Chap.o13

3.1K 48 2
                                    

Chap.o13


Kung ano ang ikinasaya ko sa umaga, yun naman ang ikinalungkot ng hapon na - nung umuwi na si inay galing sa trabaho.

"Ano na Cyene? Nakikinig ka ba o hindi?" Bulyaw ulit ni inay sa akin.

"Hindi naman po ako lumabas ng bahay inay eh." Paliwanag ko na.

At nagsasabi ako ng totoodahil hindi ako lumabas ng bahay kahit konting oras man lang.

"Sinasabi mong hindi ka umalis pero napakaobvious namang umalis ka. At anong nangyari ha? Dahil sa pagmamadali mong makauwi, nagkatapilok-pilok ka na sa daan at nasira mo na ang tsinelas ko. Kaya naman ang ginawa mo na lamang ay iwan ang tsinelas dun kaysa naman iuuwi mo itong sira."

"Inay, hindi po ganun." Hindi ko na naiwasang hindi pagtaasan ng boses si inay. "Nay, hindi ko po sinasadya."

"Walang hiya ka! Ganyan ka na pala ha! May lakas ka nang pagtaasan ako ng boses. Ganyan ba ang natututunan mo sa labas?" Puro masasakit na bwelta ni inay sa akin. Sa bawat pagsasalita nya, hindi naman mawawala ang bawat palo.

Gusto kong magwala dahil punung-puno na ako pero ayokong saktan si inay. Hindi ito makakaya ng konsensya. Ang saktan siguro si inay ang pinakahuli kong gagawin sa lahat.

Pero nagtataka na ako kay inay. Kahit maliit kasi na isyu ay ginagawang malaking bagay ni inay. Yung parang front nya ito para talaga ako saktan ako palagi. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung mahal ba talaga ako inay.

"Nay mahal nyo po ba ako?" Naibulalas ko na. Sa isip ko lamang ito pero nasabi ko na ito ng malakas.

"Talagang tinanong mo yan? Akala mo mamahalin ko ang bwisit na gaya mo? Kung bakit sa dinami-dami ng kamalasan, ikaw pa ang napunta sa akin. Hindi kita mahal. Tandaan mo yan. Isaksak mo pa yan sa kukote mo. Nagtitimpi lang ako na buhayin ka dahil kasalanan ang pumatay ng tao. Kung alam mo lang kung gaano ako nagtitimpi para lamang na--."

"Ano inay? Eh di sana pinatay nyo na lang ako. Hindi yung ganitong palagi nyo akong sinasaktan. Ang sakit inay eh. Sobrang sakit na talaga." Naiiyak na wika ko na.

Ramdam ko naman ang maliliit na karayom sa dibdib ko. Ang laki ng epekto ng mga sinabi ni inay. Parang kaya na nitong sirain ang lahat ng meron sa akin ngayon. Ganito pala ang pakiramdam kapag alam mong hindi ka mahal ng taong mahal mo. Ang sakit!

"Umalis ka na lang sa harapan ko habang nakakapagtimpi pa ako, Cyrene. Baka kung ano na lang ang magawa ko sayong bata ka."

At dahil sa banta ni inay, pumasok na ako sa silid ko at dun umiyak.


NAGISING ako kinabukasan na mahapdi ang mga mata ko. Pagtingin ko sa salamin sa aking kwarto, nakita kong namumugto ang mga mata ko. Dahil siguro ito sa pag-iyak ko kagabi.

Lumabas na ako ng silid ko at wala na si inay. Dun ko lang napagtanto na huli na pala akong nagising. Napansin ko din na mayroon ng nasibak na mga kahoy at halos mapuno na din ang mga dram sa banyo. Alam ko nang si Gav ang may gawa nito at tama nga ako dahil nakita ko syang seryosong nag-iigib sa balon.

Hindi ko muna sya tinawag nung una. Pinanood ko muna sya sa ginagawa nya. At hindi gaya kahapon, pambahay na lamang ang suot ni Gav - shorts at itim na v-neck shirt.

"Good morning." Bati na ni Gav nang mapansin nya ako.

"Magandang umaga. Napaaga ka yata." Bati ko naman na pilit pinapasaya ang boses ko.

Pero hindi ko inaasahan ang ginawa ni Gav. Linapitan nya na ako na may pagtataka sa titig nya.

"What happened, honey? Did you cry?"

"Hindi ah. Nasobra lang sa tulog."

Tumalikod na ako para hindi na ulit makapagtanong si Gav. Aalis na sana ako pero hindi pa ako nakalalayo, naramdaman ko na ang mahigpit na yakap ni Gav sa akin.

"Alam kong may problema, Cyrene." Bulong nya. "Promise ko na makikinig ako sayo kung sabihin mo man sa akin ang problema mo. Pero kung ayaw mo, I still respect your decision."

Dun na ako natibag. Hindi ko na napigil pa ang pagtulo ng mga luha ko. Bigla naman akong pinaharap ni Gav pagkatapos.

"Hush Cyrene. Hush honey." Pang-aalo nya sa akin.

Sinabi ko na kay Gav ang lahat. Yung pagtrato ni inay sa akin. Yung gusto ni inay na wag akong lumabas ng bahay. Yung pag-iwan ni itay kay inay nung ipinagbubuntis nya ako. Lahat ay sinabi ko kay Gav. Wala na akong inilihim pa.

"If you never feel your mother's love, I promise you I'll let you feel mine. I love you, Cyrene honey, and I won't last a day to show it to you." Sabi na ni Gav pagkatapos.

Niyakap nya din ako nang mahigpit at naramdaman ko ang lakas ng tibok ng puso nya. Alam kong mahal ako ni Gav at ganun din ako sa kanya. Parehas kami ng nararamdaman at sa tingin ko, panahon na para...

"Mahal din kita, Gav. Mahal na mahal kita." Nasabi ko din sa wakas.

Dun na din humigpit ang yakap ni Gav sa akin.

"Did I hear it right? I'm not hallucinating, right?"

"Oo, Gav. Mahal kita."

"Oh god!! Thank you! Mahal din kita, honey."

At hinalikan nya ako sa noo. Yung tipo ng halik na sumisimbolo ng respeto.

"I promise you won't regret this day. You make me the happiest man alive."

Hindi talaga ako magsisisi, Gav. Hinding-hindi ako magsisisi na sinagot kita kahit kalian.

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon