Chap.o41

1.8K 30 0
                                    

Chap.o41

"Hey, what was that?" I asked Jude habang paalis kami.

Curious na talaga ako. Akala ko kilala ko na talaga ng husto si Jude pero mali ako. Hindi ko malalaman na may kambal ito kung hindi lang sa nangyari sa hotel. Hindi ko din alam kung bakit isinauli nito ang susi kay bastos. At hindi ko alam ang dahilan kung bakit sa dorm ito nakatira. Kung tama ako, penthouse ang narinig kong sinabi ni bastos noong nakaraang gabi. Kung penthouse nito ang kwartong tinulugan ko that night, eh di ibig sabihin nito, mayaman sina Jude. Fuck, I'm confused!

"Sorry Cyrene. Hindi pa ito ang tamang time I guess."

"Fuck no, Jude! Tell me who you are! Gulung-gulo na ako actually. Hindi ko alam kung ikaw pa din ang nakilala kong Jude. It is just that ang dami ko pang hindi alam sayo." Sigaw ko na nagpatigil kay Jude.

"I'm still the Jude you met months ago. I assure you that but..."

"What Jude?!" Sigaw ko na. Pasasalamat ko na lang dahil konti lamang ang mga nakikita kong estudyante sa part na ito.

"Jude naman eh. Tell me everything, please. I want to know everything. Ayoko ng ganito - yung wala akong kaalam-alam." My voice softened.

"I'm gay, Cyrene." May diin na sabi ni Jude.

"Alam ko. Alam na alam ko yan, Jude. At ano naman ngayon kung bading ka, huh? Ano naman--."

"My family don't know that." Parang bulong na lang na wika ni Jude. He was hurting and I could sense it. Poor Jude.

"Hindi alam ng pamilya ko, Cyrene. Hindi alam ni dad, ni mom, at pati ng kakambal ko. I'm not telling them the real me - that I am gay – 'cause I'm so afraid. Hindi nila ako matatanggap and worse, itatakwil nila ako. I can't take it, Cyrene. Ayokong mag-isa." Jude's voice broke.

Hindi na ako nag-atubiling yakapin ito at aluin. Hindi ako ang nasa kalagayan ni Jude pero alam ko ang sakit na nararamdaman nya. Pareho kami. Takot kaming mag-isa. Takot kaming mapag-iwanan. At takot kaming walang kasama.

"Hindi ko alam ang gagawin, Cyrene. Ayokong umamin, natatakot ako." Jude kept on crying.

"Kaya ba sa dorm ka nakatira at hindi sa bahay nyo? Natatakot ka bang mabuking nila na bakla ka?" I couldn't help but ask.

"Tama ka." He answered that instance. "But my parents are at the province - in Ilocos specifically - so hindi ako makakauwi araw-araw." There was humor in his voice.

"Jude naman eh." Reklamo ko na.

"Seriously speaking, hindi pa ako umuuwi sa probinsya. Matagal na."

Humiwalay na ako sa yakapan namin at tinitigan sya. Akala ko binibiro lang ako ni Jude pero nang makita kong seryoso ito, alam ko nang 'di ito nagbibiro

"Don't blame me. Umuwi man ako, sa hot seat na naman ako. Palagi silang nagtatanong, Cyrene. Nagtataka na sila kung bakit wala man lang akong nagiging girlfriend. Ni wala daw pang nami-meet sina dad at mom na girlfriend ko... Ayokong umuwi. Ayoko." At umiyak na naman ito.

Seeing Jude this way hurted me that much. I'm his friend but I couldn't do anything to help him - to lessen his burden. Anong klase akong kaibigan?

"Sorry Jude. I can't bring any help." Wika ko na.

"HEY, WHAT'S WITH THE LONG FACE?" Tanong agad ni kuya Clive pag-uwi ko.

I scanned first my pad. Mahirap na. Baka nandito yung slut na nakaaway ko noon.

"You didn't bring here, do you?" I asked him, trying to confirm if the slut never came to my place.

"Emily? No worries, she never entered here."

"Akala ko wala ka ng natitirang hiya sa katawan. Mabuti naman at tinamaan ka kahit papaano." Bulong ko dito.

"What?"

"Wala. Ang sabi ko may pupuntaan ako this coming weekend."

I've already decided. Nakapagdesisyon na ako kanina habang pauwi ako. I can help Jude actually. I can be his girlfriend and I'm willing to pretend just for him. Mali mang magpanggap, gagawin ko pa din ito para matulungan ko ang kaibigan ko kahit papaano. Bahala na kung ano man ang kahinatnan nito.

"What?!" Hindi makapaniwalang wika ni kuya Clive. "You promised dad you'll be coming with me this Saturday. You promised na uuwi tayo."

Yep, I did my promise to tatay na uuwi ako sa bahay sa Sabado. Pero maiintindihan siguro ako ni tatay kapag hindi ako makakauwi ngayon.

"What now, Cyrene? You made a promise to the old man. Pero babalewalain mo lang yung pangako mo just to be with nobody."

"Jude's my friend, kuya!" Sigaw ko na. "He's just a nobody to you but he's my friend. Jude needs me this time." I explained na syang nagpatigil kay kuya.

"No worries kuya. Sinabi ko na kay tatay na 'di ako makakauwi ngayon. Basta asahan mong makakauwi na ako sa susunod. Uuwi din ako sa bahay. Just not this time unfortunately."

"If you can't make it, it'll be better if hindi na din ako uuwi. Sabay tayong uuwi. Basta siguruduhin mo lang na sa susunod, wala ka nang excuse pa. Remember that dad misses us. He is longing to see us going home together."

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon