Chap.o35

2K 30 0
                                    

Chap.o35


I woke up early the following day. Nagbihis naman ako agad. Paglabas ko ng silid ko after kong makapagbihis, nakasalubong ko ang hindi ko dapat makita. Kung minamalas nga naman.

Kaya naman, agad na akong kumanan para lagpasanan sana ito pero hindi pa ako nakakadalawang hakbang, nagsalita na ito.

"Where do you think you're going?" Wika nito sa seryosong boses.

"Pa'no mo malalaman kung ano ang mga nangyari if you kept your space for three years?" I said in sarcastic tone.

"I'm only asking you where the hell you are going. You don't need to be sarcastic anyway." Sagot naman nito using his coldest voice.

"Fine, I'm going to school. So pwede na ba akong umalis?" I tried not to raise my voice but couldn't help it. I don't even know if I raised my eyebrow a while back. Naiinis kasi ako.

"You're not the Cyrene I used to know before."

His statement stung my heart but I didn't make it obvious to him.

"So what? People changed. Everything changed."

Then I left him that instance. I did all my best not to bow my head because if I did, my tears would fall. Ayokong makita nyang nasaktan ako dahil sa sinabi nya. After all, tama naman sya. I changed. Hindi ko nga alam kung ako pa nga ba yung simpleng Cyrene noon three years ago.

Just as I reached the parking area, I brushed all the negative thoughts. Ayokong masira ang araw ko dahil lang sa lalakeng yun.

I hopped in my Motorama after and drove all the way to school. Nakarating naman ako sa school just the way I planned. Kaya naman sa cafeteria na ako dumiretso pagkatapos. I ordered pasta and a can of pineapple juice.

I began eating and I couldn't help but think of that devil guy. I want him out of my pad but I dont know what to do. Gusto kong umalis yun ng kusa, hindi yung ako ang nagpaalis. What do I do?

"Good morning, Cyrene." Natigil ang pagmumuni ko nang may bumati sa akin.

"Morning, Jude." I greeted him back.

"Mind if I would join you?" Jude asked me which I answered no.

"So when will we start doing the presentation?"

Napatigil agad ako sa pagsubo ng pasta nang tanungin ako ni Jude tungkol dun sa presentation.

"Diba it'll be on tomorrow?" Unfortunately.

"Fuck!" I couldn't help but curse. "Pa'no yan? I have no vacant this day."

Jude's an irregular student kasi. Classmate ko lang si Jude sa isang subject at sa subject na yun, may presentation na dapat gawin. By pair yun pero hindi pa kami nakakapagsimula.

"Don't know. Wag na lang tayong gumawa. Papasa naman tayo kay Mr. dela Cruz. Crush ka naman nun."

"Sira!" Binatukan ko ito. "Gumawa na lang tayo mamayang gabi. What do you think?"

"Saan naman tayo gagawa? Hindi pwede sa dorm dahil puro kami lalake dun. Baka molestyahin ka pa dun.: Paliwanag ni Jude and somewhat, may point sya.

"Sa pad ko na lang." I suggested. "Sabay na tayo pupunta mamaya after ng mga classes natin."

"Gaga! Pa'no naman ang mga gamit ko? Uuwi muna ako sa dorm mamaya. Alam ko naman ang condo mo kaya susunod na lang ako."

"Talaga lang Jude, huh? If I know, magpapaalam ka lang sa mga ka-dorm mo dahil mami-miss mo sila." Wika ko sabay inom ng juice.

"Bakit mo alam?"

At nagtawanan na kami pareho pagkatapos. Yep, Jude's gay. Hindi sya yung tipong open sa pagpapakita ng totong gender nya. It's a secret anyway at hindi ko nga alam kung bakit nya sinabi ang sikretong yun sa akin.

Kung titignan kasi si Jude, iisipin mo talagang straight ito. Pormang lalake at hindi mo kakikitaan ng ebidensyang pagkabading. Pati pagsasalita nito ay napakalalake.

"Geh Judy. May class pa ako." Paalam ko na dito after.

"Cyrene, yang bibig mo. Baka may makarinig sayo." Wika nito nang mapagtanto nito ang pagtawag ko sa kanya ng Judy.

"Don't worry, walang nakarinig." Assurance ko naman dito nang tignan ko ang kabuuan ng caf.

Bukod sa cashier, kami na lang ang nandito. Hindi naman siguro ako narinig nung cashier dahil malayo yun sa amin.

"Ang daldal mo kasi."

"Eh di sorry. Okay bye, handsome." Paalam ko na dito pagkatapos ko itong halikan sa pisngi.


NATAPOS nang matiwasay ang mga klase ko at umuwi na din ako agad. I'm dead tired and drowsy.

Pagkarating sa pad ko, sa kama agad ang bagsak ko. Kasabay ng pagbagsak ko ay ang pagbagsak din ng mga talukap ko.

Saka lang ako nagising nang kinatok ako ni kuya para kumain. Tumanggi ako at naligo na lang. Pagkaligo ko, tinext ko si Jude para ipag-take out ako ng pagkain. Any will do sabi ko na lang. Bahala na ang isang yun kung ano ang bibilhin basta hindi ako kakain ng luto ni kuya.

Wala pang 20 minutes, narinig ko na ang doorbell at dun na ako lumabas. Inayos ko na lang ang buhok ko at ginawa itong bun - yung messy bun nga lang.

Paglabas ko sa silid ko, sakto ding pagtayo ni kuya.

"Ako na." Wika ko at umupo na ito.

Hindi ko naman maiwasang maging di komportable lalo na sa klase ng tingin nito.

"May news na bang nagsasabing nagkaroon ng scarcity ng damit." Patama nito sa akin saka ito nagkunwaring tumingin sa flatscreen tv.

Hindi ko na lang ito pinansin at dumiretso na lang patungo sa pintuan. Okay naman ang suot ko ah - black racerback at white cotton shorts. Pasalamat pa nga sya at di ako nag-two piece.

Si Jude nga ang napagbuksan ko ng pinto. Nakapambahay na ito - black sando at khaki short. Naka-tsinelas na din ito saka may dalang bag sa likod at laptop bag.

"Buti at natandaan mo pa itong pad ko." Biro ko.

Pumasok na ito sabay abot ng paper bag.

"Paano ko to malilimutan kung madaming beses na akong nakapunta dito?" Sagot naman nya.

Tinignan ko na ang laman ng paperbag na bigay ni Jude at napansin kong hindi yun take out.

"Curry yan. Nagluto kasi ako nyan kanina at sakto namang madami akong niluto kaya yan na lang ang kinuha ko para sayo."

"Thanks Jude. You're sweet." Pasasalamat ko na.

Jude can be sweet sometimes. Sayang lang at hindi sya straight. Madaming iiyak na babae kapag nalaman nila ang sikreto nito.

"Come, samahan mo akong kumain. Kainin natin itong specialty mo." Aya ko dito at pumayag naman ito.

Pero hindi pa kami masyadong nakakalayo, may nagparinig na naman.

"May scarcity nga sa damit, pero sa pagkain wala. Madami dyang pagkain na nasasayang lang dahil hindi nakakain. Hayy, hindi ko maintindihan ang mga tao! Ano bang nangyari sa Pilipinas nang nawala ako?"

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon