Chap.o9

3.7K 53 0
                                    

Chap.o9

"Gav, anong gagawin ko ngayon?" Tanong ko isang araw kay Gavino.

Gav na ang tawag ko sa kanya imbes na Gavino. Nagiging Gavino lang ang tawag ko dito kapag nagagalit ako o kung gusto ko man syang inisin.

"Talagang araw-araw mo yan tinatanong ha?"

"Oo naman. At last isang linggo na lang ako dito." Masayang wika ko.

"I'll miss you, honey." Narinig ko na lang na wika nito.

"Sira." Sabi ko na lang saka ko ito binatukan. "Oh ano nang maipapaglingkod ko ngayon kay señorito Gav?"

"Ano bang gusto ng honey ko?"

At ipinatong na lang nito ang kamay nya sa balikat ko. Ganito ang estilo ng isang ito kapag nagiging manyak na naman ito. At kung tutuusin, palagi itong ganito - palagi itong manyak sa madaling salita. Kaya naman, agad kong tinanggal ang kamay ng gagong ito.

"Nagiging gago ka na naman." Saad ko na.

"Can't help it. Ang ganda mo kasi."

"Yan na naman ang sagot mo. Palagi na lang, Gavino."

"Totoo naman ah. Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin kapag sinasabi kong maganda ka?" Tanong na nito.

"Bakit ba kasi ako maniniwala sa gaya mong bolero ha?" ganti ko naman.

"Hindi ako bolero, okay? I'm just telling you the truth but you kept on opposing it. What's the--." Tinakpan ko na lang ang bibig nito.

"No english, diba?" Saad ko.

Kondisyon ko ang hindi dapat pagsasalita ni Gav ng english dahil gusto ko syang masanay sa tagalog. Tutal ay nasa Pilipinas pa man din sya ngayon.

At nang tumango ito, saka ko lang tinanggal ang mga kamay ko.

"Gusto mo bang pumunta sa labas ngayon?" Tanong na nya.

"Anong labas?" Tanong ko naman.

Umiling na lang ito. "Just follow me, alright?"

At nauna na itong naglakad. Mabilis ko naman itong sinundan.

"Gavino, nag-i-english ka na naman." Sigaw ko. Ang hirap talagang turuan ng isang ito.

"Basta halika na." At hinila na lang nya ako.

Bahala na.

"MAGANDANG araw po, señorito."

Ganyan na lang ang palagi kong naririnig magmula nang dumating kami ni Gav. Dinala lang naman ako ni Gav dito sa parte ng hacienda nila na kung saan makikita ang iba't ibang hayop. May mga manok, baboy, kambing, kalabaw, baka, at kung ano-ano pa. Lahat na siguro ng mga hayop na pang-agrikultura ay narito na. Grabe, ang yaman nila!

"Hey, tulo na ang laway mo." Sita na ng kasama ko.

"Heh! Binigla mo ako eh. Nagsabi ka sana na dito tayo pupunta."

"Don't worry, honey. I'll be gentle next time." At tumawa na ito nang mahina.

Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang gustong i-point ni Gav.

"Gago!" At binatukan ko na lang ito. "Alam mo ang bastos mo, at hindi ka ba nakakaintindi? No english, diba?"

"Oo na. Hey Cyrene, you wanna ride?"

"Gavino, ang bastos mo!" At pinagpapalo ko na ito.

"Hey, stop."

"Sige, mag-english pa."

Hindi pa din ako tumigil sa pagpalo sa kanya. Hanggang sa napatigil na ako nito nang mahawakan nya ang dalawang mga kamay ko.

"Hindi ako bastos, okay?" Tinignan ko naman ito nang masama. "Fine, bastos ako kung minsan. Pero ang ibig kong sabihin kanina ay kung gusto mong sumakay sa kabayo. Sino ngayon ang bastos sa atin, huh?"

Eh di ako ang bastos? Malay ko ba kung kabayo ang tinutukoy ng gagong ito.

"You're blushing. So cute." Naramdaman ko na lang na pinisil ng gagong ito ang kanang pisngi ko.

"Kung gusto mong sumakay sa KABAYO, sumunod ka na lang."

At umalis na ito. Uminit na naman ang pisngi ko dahil kay gago. Talagang in-emphasize nya ang kabayo ha? At sino naman ang hindi maiinis kung nakikita ko pa itong tumatawa?

"Gago ka, Gavino! Nagiging bastos na ang utak ko dahil sayo." Sigaw ko na lang dito nang makahuma na ako.

Lumingon naman ito. "Guilty as charged. Halika na, Cyrene. Riding is fun." At ngumisi pa ito.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Simple pa ngang tumatawa ito habang papunta kami sa kwadra, at hindi ito tumigil sa katatawa hanggang sa nakarating na kami ng tuluyan dun. Nang-iinis talaga ang gago!

"Magandang umaga po, señorito."

As usual, binati na naman ng mga tauhan sa kwadra ang gago. At ang gago, tumatango lang bilang tugon.

"Where's misery?"

"Sa dati po, señorito. Kukunin ko po ba sya?"

"No, I can manage. Come, Cyrene."

At may nilapitan na kaming kabayo. Hindi ako eksperto sa mga kabayo pero masasabi kong maganda ang isang ito. Puro itim ang kulay nito at makintab pa itong tignan.

Hindi ko naman naiwasang hindi haplusin ang kabayong ito. Inalalayan naman ako ni Gav syempre. Mahirap na noh. Baka tadyakan pa ako ng kabayong ito. Hindi pa naman ako nito kilala.

"What do you think of him?"

"Maganda."

"Do you wanna ride him?"

"Pwede?"

"May experience ka na ba sa pagsakay?" Umiling naman ako bilang sagot.

"Eh di hindi na ako makakasakay?" Napalakas na tanong ko na.

Ngumiti naman si Gav. "There is another option."

"Ano?"

"Dalawa tayong sasakay? Are you in?"

"Oo ba! Oo naman!" Hyper na sagot ko na.

Ipinalabas naman ni Gav si Misery sa mga tauhan nya. At nang nasa tapat ko na ito, parang nawalan ako ng tyansa na makakasakay pa ako. Ang laki kasi ni Misery at wala akong alam kung paano ako makakasakay dito.

Hanggang sa maramdaman ko na lang na nasa ere na ako at nakasakay na kay Misery pagkatapos. Hindi pa ako nakakahuma, naramdaman ko na ding sumakay si Gav at pumuwesto ito sa likod ko. Eh di si Gav ang basta na lang na bumuhat sa akin kanina? Wahh, ang lakas nya.

At nang magsimulang maglakad si Misery, hindi ko naman naiwasang mapasandal kay Gav. Wahh, ang tigas! Pero teka, ano ba itong pinagsasabi ko?

"Gusto kitang ipasyal sa buong hacienda pero baka matagalan tayo. So, pupunta na lang tayo sa lugar na madalas kong puntahan noon. I'm sure you'll like the place."

Hindi naman ako makapagsalita. Parang nawalan ako ng ideya kung paano ko ibubuka ang bibig ko para makapagsalita. At hindi ko maintindihan ang sarili ko. Basta iba na lang itong nararamdaman ko. Lahat ay iba sa pakiramdam ko at wala akong kaide-ideya kung bakit ako nagkakaganito.

"Cyrene, okay ka lang?"

"Ah eh. O-oo."

"Patatakbuhin ko na si Misery. Just hold on tight, alright honey?"

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon