Chap.o20

2.6K 41 0
                                    

Chap.o20


"Gavinooo!!!!"

Mabilis kong naitulak si Gav nang may maramdaman akong parang gumalaw sa bandang tiyan ko. Hindi ko mawari kung ano yun. Kung isda ba yun o kung anuman.

"Why honey?" Tanong naman ni Gav sa akin.

"May gumalaw sa tubig."

"Like what?"

"Hindi ko alam. Basta may tumusok na lang sa tiyan ko kanina."

Tumawa na si Gav pagkatapos. Humawak pa ito sa tiyan – yung tipong tawang-tawa.

"Gav, seryoro ako!" Wika ko na. "May kung ano dito sa tubig. Baka kung ano--."

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil itinakip ni Gav ang hintuturo nito sa labi ko.

"It's nothing, honey. Hindi yun nakakatakot." Ano?

"Ha?"

"You're so naive, honey. Madami ka pang hindi alam."

At niyakap na lang ako ni Gav. Hindi ko ito maintindihan sa totoo lang.

Yakap-yakap pa din ako ni Gav nang magparamdam na naman yung naramdaman ko kanina. May tumusok na naman na kung ano sa bandang tiyan ko kaya naman itinulak ko na naman si Gav.

"Gav, meron talagang iba eh." Sabi ko.

"Damn!" Mura na lang ni Gav.

"Ano ba kasi yun?" Tanong ko na dahil sa kuryosidad.

Hindi ko naman kasi alam kung ano yun dahil hindi ko iyon nararamdaman magmula nang maligo ako dito sa talon.

Namula na lang bigla si Gav dahil sa tanong ko. Teka, mali ba ang tanong ko?

"It's my thing, Cyrene. It's your fault why I'm so damn hard right now."

"Ibig mong sabihin yung ano mo yun?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Hiyang-hiya namang tumango si Gav.


HINDI ko naman nagawang hindi ikuwento kay Jen ang nangyari kahapon. At ang bruha, ayun tawa nang tawa dahil daw sa kagagahan ko.

"Sige Jen, tumawa ka pa. Tawanan mo pa ako." May pagkasarkastikong sabi ko na dito.

Magmula kasi kanina ay hindi na ito tumigil sa pagtawa. Nakakainsulto na eh. Sana ay hindi ko na lang sinabi sa babaeng ito ang eksenang yun. Pagtawanan ba naman ako? Hayy, nasa huli talaga ang pagsisisi.

"Jen naman eh!!" Reklamo ko pa dito dahil hindi pa talaga ito tumigil sa pagtawa.

Alam nyo yung tawa na naiiyak ka na talaga? Ganyan na ganyan si Jen ngayon.

"Haha, ang epic haha kasi Cyrene eh. Seriously haha, hindi mo alam yun? Hahaha." At tumawa na naman ito nang sobrang lakas.

"Hindi ko talaga alam yun. Kasalanan ko ba kung wala akong karanasan sa bagay na yun -- Aray!!" Binatukan lang naman ako ng babaeng ito.

"Anong ibig mong sabihin ha? Ipinapahiwatig mo ba na hindi na ako birhen? Hoy babae, virgin pa din gaya mo."

"Eh bakit ba kasi ang dami mong alam tungkol dun?" Tanong ko na.

"Uso naman kasi ang pocketbook. Ay hindi, wattpad na pala ang uso. Hayaan mo, pahihiramin kita ng mga libro ko para naman may ALAM KA KAHIT PAPAANO." At talagang ipinahalata pa nito ang mga huling salita.

"Oo na. Nakakahiya naman kasi kung wala akong alam sa bagay na yun. Malay mo, may matutunan ako sa mga aklat na ipapahiram mo at magagamit ko ito kay Gavino." Mainis nga ang babaeng ito.

"Hoy babae, wag na wag mong gagayahin ang mababasa mo sa mga yun!! Kapag may nalaman ako na ikaw pa mismo ang unang gumawa ng move, makikita mo. Malilintikan ka sa akin!!"

Kitams? Nainis na ito haha.

"Ah basta, pahiramin mo ako ha? Malay mo magiging ninang ka na sa taong ito."

"Cyrene Felipe!!! Wala kang mahihiram na aklat sa akin!!!" Tuluyan na itong sumigaw.

"Diba wala akong alam? Bakit ka naman magdadamot?"

"Tangna! Wala ka talagang mahihiram sa akin!" At pulang-pula na itong lumabas ng bahay.

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon