav pero yung tatlo ang nakita ko dun. Nakapagtataka nga dahil may kinakain pa ang mga ito. Hindi pa ba sila nauubusan ng makakain?

Nawalan na ako ng pag-asa na makikita ko pa si Gav. Kaya naman, sa sarili kong silid na ako nagpunta pagkatapos.

Kung saan ko hindi inasahan makikita si Gav, dun ko pa ito nakita. Nasa silid ko sya - nakahiga. Hindi pa talaga nito naramdaman ang pagpasok ko. Hindi nito alam na pumasok ako o nagkukunwari lang ito na hindi nito alam ang pagpasok ko dahil nagtatampo ito? Hayy Gav, ang cute mong magtampo.

Lumapit na ako dito at umupo na ako sa kama ko. Likod lang ni Gav ang nakikita ko dahil nakatalikod ito sa akin.

"Gav, sorry." Masuyong wika ko. "Alam kong naririnig mo ako at sorry talaga. Sorry dahil palagi ko na lang pinipintasan ang mga galaw mo at palagi kitang sinasabihan na isip-bata."

Hindi pa din ito kumibo pero alam kong nakikinig ito.

"Totoo namang isip-bata ka eh. Pero gusto ko yung pagiging ganun mo dahil alam kong totoong si Gav yun. Isip-bata ka man sa paningin ko, tandaan mong ikaw pa din ang baby ko. Mahal kita Gav. Sobrang mahal kita, baby ko."

Napangiti na lang ako sa kakornihan ko. Hindi ko inakalang baby na ang itatawag ko kay Gav pagkatapos nung naging kami. Siguro nga ay bagay kay Gav ang baby dahil parang bata ito.

"Ay palaka!!" Bigla na lang akong napatili nang may yumakap sa beywang ko. Pagtingin ko, ang nakangiting mukha ni Gav ang nasilayan ko.

"I like that endearment, honey. Gusto kong ako ang baby mo." Wika nito.

"Oo na. So bati na tayo?: Kiming ngiti ko.

"Matitiis ba naman kita? Halika nga dito para mayakap naman kita."

At wala pang isang segundo, nakahiga na kaming pareho ni Gav. Yakap-yakap pa din ako ni Gav sa beywang. Ito yung tipo ng yakap na parang ayaw nya akong pakawalan.

"Honey, anong ginagawa sa baby?" Kapagkuwan ay tanong ni Gav.

"Niyayakap ng ganito?"

At tumagilid na ako para mayakap ko ito. Isinubsob ko pa ang ulo ko sa leeg nito.

"Ang bango mo, Gav." Puna ko dahil amoy na amoy ko ang bango ng leeg nito. "Para ka talagang baby."

"Alam ko. Oh ano na ang sagot mo sa tanong ko?"

"Mali ba ako?"

"Oo."

"Uhm ano pa ba ang ginagawa sa baby?" At tumigil ako sandali para mag-isip. "Pinaghehele? Gusto mong kantahan kita?"

"Uh oh." Iling si Gav.

"Mali ulit? Wala na akong maisip eh."

"Meron pa, honey. Mag-isip ka pa kasi."

Ano pa ba kasi? Niyayakap? Kinakantahan? Minamahal?

"Gav, wala na akong maisip eh." Reklamo ko na.

"Paano kapag gutom ang baby, honey?" Tanong ni Gav pagkatapos.

"Gutom? Eh di pinapadede." Sagot ko. "Oh tapos?"

Tinignan ko na ito at hinintay kung anong magiging sagot nito sa tanong ko. Pero hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Gav dahil nakita ko itong nakangisi pagkatapos.

"Gavino, ang halay mo talaga!" Tili ko na nang mapagtanto ko kung ano ang gustong palabasin ni Gav.

"What's wrong? Diba nga baby mo ako? At kapag baby, pinapadede kapag gutom. Paano yan honey? Gutom na ako."

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon