Chap.o2

6K 85 0
                                    

Chap.o2

"Ang nanay mo na naman ang may gawa nyan, noh?" Sita ni Jen pagkakita nya sa pisngi ko.

"Hindi nya ito sinadya, Jen."

"Hindi sinadya? Gaga ka ba, Cyrene? Sinadya yan ni aling Cecil. May pasa bang ganyan na hindi sinadya? Sampal yan oh."

"Nabigla lang sya," tugon ko. Nakita ko naman ang pagsimangot ni Jen.

"Hmp! Nabigla ka dyan. Kung sampalin kaya kita at sabihin kong nabigla din ako. Oh anong say mo?" Pagtataray ni Jen na sinabayan pa nya ng pagtaas ng kilay at paghawak sa beywang. Nagmukha na syang mataray dahil sa ginawa nya pero hindi naman ako natakot o ano.

"Wag na nating pag-usapan pa ito please," wika ko na lang. Ayokong nagiging masama si inay sa paningin ng iba at maging kay Jen din. Mabait si inay at yun ang alam at pinaniniwalaan ko.

"Oh sya sige. Wag na nating pag-usapan pa ang inay mo." Napangiti ako nang sabihin yun ni Jen. "Pero labas tayo." Nawala din ang pagngiti ko pagkatapos sabihin niya ang gusto nya. Labas talaga?

"Jen naman oh. Wag naman yung lumabas pa tayo. Alam mo naman na ayaw ni inay ng ideya iyan," paghihimutok ko.

Ayokong lumabas pa ng bahay dahil ayaw ni inay nun. Hindi ko matatanggap na masasaktan ko na naman sya. Tanggap ko ang ilang ulit ng sakit kung sakaling saktan man ako ni inay pero hindi ko tanggap kung sakaling masaktan ko man siya. Madami ng pasakit si inay at ayoko nang mamroblema pa sya sa akin.

"Cyrene, isang beses lang naman eh. Promise last na ito." At nagtaas pa ng kanang kamay si Jen.

"Palagi mong sinasabi na last na ito," pagprangka ko na ikinasimangot ni Jen.

"Ah basta. Last na talaga ito. Sige na oh, Cyrene. Promise, mabilis lang tayo." At nanumbalik na naman ang enerhiya ni Jen. "Please, please, please." At talagang nagpa-cute pa sya sa akin para mas epektiv.

"Ano ba kasing meron?" Tanong ko na. Magyayaya lang kasi si Jen sa labas kung interesado sya sa isang bagay.

"Oh ano na, Jen? Ano ba talagang meron?" Tanong ko ulit nang hindi ito makasagot agad.

Nakita ko na lang ang unti-unting pagsilay ng ngiti sa mukha ng kaibigan ko hanggang sa tumili na ito nang sobrang lakas.

"Umuwi lang naman ang nag-iisang tagapagmana slash pinakagwapong anak ni señor Zacharias!!!" Sigaw ni Jen na talagang may patalon-talon pang nalalaman.

Tinalikuran ko na lang ang baliw kong kaibigan at dumiretso na lang ako sa silid ko. Mas maige kung matutulog na lang ako.

"Hep hep! Sama ka!!" At bigla na lang akong hinila ni Jen.

"Jen..."

"Kung hindi ka sasama, magkakalimutan na tayo," banta na niya bago ko pa sabihin ang pagtutol ko.

"Jen please," pakiusap ko pa. Baka sakaling madaan sa pakiusap ito.

Hindi naman ako pinakinggan ni Jen at nakita ko na lang ang likod nya pagkatapos. Seryoso talaga sya sa banta nya.

Sino nga ba ang mas matimbang: si inay o si Jen? Mas matimbang si inay pero...

"Jen hintay!!"

Pero ayokong mawala si Jen sa akin.

"UUWI NA AKO!" Pang-ilang ulit ko nang sabi kay Jen pagkatapak pa lang namin sa mansion ng mga Cerezo.

Pinakamayaman ang pamilyang Cerezo sa lugar namin. Sa kanila ang nag-iisang hacienda dito - ang hacienda Cerezo. At base sa dami ng tao dito ngayon at sa dami ng handa sa mahabang mesa, masasabing mayaman ang pamilyang ito. Kaya nga ayoko nang tumuloy pa kami ni Jen dahil nahihiya ako. Hindi ako nababagay sa lugar na ito o sa karanyaang ito.

"Alam mo ang KJ mo. Cyrene naman oh. Nandito na nga tayo eh," himutok ni Jen.

"Ikaw na lang ang tumuloy kasi. Tignan mo nga ang damit ko oh," sabay muwestra ko sa kupas kong suot na bestida.

Kumpara kay Jen, mas bago at mas maganda ang suot na bestida ni Jen sa akin. Mas bagay pa yun sa okasyong ganito.

"No excuses, Cyrene!" Saway na ni Jen. Seryoso na sya sa lagay na ito at kung ganito na sya kaseryoso, huwag mo na syang susuyawin kung hindi ay lagot ka. Ibang magalit ang babaeng ito.

"Sige, hindi na ako uuwi," pagpayag ko na. Wala na akong lusot kasi. "Pero mauna ka na, magsi-c.r. lang ako," saad ko psagkatapos. Naiihi na kasi ako dahil siguro sa kaba.

"Sure kang hindi ka tatakas ha?" Paninigurado ni Jen.

"Oo na. May laban ba ako sa iyo?" Sarkastiko kong sabi.

Nauna na ngang dumalo si Jen sa kumpol ng mga tao at dumiretso naman ako pagkatapos sa isang banda. Ngayon lang ako nakapunta dito sa hacienda Cerezo at masasabi kong ang lawak talaga dito. Baka nga maligaw ako dito ngayon. Magtatanong na lang siguro ako.

Sakto namang may nakasalubong ako na masasabi ko ng isa sa mga kasambahay dito. Sobrang yaman nga talaga ng mga Cerezo at naka-uniporme pa ang isang ito.

"Ate, saan po ba ang c.r. dito?" Magalang na tanong ko.

Mabait naman si ate at sinamahan pa talaga ako sa loob ng mansyon. Baka kasi maligaw ako at malaking tulong ang pagsama ni ate kung sakali.

"Dito ka na, ganda," pagbibigay impormasyon ni ate at umalis na din sya nang may tumawag sa kanya.

Pumasok na ako nang umalis na si ate na hindi ko kilala at pagkamangha ang makikita sa ekspresyon ko nang makita ko kung gaano kagarbo ang c.r. na pinasukan ko. Malawak ito at talagang magarbo. Nahihiya pa nga akong tapakan ang sobrang puting tiles dito na hindi man lang kakikitaan ng anumang dumi. Sa sobrang lawak pa nito, maaari na siguro akong tumira dito. Ang yaman talaga ng mga Cerezo.

At dahil naiihi na ako, pumasok pa din ako. Manghang-mangha talaga ako sa puting tiles dito na talagang sobrang linis at kintab. Talagang sa baba pa nga natuon ang buong atensyon ko habang naglalakad ako.

Nakakailang hakbang pa lamang ako nang may mabunggo akong sa tingin ko ay isang pader. Pero nagtataka ako dahil wala namang pader kanina dito ah at basa pa ang nabangga ko. Dahil sa kuryosidad, tinignan ko ang pader na nabangga ko.

Pagkabigla ang makikita sa akin nang napagtanto kong tao pala ang nakabangga ko. Hindi lang sya simpleng tao. Lalake ang isang tao at sa tangkad nya, talagang tiningala ko pa ito.

"Like what you are seeing, honey?" May ereng tanong ng lalake.

"Ang kapal ha!" Hindi ko naman napigilang ibulalas dahil sa kakapalan nito. Oo gwapo sya at macho pero sino ba sya?

"Gavino Clive Cerezo by the way. The only heir of don Zacharias."

Dun na ako namutla. Pader nga talaga ang nakabangga. At ang malala, napakalaking pader pa nito na sobrang hirap banggain. Patay ako neto!


In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon