Chap.o15

2.8K 48 0
                                    

Chap.o15


"Ayaw mo talagang pumunta?" Tanong pa ulit ni Gav sa akin.

Kanina pa ako tinatanong nito kung pupunta ba ako sa mansyon o hindi. May malaking handaan kasi sa mansyon at gusto ni Gav na pumunta ako. Ayoko namang pumunta dahil baka may makakita sa akin at magsumbong pa ito kay inay.

Kapag nalaman ito ni inay, patay na ako. Swerte nga ako noon at hindi nalaman ni inay na nagpunta ako sa mansyon noon. Noong may handaan doon dahil umuwi si Gav galing sa America.

"Hindi pwede Gav eh. Importante ba talaga na dapat ay nandyan ako sa handaan na yan?"

Nakita ko naman itong sumimangot. "Hindi ka required na pumunta pero magiging masaya ako kung pupunta ka."

"Gav pasensya." Wika ko na saka ko ito niyakap. "Alam mo namang bawal akong lumabas eh. Sorry."


SI JEN na ang naging bisita ko kinabukasan. Hindi na pumunta pa si Gav dito sa bahay dahil may handaan sa mansyon nila. Ito yung handa na kinukulit ako ni Gav na pumunta.

Hindi ko lang alam kung ano ang ipinagdiriwang nila. Hindi na kasi sinabi ni Gav sa akin kung ano ang okasyon sa araw na ito. Basta alam ko lang na bongga na naman ang magiging handa sa mansyon ngayon dahil mayaman ang mga Cerezo. Parati na lang na may handaan sa kanila.

Nanumbalik na lang ako sa kasalukuyan nang batukan ako ni Jen.

"Ano bang problema mo?" Reklamo ko na dito.

"Alam mo ang gaga mo. Hindi ka talaga pumunta sa mansyon."

Hindi ko ito maintindihan sa totoo lang.

"Hoy babae, nakikinig ka ba?"

"Oo naman. Ano ba kasing meron ngayon?"

Tumawa naman ito ng pagak.

"Talagang hindi mo alam noh? Hoy babae, birthday lang naman ng nobyo mo ngayon. At talagang wala ka pa sa espesyal na araw nya ha?"

Dun na ako nabigla. Bakit hindi sinabi ni Gav sa akin na kaarawan nya ngayon? Eh di sana pinilit kung pumunta ngayon.

"Hoy Cyrene, ano na?"

"Hindi sinabi ni Gav, Jen eh."

"At ngayon tutunganga ka na lang. Magbihis ka na lang kaya para makaabot ka pa. Hay naku Cyrene, panira ka talaga ng araw."


At gaya ng sinabi ni Jen, nagbihis na ako. Binilisan ko na lang ang mga kilos ko dahil baka hindi ko na maabutan pa ang handaan sa mansyon. Gusto kong makita ni Gav na pumunta ako ngayon.

"Jen, ikaw na ang magsara ng bahay ah. Salamat."

At tumakbo na ako ng mabilis paalis ng bahay. Pero hindi pa ako masyadong nakakalayo, nakasalubong ko na si inay.

Tumigil na ako sa pagtakbo at yumuko na lang. Nakita ko na naman kasi ang pagsasalubong ng mga kilay ni inay. Galit na ito at patay ako neto.

"Cyrene, sa bahay." Matigas nitong utos.

Wala na din akong nagawa kundi ang sundin si inay. Hindi na ako makakapunta sa mansyon at ang pinakamalala, hindi ko na mababati sa Gav ngayon. Wala pa naman akong cellphone para sana matext ko lang sya.

"Sorry Gav." Bulong ko na lang. "Happy birthday."


NANDITO si Gav ngayon sa bahay pero ayoko syang kausapin. Kaya nga nasa loob lang ako ng kwarto ko ngayon. Si Gav naman, sa kabilang banda, ay kanina pa katok nang katok sa pinto ng kwarto ko.

"Cyrene naman oh. Please open the door." Pakiusap pa nito pero parang bato lang ako na ayaw makinig.

Ayokong lumabas dahil sa pasa ko sa kaliwang pisngi ko. Dahil ito sa malakas na sampal sa akin ni inay kahapon. At isa pang rason kung bakit ayaw kong lumabas ay nahihiya ako kay Gav.

Nahihiya ako sa kanya dahil hindi ko ito nabati kahapon. Anong klase akong kasintahan kung hindi ko pa alam na kaarawan ni Gav kahapon? Siguro ay hindi ako yung bagay sa kanya. At mas mabuti na din siguro kung ititigil na namin ito.

Masyado akong naniwala na bagay kami ni Gav. Na bagay ang isang tulad ko sa isang gaya nyang lalake. Pero napatunayan ko na hindi pala sa akin si Gav. Hindi sya pwede sa akin.

"Cyrene please. Buksan mo na ang pinto oh. I wanna see you." Pagmamakaawa pa ulit ni Gav.

"Ayoko Gav. Ayoko."

"I love you, honey. Please let me see you."

Hindi ko na napigilan pa ang pagdaloy ng aking mga luha. Ramdam na ramdam ko kasi ang sinseridad at ang pagiging totoo ni Gav. Oo mahal nya ako at ramdam ko yun pero...

"Gav, umalis ka na. Tapos na tayo." Nasabi ko na lang.

Dun na nagwala si Gav. Pinilit na nyang sirain ang pinto at sobrang lakas nya dahil parang masisira na nya ito.

"Hindi Cyrene. Walang tapos at hindi tayo matatapos. Mag-usap tayo please. Hindi naman pwede yung ganito."

At patuloy pa din si Gav sa pagtulak ng pinto. Humiga na lang ako sa kama ko at humarap sa bandang hindi ko makikita ang pinto. Ayokong makapasok si Gav dito pero alam kong makakapasok sya anumang oras dahil hindi naman gaanong matibay ang pinto ng silid ko. Pero pilit pa din akong umaasa na sana ay hindi nya matibag ang pinto dahil hindi pa ako handa na harapin at kausapinsya.

"Gav pakiusap. Umalis ka na lang."

Fuck that shit, Cyrene! I don't wanna lose you, honey."

At narinig ko na lang ang malakas na pagsipa ni Gav sa pinto.

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon