Chap.o22

2.6K 37 0
                                    

Chap.o22


Ako ang humila kay Gav pero dahil hindi ko alam kung saan ko ito dadalhin, ito na ang syang humila sa akin hanggang sa pumasok kami sa isang silid. Hindi ko na inalam pa kung anong klaseng silid ang pinasok namin dahil ang mahalaga ay kailangan kong kausapin ang lalakeng ito.

"Gav, okay ka lang?"

"Okay? You find me in this state okay?"

"Sorry." Wika ko na. "Hindi na lang sana ako pumunta." At ibinigay ko na dito ang phone nya na naiwan nya sa bahay. "Naiwan mo kasi ito at tumawag ang mga kaibigan mo kanina."

"Sorry, honey." Narinig kong wika din ni Gav pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan.

Hinawakan na nito ang magkabilang pisngi ko.

"Sorry if I'm acting strange. Sorry for being sarcastic. I didn't mean it, honey. "Masuyong wika nito sabay tingin sa mga mata ko.

Talagang kinikilig pa ako ngayon ha. Bakit ba kasi ang bilis kong makilig kapag si Gav na ang pinag-uusapan?

Hinawakan ko na din ang dalawang pisngi ni Gav pagkatapos. Bale, magkaharap kaming pareho at hawak pa naming dalawa ang mga pisngi ng isat isa.

"Peace na tayo?" Masuyong wika ko.

Unti-unti namang sumilay ang ngiti ni Gav hanggang sa naramdaman ko na lang na hinahalikan na pala nya ako.

Mahinhin ang paggalaw ng mga labi ni Gav. Ito yung tipong sinusulit nya ang bawat segundo na magkahinang ang mga labi namin.

Napahawak na din ako sa batok ni Gav pagkatapos nitong pailaliman pa ang paghalik nya sa akin. Hindi ko na din alam kung ano ang nangyari sa akin dahil naramdaman ko na lang na sumasabay ako sa paggalaw ng mga labi na ni Gav.

Napakalambot talaga ng mga labi ng lalakeng ito - ng lalakeng tanging mahal ko. Alam kong si Gav na ang lalakeng tanging mamahalin ko dahil hindi ako papayag na pakawalan pa ang isang ito. Ano na lang ang mangyayari sa akin kapag nawala si Gav sa buhay ko? Siguro hindi na ako makukumpleto pa. Iisipin ko pa lang na wala na ito sa buhay ko ngayon, malungkot na ako. Paano na lang kung talagang wala na ito? Hayy, si Gavino Clive Cerezo na talaga ang kinababaliwan ko ngayon.

Natapos din ang paghahalikan namin dahil si Gav na din mismo ang agad na humiwalay. Ang galing talaga ng lalakeng ito na mambitin este magpigil. Kung hindi ito siguro gagawa ng paraan para pigilan pa ang paghahalikan namin, malamang hindi na ako inosente ngayon.

Kaya nga sobrang mahal ko ito dahil kahit ganito ito, alam nya akong respetuhin. Hindi sya yung tipong magte-take advantage. Nagtataka na din ako kung minsan kung totoong playboy ba ang lalakeng ito. Kung ganun kasi ito, malamang noon pa nag-take advantage si Gav. Kaya nga alam ko mismo na mahal ako ni Gav. Sobra nya akong mahal. Na kahit hindi ko man maibigay ang lahat, mahal na mahal pa din nya ako.

"Mahal kita, Gav." Nasabi ko na lang dahil sa sobrang pagmamahal ko dito.

"I love you, too, Cyrene honey. I damn love you so much." Sagot din nito sabay dikit ng noo nito sa akin.

"Hoy, yung bibig mo." Sita ko dahil nagmura ito.

"Sorry honey. Can't help it." Hingi nito ng patawad. "Just that I really love you that much."

Hinawakan na din nito pagkatapos ang mukha ko.

"Bakit ba kasi napakaganda mo at talagang nagseselos ako ng sobra gaya ngayon? Selos na selos na ako kapag nilapitan ka na. And damn, nagseselos din ako sa mga kaibigan ko." Litanya nya.

"Gav..."

"Let me finish it, okay?" At hindi na nya ako hinayaan pang magsalita.

Gusto ko sanang kontrahin ang sinabi nitong maganda ako. Hindi kasi ako naniniwalang maganda ako. Alam kong simple lang ako. Hindi ako yung tipong magugustuhan ng isang Gavino Clive Cerezo pero sa hindi inaasahang pagkakataon, minahal nya ako – minahal ng sobra.

Wala ako sa mga katangian na pwedeng gustuhin ng isang gwapong nilalang gaya na lamang ni Gav. Hindi ako tulad ng mga modelo at artista na nakikita ko sa mga tv, magazines at dyaryo. Wala akong panama sa mga ganda ng mga yun.

Hinaplos na ni Gav ang pisngi ko pagkatapos. Sobrang hinhin ng paghaplos nya na parang isa akong babasaging gamit na maaaring mabasag.

"This face is an evidence of true beauty, honey. This beauty always makes me realize that I got frightened also. That someday this beauty infront of me won't be mine in the future..." humina na ang boses nito. Parang bumubulong na ito pero kahit ganun, naririnig ko ng malakas ang bawat sinasabi ni Gav. Rinig na rinig ko ang pagmamahal nito.

"I'm fucking scared, Cyrene. I doubt if you'll always be mine after all these years. I'm damn scared that someone better than me will have you. You make me crazy every time, all right? And this is what your beauty always does to me. I'm damn whipped."

Ewan ko kung binobola ako ni Gav. Nagdadalawang-isip ako kung talagang maganda ba ako at kung totoo ang mga sinasabi nito. Pero sa kabilang banda, mas lamang ang kagustuhan kong paniwalaan si Gav. Lahat kasi ng mga sinabi nito ay galing sa puso at talagang bukal ito sa loob nya. Wala na akong pakealam kung pambobola man ito o hindi. Basta nanggaling kay Gav mismo na maganda ako.

Oo, takot din sya. Takot na takot syang mawala ako sa buhay nya. At nang nalaman ko ito, parang nabunutan ako ng tinik. Hindi ko inakalang takot ang napakagwapong lalakeng ito na mawala ako sa buhay nya.

Kung alam lang nito na ganun din ang mga iniisip ko. Na takot din akong mawala ang lalakeng ito sa akin.

"Did you hear me? Remember that I don't wanna lose you, okay?" Wika ulit ni Gav pagkatapos ng pagsasawalang-kibo ko.

"Oo na." Nginitian ko na ito. "Kahit naman itulak mo ako kung sakali, hinding-hindi ako lalayo. Isa pa, sa iyo lang talaga ako... Kahit kalian sa iyo ako"

In Contradiction of HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon