Chap.o24

2.5K 41 0
                                    

Chap.o24

"Wow Cyrene! Ang galing mo palang magluto."

"Oo nga. Pwede ka nang mag-asawa." Pagsasang-ayon naman ni Law kay Toby.

"So pwede mo na pala akong pakasalan, babe." Wika naman ni Macky na agad namang binatukan ni Gav.

"Mga gago kayo. Sino ba kasi ang may sabi sa inyong pumunta kayo dito?" Galit na ang dating malambing na Gav kanina.

"Wala ka sa bahay nyo nang magising kami eh. So nagtanong kami sa mga kasambahay nyo kung saan ka nagpupunta, at sinabi naman nilang dito sa bahay nina Cyrene ka naglalagi palagi." Sagot ni Toby dito.

"Bakit nyo pa kasi kailangang pumunta dito aber?" Pagsusungit pa ni Gav.

"Miss na namin si Cyrene. Cyrene, kanin naman oh." Pa-cute na wika ni Law.

Lalagyan ko na sana ng kanin ang plato nito pero inagaw ito ni Gav. Kaya sa kanyang plato ko nailagay ang kanin na para sana kay Law.

"Can't you serve yourself, huh? Fyi, hindi mo katulong si Cyrene." Pagtataray ni Gav.

"Tsk tsk. Panira ng style." Bulong naman ni Law na napaka-obvious namang ipinaparinig ito kay Gav.

"Shut up, Law!" Ayan, pinagalitan na sya ni Gavino tuloy.

"Talk to my hand, Clive! Ikaw nga ang gumagawa kay Cyrene na katulong. May pasubo-subo ka pang nalalaman. Jeez!"

"So what? At least she's my girl. MINE."

"Sure kang sayo na sya? What if she'll fall for me?"

"Dream on, del Rio. Hindi mababa ang standards ni Cyrene."

"Eh anong nangyari at sinagot ka nya ha, Cerezo?"

"Because she loves me. As simple as that. Diba honey?" At yumakap pa si Gav sa akin.

"Gav, ano ba? Wag ka ngang isip-bata." Wika ko na kay Gav.

"Heard that Cerezo? Ayaw na sa iyo ni Cy--."

"Shut the fuck up! I'm--."

"Gav, yang bibig mo." Tinakpan ko na ang bibig nito dahil kung ano-ano na naman kasi ang lumalabas sa bibig nito.

Nakita ko nang pasimpleng tinatawanan ng tatlo si Gav. Alam ko na ang mga nasa isip nila - na under sa akin si Gav.

Tinanggal na ni Gav ang kamay ko na nasa bibig nya pagkatapos.

"Shut up, ass--!"

"Isa Gavino." Banta ko na nang magsasalita na naman ito ng kung anong kabastusan.

"Fine, I'll behave."

At natawa na naman ang tatlo dahil sa pagiging under siguro ni Gav sa akin. Sobrang lakas ng mga pagtawa nila na pulang-pula na ang mukha ni Gav. Hindi ito dahil sa kahihiyan kundi dahil ito sa galit.

"Sige, tumawa pa kayo. Tignan natin kung makakauwi pa kayong buhay pagkauwi nyong tatlo sa syudad". Nari nig ko na lang na banta ni Gav sa mga ito. Sobrang epektib ng sinabi nito dahil agad na tumahimik ang tatlo.

"I'm out of this, bro. Si Law lang dapat ang bantaan mo." Sabi na ni Macky na syang unang nakabawi sa tatlo.

"Ako?! Hell no bro! I'm just kidding, okay?" Paliwanag naman ni Law dito.

"Basta I'm safe!" Nakangiti namang wika ni Toby. "Hindi kita ininis or what."

"Pare-pareho lang kayo! There's no exemption here."

"Cyrene, si Gav oh." Pagsusumbong na ni Law sa akin.

Nagpapa-cute na ito ngayon. Pero infairness, ang cute ni Law. Nakanguso kasi ito na may kasama pang pakurap-kurap ng mga mata.

"Ouch!" Sinapo na lang ni Law pagkatapos ang mukha nito nang may tumamang ulo ng isda dito. Sino pa ba ang gumawa? Eh di si...

"Stop that, Law. You're not even cute." Sita ni Gav.

"Anong hindi? Ang cute kaya ni Law." Wika ko na dahil umepekto kasi ang pagpapa-cute ni Law sa akin.

"Shit! Bawiin mo yun, honey."

"Haha. Possessive much, bro." Tawa na ni Toby.

"Gavino, tumigil ka na nga. Alam mo ang isip-bata mo! Diba nga napag-usapan na natin ito??"

"Ganun ba? Eh di sorry. Sorry dahil nagseselos lang naman ako. Sorry dahil takot lamang ako na mawala ka. At sorry dahil napaka-childish ko."

At wala pang isang kisap-mata, nakita ko na lang ang papaalis na Gav.

"Hala ka Cyrene! Nagtampo na si Clive." Pananakot ni Law pagkatapos maproseso sa utak ko na totoo nga yatang nagalit si Gav.

"Tsk tsk. Break-up na ito. Ang hirap pa namang paamuin ang isang yun." Iling naman ni Macky.

"Paano na Cyrene? Kung makipag-break man si Clive, eh di tayo na lang oh." Banat naman ni Toby na hindi naman bumabanat kanina nang nandito si Gav.

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon