Chap.o6

4.1K 59 0
                                    

Chap.o6


"Wag kang lalabas ha? Dito ka lang sa bahay at kapag malalaman kong lumabas ka, patay ka sa aking bata ka." Paglilitanya na naman ni inay bago sya tuluyang umalis ng bahay.

At nang makita kong malayo na sya, dun na din ako lumabas ng bahay. Mabilis ko nang tinahak ang daan patungo sa hacienda ng mga Cerezo. Mga sampu ng minuto din ang nakalipas bago ko narating ng tuluyan ang mansyon. Malugod naman akong nginitian ng may edad ng babae na nasa pinto. Hindi naman nalalayo ang edad nya kay inay. Kung singkwenta anyos na si inay, siguro nasa 52 o 53 ito.

"Magandang umaga po. Nandito po ako dahil kay..." Gago? Teka, ano nga bang pangalan ng gago na yun?

"Si señorito Clive ba kamo?"

"Ah eh tama po." Sagot ko habang kinakamot ang batok ko. Muntik na akong mapahiya dun ha.

"Ako nga pala si Martha. Tawagin mo na lang akong aling Martha." Pagpapakilala nya. "Ako ang mayordoma dito."

"Uhm Cyrene po pala." At malugod ko namang tinanggap ang kamay nya.

"Sige, ihahatid na kita sa amo mo. Ikaw na ang bahala sa batang yun ha?" Wika ni aling Martha habang paakyat kami sa enggrandeng hagdanan. "Kilala mo naman ang batang yun, ano? Medyo hindi maganda ang ugali nun kung minsan - masyadong spoiled at bossy - pero mabait naman ang batang yun kahit papaano."

Ows? Mabait ang gago na yun? Baka sinasabi lang ito ni aling Martha dahil boss nya ang gago na yun.

"Oh anak, dito na ang kwarto ni señorito. Ikaw na ang bahala ha?"


"Sige po." At kumaway muna ako kay aling Martha bago ko tuluyang pinasok ang kampon ni satanas este ang kwarto ng gago pala.

'Bongga!' Sabi ko sa sarili ko nang makapasok ako sa silid ng gago. Kung anong ikinapangit ng ugali gagong yun, yun naman ang ikinaganda ng kwarto nya. Simpleng tingin lamang ay masasabi nang mayaman talaga ang pamilya Cerezo.

Malamig dito sa loob dahil sa aircon. Sobrang lawak din ng kwarto ng isang ito at kung hindi ako nagkakamali, kasinglaki na ito siguro ng bahay namin.

Bago pa ako tuluyang mamangha sa gara at ganda ng silid na ito, nilapitan ko na lang ang malaking kama ng gago na nasa pinakasentro mismo ng silid. Mahimbing na natutulog ang gago at kung hindi ko sana alam ang ugali ng isang ito, baka nasabi ko nang mabait ito. Ang himbing kasing matulog ng isang ito. Ang cute nyang tignan habang yakap na yakap nya ang isang unan. Mukha syang baby - baby damulag nga lamang.

Pero seryoso, gwapo ang gago. Magulo ang buhok nito pero hindi naman ito nakabawas sa kagwapuhan nya. Makakapal din ang mga kilay nito, at kitang-kita ko din kung gaano kalalaki ang mga pilikmata nito na tinernuhan pa talaga ng malalalim na nga mata. Alam ko nang itim ang kulay ng mga mata nito. Bumaba pa ang tingin ko sa mukha nito hanggang sa matangos nyang ilong at sa mapupula nitong labi.

'Gwapo pala ang gago.' Lihim ko na lang na sambit sa loob ko. Kung alam ko lang sanang mabait ito, siguro ay nahulog na ako dito. Perfect catch ika nga. Pero sabi nga ng ilan, you can't have it all. Ang sama ng ugali eh.

"Aaaahhhhh!" Napatili na lang ako nang biglang magmulat ng mata ang gago na ito at hindi pa ako nakakarecover sa gulat nang hapitin din ako nito sa beywang hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa malambot at mabangong kama.

Kama? Eh di...

Nasagot na nga ang tanong ko nang nakita ko mismo sa ibabaw ko ang napakasamang lalake sa lahat. Saka ko lang narealize na nasa di kaaya-aya pala kaming pwesto.

Mala-demonyo ang ngiti ng gago sa ibabaw ko at kung minamalas nga naman, tanging ang maliit na saplot lamang ang suot ng isang ito. Kung hindi ako nagkakamali, ang tinatakpan lang na maliit na telang yun ay yung...

"Like what you are seeing, honey?" Nakangising tanong ng gago.

Sa tanong nyang yun, dun na ako nagising. Pinilit ko nang kumawala sa mahigpit na pagkakahawak ng gago sa akin. Pero dahil malakas ito na obvious naman dahil sa magandang pangangatawan nito, hindi ako nakawala o hindi man lang natinag ang lalakeng ito. Wahh, magkakasala ako neto.

"Hoy, ano ba?! Pakawalan mo nga ako!!" Singhal ko dito. Kinakabahan na ako pramis.

"Bakit ba? Tutal, gusto ko naman itong posisyon natin eh." At ngumisi pa talaga ang gago.

Pinilit ko na namang kumawala pero wala talaga akong kalaban-laban. Ni hindi ko man lang naitulak ito kahit konti.

"You look good in my bed, honey." Sabi nito na talagang tinignan pa ang buong katawan ko. Tangna! Makakapatay ako dahil dito!

"I wonder what will you look if I get you you naked right now." At lumapit pa talaga ang gago. Para bang ipinapaamoy nyang mabango pa rin ang hininga nito kahit kagigising lang ng isang ito.

Wahh, ang unfair! Bakit mabango pa rin ang hininga nito kahit na ang sangsang naman ng pag-uugali nito? Hayy, unfair talaga ang buhay.

"No reaction, huh? I think you want my suggestion then." Sabi na nito at dumikit na ang katawan nito sa akin.

Sobrang lapit na din ng mga labi nya na talagang amoy na amoy ko na ang naturang bango ng hininga ng isang ito. Ilalapit pa sana nito nang husto ang labi nya pero umiwas na ako bago pa mahuli ang lahat. Humarap na ako sa kanan ko kaya sa kaliwang pisngi ko dumapo ang halik nito.

"Bakit mo ba ginagawa ito ha? Ano bang problema mo?" Hindi ko na napigilan pang isigaw.

"Alam ko may atraso ako sa iyo pero wag namang ganito oh. Wag mo namang gawin ito. Hindi ko kaya." At tuluyan nang nabasag ang boses ko.

Hindi ko na din pa napigilan ang pagtakas ng mga luha ko. Nagiging mahina na naman ako ngayon.

Mukha naming nakonsensya ito dahil naramdaman ko na lang ang pag-alis nya sa ibabaw ko. Pero hindi naman nun napatigil ang pag-iyak ko. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa narinig ko na lang ang pagsara ng pinto.

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon